*background music is available*
Beer and Chocolate
Jiwon's POV
Agad naman kaming umupo sa bench ni Eunji dito sa park na nakita namin nang makabili na kami ng maiinom.
Binuksan ko na muna yung canned beer ko, pagkatapos ay tinulungan ko naman siya buksan yung chocolate drink niya.
Natawa na lang ako ng bahagya dahil sa sobrang pagiging opposite ng iniinom namin, ang cute lang talaga.
"Pasensya ka na Eunji ah, pati ikaw nahila pa kita dito" I said at uminom sa canned beer ko.
Ngumiti naman siya sakin at umiling na parang sinasabi na okay lang sakanya.
"Ayos lang unnie, atleast nakalabas naman ulit ako kahit papaano" saad niya at bahagyang ngumiti sakin, tsaka pinanood ang mga tao dito sa park habang nasa bibig niya pa yung straw ng chocolate drink at nakasuot pa rin sa ulo niya yung hoodie niya.
Lahat talaga ng gawin niya ang cute cute sa paningin ko, it's like she's the embodiment of cuteness.
Nagulat naman siya ng bahagya nang pisilin ko ng marahan yung pisngi niya kaya napatingin siya sakin.
"Wala talaga kahirap hirap sayo maging cute no?" I joked pero clueless niya lang ako tinignan kaya mas lalo lang ako natawa.
"Hindi ka pala masyado nilalabas ni Sihyeon? Hindi mo triny lumabas mag-isa? Lagi ka lang talaga nasa bahay?" I suddenly asked dahil nagtaka ako bakit niya sinabing nakalabas ulit siya.
Umiling-iling naman siya at bahagyang yumuko na lang, bigla siyang nalungkot.
"Hindi eh, lagi kasing busy si Sihyeon unnie sa work niya, hindi niya rin ako masyado pinapalabas dahil-" bigla naman siya natigilan kaya kumunot yung noo ko.
"Dahil?" Tanong ko dahil hindi niya tinuloy yung sinasabi niya.
🐈🐈🐈
Eunji's POV
Muntik ko na masabi na hindi ako pinapalabas ni Sihyeon unnie dahil ayaw niya malaman ng iba yung totoong pagkatao ko!
"D-dahil ayaw niyang mawala kasi ako, galing nga akong province diba? Kaya hindi ko pa masyado kabisado ang Seoul" nasabi ko na lang kaya nakahinga ako ng maluwag nang maniwala siya sa sinabi ko. Buti na lang woo. . .
🐈🐈🐈
Jiwon's POV
Napatangu-tango na lang ako sa sinabi ni Eunji at uminom na lang ulit sa beer ko habang tinitingnan ang mga tao na may kanya-kanyang ginagawa dito sa park.
"Gusto mo ilabas na lang kita tuwing weekends?" Tanong ko at binalik ang tingin ko sakanya kaya gulat din siyang napatingin din sakin.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin kaya napalawak ang ngiti ko, mukhang bigla siyang na excite sa sinabi ko. She's so cute.
"Yep! Gusto mo bukas agad eh, ipapaalam kita kay Sihyeon" saad ko kaya mas lalo siyang napangiti sakin.
Agad tuloy akong napaiwas ng tingin dahil sa ngiti niya, heart can you please calm down? Pakiramdam ko namula ako dun ha. . .
"Sana nga pumayag si Sihyeon unnie" rinig ko lang na sinabi niya.
"Oo naman" I responded pagkatapos ay pareho na kami natahimik.
Don't worry Eunji papayag yun, syempre pipilitin ko haha!
Tuwing weekends pumupunta ako sa bahay ni Sihyeon para dalawin lagi si Eunji, I actually told her that I like her pero ang reaction niya lang non. . .
"Gusto rin naman kita unnie" sagot niya at nginitian ako.
Nginitian ko na lang siya non kahit alam kong hindi kami pareho ng pagkagusto sa isa't isa.
Mas gusto kong nasasabi ko agad yung nararamdaman ko para hindi na ko palagi kinakabahan kapag kasama ko si Eunji.
Hindi ko alam kung ano na ba talaga kami ni Eunji, but I guess we're still friends kahit na sinabi ko sakanya na gusto ko siya.
I really want her to be my girlfriend kaso lagi akong natatakot na ayain siyang makipag-date talaga sakin, so lagi ko na lang siya pinupuntahan kina Sihyeon to have a bonding time with her kahit as a friend na lang muna.
Kung nagtataka pala kayo kung bakit kami nandito, ganito kasi yung nangyari. . .
Flashback
Agad naman akong kumatok sa bahay ni Sihyeon dala ang pasalubong ko sa kanilang dalawa, pero nagulat ako dahil si Eunji agad ang bumungad sakin, she's wearing that cute black hoodie na nakasuot pa sa ulo niya.
Ang gandang bungad kaya napangiti agad ako.
"Morning Eunji" bati ko sakanya kaya napangiti siya agad.
"Morning unnie! Nandito ka na pala ulit" sabi niya at malawak na binuksan ang pinto para makapasok ako.
"Nasaan si Sihyeon? Nasa kwarto ba niya?" Agad na tanong ko matapos malapag ang binili ko na food para sana samin pero wala naman si Sihyeon.
"Ah wala ngayon si Sihyeon unnie, lumabas siya kasama si Yoorim" sagot ni Eunji kaya agad na nanlaki ang mata ko.
"Silang dalawa lang??" Tanong ko agad kaya tumango naman siya habang kinakalkal yung pasalubong ko.
Yoorim Heo?! Inaya mong lumabas si Sihyeon? For what?? Para paasahin siya? Hindi ko talaga hahayaan yang gagawin mo!
"Eunji kailangan natin umalis" agad na sinabi ko habang tinitingnan niya yung laman ng pasalubong ko at agad agad na siya hinila paalis para sundan sina Yoorim.
"T-teka unnie kakain muna koooooo!" Rinig kong sabi ni Eunji while I'm dragging her outside pero ang nasa isip ko lang ngayon ay pigilan sina Yoorim at Sihyeon.
End of flashback
Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko yung pagiging impulsive ko kanina.
Ni hindi nga namin alam kung nasaan sila ngayon kaya paano namin sila susundan? I messaged Yoorim earlier pero until now wala pa rin siya reply sa message ko.
Yoorim sinasabi ko sayo, you better not hurt Sihyeon dahil ikaw talaga malalagot sakin!
Bigla naman nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya agad ko naman yun kinuha.
From: Yoorim
Nandito kami sa glow café pero pauwi na rin, ihahatid ko lang si Sihyeon unnie ;)
What's with the emoticon tho?? Siguraduhin niya talagang wala siyang ginawa kay Sihyeon ha!
"Uuwi na rin pala sila, tara na Eunji kakainin pa natin yung binili ko kanina" pag-aya ko at tumayo na.
"Okay!" Masiglang sabi niya at biglang hinawakan yung kamay ko kaya agad akong natigilan.
Bigla tumibok ng mabilis yung puso ko. . .
Tinignan ko naman yung kamay naming dalawa at inangat ang tingin sakanya, tinignan niya lang ako na parang nagtataka, habang nasa bibig niya pa rin yung straw ng chocolate na iniinom niya.
"A-ah t-tara na" nasabi ko na lang at nagsimula na kaming maglakad habang hawak ang kamay ng isa't-isa.
Habang naglalakad, hindi ko na napigilan magtanong kay Eunji, kanina ko pa kasi napapansin. . .
"Eunji. . ." I called her kaya napatingin siya sakin.
"Bakit ka may buntot?" Biglang tanong ko kaya unti unti nanlaki ang mata niya sakin napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
🐈🐈🐈
A/N: Eunji & Jiwon in the multimedia
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...