Chapter 23

53 2 0
                                    

*background music is available*

Who is she?

Sihyeon's POV

"Yah!" Agad naman akong napapitlag nang mahinang hampasin ni Jiwon unnie yung table ko, making me came back to my senses.

"Jiwon unnie naman, bakit ka ba nanggugulat?" Saad ko sakanya habang kinakamot yung ulo ko at tinignan siya ng masama.

"Paano ba naman kanina mo pa tinititigan yang monitor mo, as if naman may mapoproofread ka niyan sa kakatingin mo" sagot niya tsaka tumabi sakin at tinignan ako na parang done na siya sa kinikilos ko.

"Bakit ba parang wala ka sa sarili mo lagi nitong mga nakaraan? May problema ba? You know you can always talk to me" dugtong niya pa at nagcross arms yet she look so concern sakin.

"Wala yun unnie, marami lang akong iniisip these days" sagot ko na lang sakanya then heaved a sigh.

Lunch break namin ngayon at buti na lang bago ako tumulala ay natapos ko na lahat ng gagawin ko sa trabaho kaya pwede na kami magdaldalan dito.

Mabuti na lang at hindi na ako kinulit pa ni Jiwon unnie at nagkibit balikat na lang siya sa sinagot ko, wala rin naman ako sa mood magkwento.

After that incident kay Serim na muntik niya na malaman yung identity ni Eunji, pinagbawalan ko na muna siyang pumunta sa bahay, ay hindi... More like iniiwasan ko siya para hindi na muna siya pumunta sa bahay. Si Eunji naman nahihilig na masyado manood ng tv nitong mga nakaraan, mabuti na rin iyon para hindi niya na ko masyado ginugulo at nananahimik siya sa bahay habang wala ako.

"Let's go na" rinig kong aya sakin ni Jiwon unnie kaya agad akong napatingin sakanya at ngumiti tsaka inayos na ang gamit ko na dadalhin ko sa cafeteria.

"Pupunta pala rito si Yoorim" inform sakin ni unnie habang may tinetext sa phone niya, si Yoorim siguro.

"T-talaga? Pupunta siya rito? Bakit daw?" Pinigilan ko talaga hindi magmukhang excited at kinakabahan at the same time dahil hindi naman alam ni Jiwon unnie na gusto ko yung bestfriend niya.

"Yep, sabi ko kasi sakanya bilhan niya ko ng pagkain dahil tinatamad ako lumabas ngayon" sagot niya at tinignan ako saglit tsaka binalik ang tingin sa phone niya para i-text siguro si Yoorim.

Tumango na lang ako then bit my lip para pigilan yung pag ngiti ko, natuwa tuloy ako na makikita ko na ulit si Yoorim ngayong araw atleast magiging maganda kahit papaano ang araw ko dahil makikita ko siya, thanks to Jiwon unnie.

Mabuti na lang abala siya sa phone niya kaya hindi niya nakikita kung paano ko pigilan yung ngiti ko.

"Sihyeon-ssi" tawag sakin ng workmate namin kaya napatingin ako sa gawi niya.

"May naghahanap sayo sa labas" saad niya kaya agad na napakunot yung noo ko.

Sino naman kaya yun?

Napatingin naman kami ni Jiwon unnie sa isa't isa na pareho na ngayon nagtataka.

Nagkibit balikat naman siya sakin, pahiwatig na wala rin siyang alam sa nangyayari.

Nang puntahan namin ni Jiwon unnie yung labas ng office, ang daming commotion.

Pinagkakaguluhan yung labas ng office ng iba naming katrabaho, teka ano bang nangyayari??

"Ano meron? hindi ako nainform" rinig kong salita ni Jiwon unnie sa tabi ko pero hindi ako nagsalita.

"Yujin, anong nangyayari?" Agad na tanong ko sa isang ka-departmet namin na nakikisilip din.

"Nandyan daw kasi sa labas yung magandang babae sa kabilang department, hanap ka yata. Ikaw unnie ah hindi ka nagsasabi na close pala kayo" sagot at may halong pang-aasar ni Yujin sakin kaya mas lalo akong nagtaka.

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon