Chapter 35

57 2 0
                                    

*background music is available*

Kiss & Coffee

Sihyeon's POV

Napatingin naman siya sakin habang nakaupo pa rin sa counter sa harapan ko kaya nakaangat ang tingin ko sakanya.

Ilang minuto kami nagtitigan hanggang sa nabigla na lang ako sa sumunod na nangyari. . .

She slowly closed the gap between us and leaned forward para halikan ako. . .

I'm in a total shock. . .

Eunji is kissing me right now and I can't freaking move dahil sa sobrang pagkabigla, feeling ko I can't process what's happening.

Agad ko namang siyang tinulak at mabilis na napalayo sakanya with a totally disbelief expression on my face habang takip takip ang labi ko using the back of my palm.

"Sihyeon unnie?" Nagtatakang tawag niya sakin na parang hindi siya aware sa ginawa niya. Seriously? Siya na yung nang-agaw ng first kiss siya pa yung parang walang alam sa ginawa niya? Mababaliw na lang talaga ako sa pusang babaeng ito eh.

"Just leave Eunji" seryosong sabi ko sakanya without looking at her.

"B-bakit Sihyeon unnie? Mali ba-" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya when I suddenly cut her off.

"JUST!... just leave Eunji please, dapat ako ang aalis dito sa situation natin na to but I'm doing something here so... Please iwan mo muna ko, I don't want to feel awkward while making these brownies..." I said at tinignan ko na siya para malaman niyang seryoso ako.

Tinignan niya naman ako na parang sobrang worried siya sakin pero maya-maya tumango na lang siya at marahang umalis sa kitchen, that's when I realized na pinipigilan ko na palang huminga kanina pa nang makahinga ako ng maluwag matapos niya umalis.

🐈🐈🐈

After I baked the brownies nilagay ko na agad sila sa fridge para lumamig para bukas.

I took a shower at paglabas ko ay nakita ko si Eunji sa sofa na tulog na tulog na.

I heaved a sigh at dahan-dahang kinuha ang remote sa kamay niya tsaka tinurn off na ang tv dahil tinulugan niya na.

Inayos ko na lang ang unan niya at kumot niya tsaka hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

Natigilan ako nang biglang nag flashback sakin yung kanina na paghalik niya sakin kaya agad akong napatayo at napatakip ulit sa bibig ko gamit ang towel na nasa leeg ko.

Damn it Sihyeon get back to your senses!

I shook my head lightly at mabilis na pumasok sa kwarto ko, itutulog ko na lang ito. May lakad pa kami ni Yoorim bukas so dapat hindi ko na isipin muna yung ginawa ni Eunji.

🐈🐈🐈

Eunji's POV

"Uuwi ka ba agad unnie?" Tanong ko habang tinitingnan siyang nagre-ready na para umalis.

Natigilan naman siya sa pagsuot niya ng sapatos at mabilis lang ako nilingon.

Mukhang naghe-hesitate siya kung kakausapin niya ba ko o hindi, siguro dahil sa nangyari kagabi.

Mali ba yung ginawa ko? Akala ko kasi ganun maging affectionate ang mga tao kapag may gusto sila.

Tiningnan niya lang ako saglit pero hindi na lang siya nagsalita.

"Hindi ko alam kung anong oras ako uuwi kasama si Yoorim" biglang saad niya habang nakatalikod sakin kaya napataas ang tenga ko.

"Kausapin na lang kita pagdating ko" sabi niya at mabilis ako tiningnan tsaka agad na lumabas na ng bahay.

Napangiti na lang ako dahil kahit papaano kakausapin naman ako ni Sihyeon unnie.

Hindi na ko makapag hintay makauwi siya mamaya.

🐈🐈🐈

Yoorim's POV

"Okay ka lang?" Tanong ko na kay Sihyeon unnie dahil kanina pa siya natutulala, nandito kami ngayon sa glow café dahil dito ko naisipang makipag kita sakanya, akala ko makakapag usap kami but looks like something was bothering her.

"Huh? Y-yeah I'm fine, may sinasabi ka ba?" Sagot niya nang makatingin na siya sakin at uminom sa drink niya.

I could sense na nao-awkward pa rin si Sihyeon unnie sakin, maybe because she likes me. Well that's normal tho.

"Yeah I said thank you pala dito sa brownies, ang sarap" ulit ko sa sinabi ko kanina dahil mukhang hindi niya narinig.

"Really? I baked them" masiglang sabi niya kaya mas lalo akong napangiti, wow I didn't know Sihyeon unnie knows how to bake.

"Pansin ko lang kasi wala dito yung utak mo eh" natatawang sabi ko sakanya kaya nanlaki yung mata niya.

"H-ha?? Gosh I'm sorry Yoorim, nag-eenjoy naman ako kasama ka eh" medyo nagpapanic na saad niya kaya mas lalo akong natawa.

"Unnie it's fine, mabuti na rin siguro na inaya kita lumabas today, para kahit papaano maalis yang utak mo sa kung anong gumugulo sayo" I said then smiled genuinely at her.

Umiwas naman siya ng tingin sakin at uminom na lang ulit sa drink niya, I think she's blushing. How cute haha!

"Nagtataka ka siguro bakit kita biglang inaya lumabas" simula ko sa topic namin after ko kumagat sa brownies na dinala niya for me, tumingin naman siya sakin at mukhang hinihintay na ituloy ko yung sasabihin ko.

"Well Jiwon unnie told me you like me" pagkasabing pakasabi ko non agad akong nagulat na mabuga niya yung iniinom niyang kape, buti na lang at hindi niya sakin nabuga gosh.

"Sihyeon unnie are you okay??" Nag-aalala na tanong ko at hinagod yung braso niya dahil makaharap lang naman kami.

Umubo ubo pa siya ng konti dahil parang nasamid pa siya sa sinabi ko.

"O-okay lang ako. . . Okay lang ako. . ." Saad niya nang maka-get over na siya sa pagkasamid niya kanina.

"Sure ka? Sobrang pula ng mukha mo eh" tanong ko dahil bigla akong nag-alala sa itsura niya ngayon.

"Ah, hahaha okay lang ako Yoorim nagulat lang ako sa sinabi mo, SINABI YON NI JIWON UNNIE??" napaatras naman ako nang bigla siyang umakto na gulat na gulat sa sinabi ko at napatayo pa.

"Oo, but don't worry hindi naman ako na awkward o nagalit dahil gusto mo ko kaya don't blame Jiwon unnie haha!" Natatawang saad ko sakanya kaya napakamot na lang siya sa ulo niya na parang nahihiya siya bigla.

"Hindi naman kasi yun yung problema eh" mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin habang hindi nakatingin sakin at umupo na.

"Then ano ba yung problema?" Tanong ko sakanya kaya napatingin agad siya sakin.

"Nakakahiya kasi, nalaman mo pa tuloy na gusto kita, edi ang awkward na tuloy, paano na kita mahaharap niyan ngayon?" saad ni Sihyeon unnie habang kinakamot yung pisngi niya kaya natawa na lang ako, ang cute niya kasi.

"Okay nga lang sakin unnie, isa pa don't be awkward magkaibigan pa rin naman tayo eh" nakangiting sabi ko naman sakanya.

Tumango naman siya sa sinabi ko then smiled lightly.

"Yeah. . . Friends. . ." She repeated tapos tumingin na ulit sa busy streets sa glass window dahil tabi lang naman namin.

May nasabi ba akong mali?

🐈🐈🐈

A/N: Everglow is coming so here's an update! Let's support Last Melody!

Sihyeon & Yoorim at the multimedia

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon