Chapter 11

94 8 1
                                    

*Background sound is available*

Grocery

Sihyeon's POV

Sinunod naman ako ni Eunji paglabas namin, hindi niya masyado ginalaw ang buntot niya para hindi mapansin masyado ng mga tao.

As of now na naglalakad kami, wala naman masyado nakakapansin sa tail niya sa likod.

Tinignan ko naman siya sa tabi ko pero wala pala siya, teka nasan na yun?

Lumingon ako sa likod at nakita pala siyang nahuhuli, nakayuko lang siya habang naglalakad.

Okay lang ba siya?

"Hey" sabi ko at pinigil siya maglakad using my hands at hinawakan siya sa balikat kaya agad naman napaangat ang ulo niya sakin.

"Relax, huwag ka masyadong kabahan, mas lalo ka nila mapapansin kapag ganyan ka" suway ko sakanya kaya tumango naman siya sakin at umiwas ng tingin.

"N-ngayon lang ulit kasi ako n-nakalabas..." Mahinang sabi niya kaya natigilan ako.

Oo nga pala, ngayon lang ulit siya nakalabas nung kinupkop ko siya, tapos ngayon lang din siya nakalabas nang tao na siya, kaya siguro malaki pa ang paninibago niya and adjustments.

Nginitian ko naman siya ng bahagya then held her on her shoulders.

"Don't worry, everything will be fine, nandito naman ako, tara na" sabi ko at nauna na maglakad.

Habang naglalakad, medyo natigilan ako nang maramdaman kong may nakahawak sa sleeve ng shirt ko, tiningnan ko naman yun at nakita si Eunji na nakahawak sa shirt ko.

I chuckled at napailing na lang, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya since.. she's cute.

🐈🐈🐈
Jiwon's POV

"Oh ito Jiwon unnie pabili ako" sinamaan ko naman si Yoorim ng tingin nang may ilagay na naman siya sa cart ko ng gusto niya ipabili.

Nandito na kami sa grocery at sinamahan niya ko mamili ng mga necessity ko sa condo ko pati stock ng pagkain.

"Isang pang lagay mo sa cart ko Yoorim iiwan na kita, may pera ka naman ayaw mo bumili, akala ko sasamahan mo lang ako pero mang iinis ka lang pala" I said with irritation habang hindi siya tinitignan dahil busy ako tumingin ng mga bibilhin ko.

Narinig ko naman siyang tumawa sa tabi ko.

"Ang sungit mo naman, minsan lang ako magpabili eh" rinig kong sabi niya na may halong pagtatampo sa boses.

Para talaga siyang bata, akala mo hindi owner ng bar ang isang to minsan.

Napabuntong hininga na lang ako sakanya at hindi na siya pinansin pa.

Nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti siya dahil siguro hindi na ko kumibo, alam niya kasing pagbibigyan ko na siya kaya napailing na lang ako habang naglilibot kami dito sa supermarket.

"Wait, is that Sihyeon?" Rinig kong sabi ni Yoorim kaya napakunot ang noo ko at tinignan ang tinuro ni Yoorim.

"Si Sihyeon nga" nasabi ko na lang ng mahina habang tinitingnan siya.

"Dito rin pala siya bumibili at mukhang may kasama siya, she's cute kilala mo ba siya unnie?" Rinig kong sabi ni Yoorim at tama nga siya, may kasama pang isang babae si Sihyeon.

Ngayon ko lang siya nakita, aside from Serim at sakin na friend niya, wala na kong kilalang kaibigan niya.

"Tara lapitan natin" sabi ni Yoorim at hindi ko na siya napigilan lapitan sina Sihyeon kaya sumunod na lang ako.

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon