*background music is available*
Her Karma?
Jiwon's POV
"Tama na nga yan unnie, kahit anong inom mo dyan, kahit makailang bote ka pa hindi pa rin mabubura yung katotohanang may gusto sakin si Sihyeon unnie" bored na saad sakin ni Yoorim habang pinapanood ako uminom ng beer, hindi ko na alam kung pang ilan ko na nga itong iniinom ko.
Ang alam ko lang umiinom ako dahil hindi ako makapaniwalang si Yoorim ang gusto ni Sihyeon. Sa tuwing naaalala ko yung pakiusap ni Sihyeon sakin parang gusto ko na lang maglasing ng paulit-ulit.
"Tulungan mo ko mapalapit kay Yoorim, sa bestfriend mo unnie"
"AAAAAH!" sigaw ko kaya napapitlag si Yoorim sa tabi ko.
"Haay! Ano ba yan unnie huwag ka nga mag iskandalo dito, nakakahiya sa bar ko, hindi bale sana kung hindi kita kaibigan eh" awat sakin ni Yoorim at bahagya ako tinulak sa inis.
Oo pumunta talaga ako sa bar niya para uminom at sabihin na rin sakanya ang napag-usapan namin ni Sihyeon. . . Na may gusto si Sihyeon sakanya.
Hindi na nga siya nagulat nung sinabi kong umamin ako kay Sihyeon na gusto ko si Eunji, halata naman na daw ako matagal na psh. . . Palibhasa kasi siya yung nang-aasar sakin kay Eunji nung una palang.
Seriously naman, of all people kasi na magugustuhan ni Sihyeon bakit itong player ko pang kaibigan ang nagustuhan niya! Pilit ko nga siya iniiwas sa babaeng ito tapos ito pa talaga nagustuhan niya?
Ang masaklap gusto pa ni Sihyeon tulungan ko siya mapalapit sa bwisit na babaeng ito.
"KASI NAMAN YOORIM, BAKIT IKAW PA?! BAKIT IKAW PA NAGUSTUHAN NG KAIBIGAN KO??" Sigaw ko sakanya habang niyuyugyog pa ang magkabilang balikat niya.
Lasing na ko alam ko pero wala akong pakialam, gusto ko na lang maglasing dahil sa nalaman ko kay Sihyeon.
"Ano ba unnie!" Naiiritang saad sakin ni Yoorim at bahagya ulit akong tinulak palayo sakanya.
"Bakit naman ako hindi magugustuhan ni Sihyeon unnie? Well hindi ko siya masisisi. . . Yung Yiren lang naman na yun ang hindi makita ang charisma ko" saad ni Yoorim pero hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi kaya hindi ko na pinansin.
"WALA SIYANG TASTE!!" sigaw ko kaya napapitlag ulit sa tabi ko si Yoorim.
"Aba excuse me?! Alam mo bang lahat ng babae sa bar na ito gusto ako maka-date?!" Saad niya then rolled her eyes at me at napailing na lang.
Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil nahihilo na ko kakainom, feeling ko umiikot na yung mundo ko ngayon kaya medyo inalog ko yung ulo ko ng bahagya.
"Hindi mo naiintindihan Heo Yoorim, pinilit kong ilayo ka kay Sihyeon eh! Pero bakit ikaw pa talaga yung nagustuhan niya?!" Frustrated na sabi ko sakanya pero tinignan niya lang ako na parang done na siya sa inaasal ko ngayon.
"Bakit naman hindi unnie? Actually matagal ko ng napapansin si Sihyeon unnie na she secretly like me, nung kumain pa lang tayo nila Eunji sa fastfood ramdam ko na. I'm not that dense" saad niya kaya kahit hilo na ko pinilit ko pa rin siya tignan.
"No, hindi siya pwede magkagusto sayo eh!! You'll just gonna hurt her!! Isa kang player!! Sasaktan mo lang si Sihyeon!! No. . . Not my friend Yoorim" huling sabi ko nang bumagsak na yung ulo ko sa table sa counter dahil hindi ko na kaya nahihilo na talaga ako.
"Hindi ko kaya tulungan si Sihyeon mapalapit sayo. . . Masasaktan lang siya. . ." I lastly said after I passed out.
🐈🐈🐈
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...