Chapter 8

121 8 0
                                    

*Background sound is available*

Her Scent

Sihyeon's POV

"Hindi ba sinabi ko nang huwag mo kong tatawaging amo? Sihyeon nga ang pangalan ko" sabi ko at lumabas na ng kwarto para pumunta sa kusina.

Naramdaman ko namang sumunod siya sakin sa kusina.

Binuksan ko yung cabinet at nakakita ng dalawang ramyeon, para kainin naming dalawa.

"Sorry, nasanay lang S-Sihyeon" rinig kong sabi niya kaya tiningnan ko siya saglit at binalik na ulit ang tingin ko sa iniinit kong ramyeon.

"Bakit sa kwarto ko ikaw natulog?" Tanong ko at hinawakan ang balikat ko dahil sa stiffness, dahil siguro sa pagod ko ngayong araw.

"Comfortable kasi yung kama mo, tapos namiss kita" sagot niya kaya tiningnan ko naman siya.

Mukhang napansin niyang nakakunot ang noo ko sakanya kaya ngumiti siya ng bahagya at lumapit sakin.

Napaatras ako ng bahagya pero nanatili lang akong nakatingin sakanya.

"Y-yah, b-bakit?" Kinakabahang tanong ko nang makalapit siya sakin.

My eyes quickly widened when she lightly grabbed the hem of my shirt then slowly neared her face to my neck.

What the hell is she doing??? Bakit hindi ako makagalaw?? I can't even breathe right now... Sa lapit niya sakin ngayon parang nakalimutan ko na yatang huminga...

Ano bang ginagawa niya??

"I miss your scent" mahinang sabi niya kaya napapitlag ako dahil ang lapit niya so I felt her breath into my neck.

Lumayo naman na siya at binitawan na ang shirt ko tsaka ako nginitian ng malawak habang ako naman ay nanlalaking matang tinignan siya sa ginawa niya kanina.

Lumapit lang siya para amuyin ako?? What the hell? Kung hindi lang siya pusa baka na creepyhan na ako sakanya ngayon.

"Hindi ko alam, komportable ako sa scent mo, siguro dahil ikaw yung nagkupkop at nag alaga sakin" sabi niya at nginitian ulit ako.

Naputol ang pagkatulala ko sakanya ng biglang tumunog yung thermos na ibig sabihin, okay na yung mainit na tubig kaya tumikhim ako at inasikaso na yung ramyeon at hindi na siya pinansin pa.

🐈🐈🐈

Tahimik lang kaming kumakain ng cup noodles sa table ngayon, ni isa samin walang balak magsalita, hindi ko alam kung dahil ba yun sa nangyari kanina... Yung paglapit niya sakin..

"I miss your scent.."

Natigilan ako nang bigla ko ulit yun maalala, damn what is happening to me? Nababaliw na ba ako? Kulang yata ako sa pahinga.

"Sihyeon?" Agad akong nabalik sa realidad nang marinig kong tinawag niya ako.

"May problema ba? Bakit hindi ka na kumakain?" Tanong sakin ni Eunji ng may pag-alala sa mukha niya.

Para akong natauhan ng tanungin niya ako ng ganun, kaya umiling lang ako at ngumiti ng bahagya pagkatapos ay kumain na ulit ako.

Habang kumakain, napatingin ulit ako kay Eunji na nasa harapan ko na busy lang sa pagkain niya.

Agad na nanlaki ang mata ko ng panoorin ko siya habang kumakain, kumakain siya mag isa na parang tao na talaga, teka kailan pa siya natuto gumamit ng chopsticks??

"M-marunong ka na gumamit ng chopsticks?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya kaya napatigil siya kumain at tiningnan ako.

Kung kumain siya, parang ilang taon na siyang gumagamit ng chopsticks dahil ang galing niya na gumamit, hindi mo maiisip na pusa ang kumakain ngayon sa harap ko.

She swallowed her food first before she answered.

