Giving Up
Sihyeon's POV
Ininom ko na lang yung hot coffee ko habang nandito kami sa rooftop ni Jiwon unnie. Coffee break namin ngayon sa work at naisipan ni Jiwon unnie na ayain ako magpalipas dito.
This rooftop isn't the typical na makikita mong walang kahit na ano o madumi, may mga bench at wood shed dito, marami ring potted plants na nakalagay, kalimitan kasing tambayan ito ng mga employees ng company namin kaya pinaganda nila. Minsan lang kami rito umakyat, kapag may pag-uusapan. . . Kagaya ngayon, parang may gustong sabihin si Jiwon unnie sakin kaya niya ko inaya umakyat dito.
Tinignan ko lang ulit siya habang hawak ang kape ko na nasa paper cup, nakaupo ako dito sa bench, habang siya ay nakasandal sa wood shed na nagsisilbing harang sa araw ng inuupuan ko ngayon.
Mukhang seryoso siya ngayon, ngayon ko lang nakita si Jiwon unnie ng ganito, bakit kaya? Dahil ba kay Eunji? Ilang weeks na rin kasi siyang hindi pumupunta samin para bisitahin si Eunji na lagi naman niyang ginagawa tuwing weekends.
After nung mangyari ang insidente sa bar ni Yoorim, Jiwon unnie suddenly changed.
Umalis naman siya sa pagkakasandal sa shed at uminom din sa kape niya.
"How's Eunji?" Biglang tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.
"She's fine unnie, lumabas kami last week. Ayoko kasing mag isip isip pa siya masyado sa nangyari dun sa bar dahil wala pa rin siyang maaala kaya nilabas ko siya to get some peace of mind, hindi ko rin kasi siya masyado naipapasyal eh" kwento ko matapos ko uminom sa kape ko kaya tumango tango naman siya.
"So wala pa rin pala siya maalala until now" bulong niya pero narinig ko pa rin, hindi ko na lang pinansin pa iyon.
"Ikaw unnie, kelan ka ulit bibisita sa bahay? I think Eunji misses you, madalas kasi niyang itanong kung kailan ka ulit pupunta samin. Bakit nga ba bigla hindi ka na lang nagparamdam sakanya? I thought you like her unnie? May nangyari ba?" Finally, natanong ko na rin kay Jiwon unnie ang matagal nang bumabagabag sakin. Hindi ko na kasi siya maintindihan eh, bakit bigla siyang nagbago.
She suddenly heaved a sigh na parang nahirapan siya sagutin ang tanong ko bigla. Hindi agad siya nakasagot sakin.
"I . . . I think going to your house will not going to happen anymore Sihyeon" biglang sagot niya kaya agad na napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin doon?? Agad naman akong napatayo sa sinabi niya.
"What?? Bakit naman biglang ganun unnie? Pwede mo bang i-explain? Bakit biglang hindi mo na pupuntahan si Eunji?? Dahil ba sa nalaman mong hindi siya totoong tao?? Dahil ba pusa siya kaya biglang ayaw mo na sakanya??" Bigla namang na-frustrated ang expression niya sakin.
"Sihyeon it's not that-" she tried to talk but I cutted her off.
"Then what is it unnie?! Ganun na lang yun? After you said that you like Eunji, bigla kang hindi na magpaparamdam sakanya nung nalaman mo yung totoong pagkatao niya. Jiwon unnie you promised me! You promised me na kahit anong malaman mo sa kanya you won't give up diba? Pero bakit ganito?? Kung hindi ko pa tinanong, hindi ko pa malalaman na sumuko ka na" galit na sabi ko sakanya, kasi sinong hindi magagalit? Eunji is my friend now, sinabi niya kay Eunji na gusto niya ito tapos bigla na lang niya iiwan ito sa ere ng wala man lang paalam. Kapag nalaman ito ni Eunji, malulungkot yon, and imagining her face being sad hurts me.
Hindi naman nagsalita si Jiwon unnie at hindi makatingin sakin, like she's still finding the words that she needs to explain to me right now.
"Unnie I trusted you. Nagpaalam ka pa sakin, pero susuko ka lang din pala dahil sa nalaman mo kay Eunji? Akala ko ba tanggap mo siya? Alam mo bang nasaktan ko siya dahil sayo? Pinilit ko siyang huwag pansinin para matuon yung atensyon niya sayo. . . Pero sabagay, hindi rin naman kita masisisi eh-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang magsalita na siya.
