*Background sound is available*
Half TruthEunji's POV
'Uhh.. well magaan kasi ang loob ko kay Eunji, I really feel comfortable around her so I offered my house to her, i-isa pa wala pa kasi siya gaanong kilala dito sa city dahil galing siyang province diba Eunji?'
Oo nga pala, biglang nag flashback sakin yung sinabi ni Sihyeon sa bestfriend niya last time kung paano kami nagmeet.
Pero tingin ko masyadong mababaw yun na dahilan para paniwalaan ng kaibigan niya na si Jiwon na nasa harap ko ngayon.
Bahala na...
"Ang totoo kasi niyan... Matagal na kami nagkakilala ni Sihyeon" dahilan ko at awkward na ngumiti na sana hindi niya nahalata.
Mukha namang naniwala siya dahil nagulat siya sa sinabi ko.
"Woah really? Ah classmates ba kayo or mag schoolmates dati?" Tanong niya ulit.
"A-ah hindi, umm nagkakilala kami sa Gimhae, sa south gyeongsang province kung saan ako galing" paliwanag ko at napakamot na lang sa ulo ko, hindi kasi ako sanay magsinungaling.
Tutal sinabi naman ni Sihyeon na galing akong probinsya kaya sasabihin ko ng doon din ako galing.
Tingin ko kasi hindi nila pwedeng malaman ang totoong reason kung paano kami nagkakilala ni Sihyeon, tinatago niya kasi ako at hindi sinasabing pusa ako kaya na realize kong I need to lie.
Mukhang marami pa siyang tanong sakin base sa itsura niya ngayon habang nakatingin sakin kaya wala na kong choice kung hindi magkwento sakanya.
"Nagbakasyon kasi doon si Sihyeon noon, tapos dun kami nagkakilala, kaso ilang araw din bumalik na siya rito sa Seoul kaya matagal kaming hindi nagkita and walang communication" paliwanag ko.
Tumango tango naman siya sa sinabi ko habang nakaawang ang bibig niya na parang mangha siya kung paano kami nagkakilala ni Sihyeon.
"Ganun pala, pero paano ulit kayo nagkita?" Curious na tanong niya sakin at mas lumapit, mukha talaga siyang interesado samin ni Sihyeon, pero tingin ko kinikilala niya lang ako.
"Well, umm... Matagal na kasi kami hindi nagkikita kaya naisipan kong sundan siya rito sa Seoul, hindi ko alam ang eksaktong lugar kung nasaan si Sihyeon kaya hinanap ko pa siya, kaya hindi kami nagkita agad" dahilan ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"A-ano?? Ginawa mo yun?? Pumunta ka rito sa Seoul para lang kay Sihyeon??? Na wala pang alam kung nasaan talaga siya?? Woah ang tapang mo to risk na pumunta dito para lang kay Sihyeon, mukhang naging close talaga kayo dahil hindi mo naman siya pupuntahan dito kung hindi siya importante sayo eh" sabi ni Jiwon kaya tumango na lang ako at umiwas ng tingin.
Hindi niya alam na hindi naman totoo lahat ang sinabi ko...
Ang tagal naman nila Sihyeon bumalik, hindi ko na alam kung may isasagot pa ko kay Jiwon kung sakaling may itanong pa siya tungkol samin ni Sihyeon haay.
"Nakakatuwa pala yung friendship niyo, hindi ko alam na sobrang close niyo pala, biruin mo hinanap mo pa si Sihyeon dito sa buong Seoul para makita lang ulit siya, siguro ang saya mo na dahil magkasama na kayo ngayon" saad ni Jiwon at nginitian ako ng malawak.
"Here it is!" Biglang sabi ng matangkad na babae na si Yoorim at isa isa nilang nilapag ni Sihyeon ang mga dala nilang pagkain, tumayo naman agad kami at tinulungan sila.
Matapos namin maayos ang mga pagkain sa lamesa ay umupo na kami.
"Mukhang ang saya yata ng kwentuhan niyo ah, malayo palang kita ko na yung ngiti ni Jiwon unnie kanina eh" sabi ni Yoorim at tumingin ng nakakaloko kay Jiwon, bakit kaya?
Tiningnan naman siya ng masama ni Jiwon na parang sinasaway siya.
🐈🐈🐈🐈
Sihyeon's POV
"Oo nga, ano yung pinagkekwentuhan niyo habang wala kami ha Jiwon unnie?" Tanong ko at tumingin ng bahagya kay Eunji sa tabi ko, sana naman wala siyang ginawa o sinabing weird dito kay Jiwon unnie.
"Well napagkwentuhan namin ni Eunji kung paano sila nagkakilala ni Sihyeon" nakangiting sabi ni Jiwon unnie kaya agad na nanlaki ang mata ko at napatingin kay Eunji.
"Really paano?" Curious na tanong ni Yoorim at sumubo sa pagkain niya.
Don't tell me sinabi niyang pusa siy-
"Nakakatuwa nga eh, galing palang Gimhae tong si Eunji, sinundan niya lang dito si Sihyeon sa Seoul" sabi ni Jiwon kaya agad akong natigilan.
"Wow talaga? Totoo ba yun Sihyeon?" Tanong naman sakin ni Yoorim kaya pareho ng nakatingin sakin sila ngayon.
"A-ah yes, totoo nga yun" sabi ko at tumingin kay Eunji na nakatingin din pala sakin ngayon.
"Nagulat nga ako na sinundan niya ko rito" sabi ko at umiwas na ng tingin at sumubo sa pagkain ko.
Kinuwento naman ulit ni Jiwon unnie ang sinabi sakanya ni Eunji kung paano kami nagkakilala kay Yoorim.
Habang pinapakinggan ko yung kinuwento ni Eunji kay Jiwon unnie, hindi ko mapigilang mamangha, like paano niya naisip agad ang mga details na yun? Talaga bang siya ang nagsabi nun kanina?
Tumingin naman ako kay Eunji na tahimik na lang ulit ngayon habang kumakain.
Mabuti na lang at nagsinungaling siya about sa pagkatao niya pati sa totoong pagkikita namin, kung hindi, hindi ko alam kung anong magiging reaction nila Jiwon unnie kapag nalaman nila.
"Nagulat nga ako nang magkita ulit kami, umuulan pa nun tapos wala siyang mapupuntahan, so pinayungan ko siya and I decided na patirahin na muna siya sa bahay ko" sabi ko bigla at tumingin kay Eunji, mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sakanya kaya tiningnan niya rin ako pabalik habang may kalat pa yung labi niya ng pagkain.
Natawa naman ako sa itsura niya at napailing na lang, kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig niya.
"Umayos ka ng pagkain Eunji" sabi ko habang pinupunasan yung bibig niya.
Well, she's my pet so I need to take care of her.
Yung sinabi ko sakanila kung paano ko siya nakita, actually half truth naman yun, nagkita naman talaga kami habang umuulan, siguro ang hindi ko lang sinabi dun ay pusa kong nakilala tong si Eunji.
"Wait, so you're telling us that you're in the same roof together with Eunji???" Gulat na tanong ni Jiwon unnie samin kaya tumango na lang ako.
"Wala siyang mapupuntahan dahil wala naman siyang kakilala rito kaya sakin muna siya nakatira" paliwanag ko kaya tumango naman si Yoorim, habang si Jiwon unnie naman ay nakatulala lang na parang pinoprocess pa niya yung sinabi ko.
"Alam niyo to be honest, kung hindi ko alam na friends lang kayo, aakalain ko na you two are a couple, sinundan ni Eunji si Sihyeon dito sa Seoul, nakatira kayo sa iisang bahay tapos yung gesture ni Sihyeon kanina kung paano niya asikasuhin si Eunji, iisipin ko talaga na you like each other" sabi ni Yoorim kaya natawa ako sakanya.
Kung malaman mo lang na gusto kita masasabi mo pa kaya yan?
"Stop it Yoorim, friends nga lang sila diba?" Saway naman sakanya ni Jiwon unnie kaya nagkibit balikat na lang siya.
"I knooooww I'm just sayin, like isipin mo yun parang kdrama lang sila nagkita ni Eunji, umuulan at basa si Eunji tapos pinayungan ni Sihyeon, tapos nagkakatitigan sila, kung iimaginin mo hindi ba unnie nakakakilig yun? Akala ko sa kdrama lang yun nangyayari" Natutuwang sabi ni Yoorim kaya natawa na lang ako habang si Jiwon unnie naman ay napailing na lang at kumain na.
🐈🐈🐈
A/N: Eunji in the multimedia
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...