"Hindi ko na siya mahaharap ngayon Sihyeon!" She suddenly said kaya natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin?
"Hindi ko na siya mahaharap kasi paano ako haharap na sa kanya? Nahihiya ako. Inaamin ko, after ko malaman ang totoong pagkatao niya nung gabing yon halo halo yung naramdaman ko, pero higit sa lahat natakot ako Sihyeon, natakot ako sa kanya, nung araw na iyon gustong ko tumakbo, iwan na lang siya mag isa. Dahil doon nagi-guilty ako, marami akong nasabi na masasama sakanya, hindi ko agad siya natanggap, siguro kung hindi pa ko kinausap ng maayos ni Serim baka hanggang ngayon hindi ko siya maiintindihan" paliwanag niya at may biglang tumulo na luha sa mata niya pero agad niya itong pinunasan.
Hindi ako nakapagsalita agad kasi nagulat ako sa mga sinabi ni unnie.
"Siguro iniisip mo ngayon na gago ako, matapos ko sabihin na gusto ko si Eunji, biglang ganun yung naramdaman ko sa kanya. Tama ka naman eh, I'm a jerk, nagi-guilty ako sa naramdaman ko nung araw na yon. . . Sa mga sinabi ko sa kanya. . . T-tinawag ko siyang h-halimaw. Kaya tingin mo ba Sihyeon deserve ko pang makaharap siya ulit sa mga sinabi ko sakanya nung gabing iyon? Kahit ngiti niya hindi ko na rin deserve pang makita kasi wala na kong mukhang maihaharap" paliwanag niya habang pinipigilang umiyak.
Hindi ko alam. . . Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Jiwon unnie. Hindi ko na rin alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung galit ba ko kay unnie o kailangan ko siyang intindihin.
Pero agad naman akong napatingin sa kanya nang magsalita ulit siya.
"Pero ikaw, alam kong masaya sayo si Eunji, kita ko palang sa mata niya everytime na babanggitin niya yung pangalan mo kapag mapagkekwentuhan ka namin. Para bang ikaw yung magandang nangyari sa buhay niya" biglang saad niya kaya natigilan ako agad.
"Pero totoo naman, kasi dahil sayo kaya masaya naman talaga siya eh, alam ko kahit hindi niya sabihin matagal ka na niyang gusto Sihyeon, hindi niya lang alam o baka hindi niya lang masabi pero sigurado akong kahit anong gawin ko, ikaw pa rin yung gusto niya at hindi kita mapapantayan. Anong laban ko sa amo? Sa nag alaga, kumupkop at. . . Tumanggap sa kanya ng buo kung ano ba talaga siya at hindi siya hinusgahan nung una palang diba?" Dugtong niya pa at doon na nga tumulo ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.
"Jiwon unnie. . ." Nasabi ko na lang dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Kaya masaya ako na nagiging masaya kayo sa isa't isa ni Eunji. Napapansin ko na kapag si Eunji ang nakekwento mo, kita ko na yung sigla ng mata mo. Hindi mo napapansin pero kapag si Eunji ang usapan nakakalimutan mong malungkot ka kay Yoorim, nakakalimutan mo si Yoorim dahil sakanya Sihyeon. Kaya alam ko, iingatan mo mabuti si Eunji, dahil sating dalawa, ikaw ang nauna" saad niya at tinapik ang balikat ko, tsaka na lang naglakad palayo at ako na lang ang natira dito sa rooftop.
Nakakalimutan ko si Yoorim dahil kay Eunji?
Hindi ko ma-process lahat ng sinabi sakin ni unnie.
🐈🐈🐈
Eunji's POV
Natigilan naman ako sa panonood ng tv nang may bigla na lang kumatok sa pinto.
Ang aga naman yata umuwi ni Sihyeon unnie?
"Sihyeo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang isang hindi pamilyar na tao ang sumalubong sakin pagbukas ko ng pintuan.
Tinitigan niya ko na parang kilalang kilala niya ko at biglang ngumiti ng nakakaloko.
"Hi Eunji"
🐈🐈🐈
A/N: Jiwon in the multimedia. Finally I'm back!
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...