"Oo marunong na ko, inaaral ko at nag-practice buong araw kaya ako natuto" sagot niya at ngumiti pagkatapos ay bumalik na sa pagkain niya.

Wow... Hindi ko aakalain na ganito siya kabilis matututo, sinunod niya talaga yung sinabi ko bago ako umalis kanina...

"T-that's good, I didn't expect na you'll learned fast" I commented kaya napatingin siya sakin at ngumiti while slurping her ramyeon noodles.

Ilang minuto nang matapos kami kumain, hinigop ni Eunji yung sabaw ng noodles niya at masayang nilapag ang cup tsaka bumuga ng hangin na parang nasatisfy talaga siya sa lasa ng kinain namin.

"Ang sarap!" Sabi niya kaya napangiti na lang ako.

🐈🐈🐈

Lumabas ako ng bathroom after ko mag-shower para ma-freshen up dahil napagod ako sa trabaho kanina.

Agad ko namang nadatnan yung alaga kong pusang babae nakadapa sa sofa na nakatingin sakin habang pinupunasan ko ng towel ang buhok ko.

Even though I named her Eunji, hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa ganung name... But I realized na I'm being unfair, kasi pinagsasabihan ko siyang tawagin niya ko sa pangalan ko pero ako naman hindi ko siya matawag lagi sa binigay kong name sakanya which is Eunji.

Siguro need ko na talagang sanayin ang sarili ko na tawagin din siya sa pangalan niya.

Sa itsura niya parang kanina pa niya ko hinihintay.

Nilagay ko na lang yung towel ko sa leeg ko at napailing na lang pagkatapos ay dumiretso na sa room ko.

Kaso hindi ko pa nabubuksan yung pinto ko nang maramdaman kong may nasa likod ko kaya lumingon agad ako to see the cat girl standing infront of me kaya napaatras ako sa gulat.

"Yah! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo??" naiiritang tanong ko sakanya habang nakasandal ako sa pinto ng room ko dahil napaatras ako sa lapit niya sakin kanina.

"Sasama ako matulog" sagot niya na parang wala lang at lalapit na sana ulit pero agad kong hinarang yung kamay ko sa mukha niya making her stop from her tracks.

Kaya pala mukhang hinihintay niya ko kanina ay dahil pala gusto niya sumama matulog sakin sa kwarto ko?!

This cat girl is getting into my nerves really!

"Hep! No, sino nagsabi na tatabi ka sakin dito sa room ko? You'll gonna sleep on the sofa" saad ko at tinuro pa yung sofa at napatingin naman siya doon ng nakakunot ang noo.

"Pero—" magsasalita pa sana siya pero nagsalita ulit ako.

"Wala ng pero pero, sa sofa ka matutulog, pinayagan lang kita last time dito sa kwarto ko dahil pusa ka, pero iba na yung sitwasyon ngayon okay?" Huling sabi ko at bago pa siya magsalita ulit ay pumasok na ko agad sa room ko at sinarhan siya ng malakas ng pinto.

Umupo naman agad ako sa kama ko at napabuntong hininga, kahit kailan talaga nakakafrustrate yung pusang babae na yun eh!

Ayokong dito ulit siya matulog, ayoko na maulit yung nangyari last time.

Bigla ko na lang naalala lahat ng mga pangyayari samin nung nagising akong tao na siya tapos nasa ibabaw ko pa siya natutulog tapos.. tapos... Aaahhhhh!! Maalala ko pa lang yung mga nangyari paggising ko kinikilabutan na ko!

Agad ko namang mabilis na pinunasan ang ulo ko ng towel para mawala yung mga flashbacks na naalala ko kanina.

Napatingin na lang ulit ako sa pinto ng room ko kung saan ko sinarhan kanina si Eunji ng pinto, mabuti naman at hindi na siya nangulit pang pumasok dito tulad last time na nag ingay siya bilang pusa.

Napahiga na lang ako sa kama at napatitig sa kisame.

Who would've thought na yung mapupulot kong pusa nung gabing yun habang umuulan ay magiging tao na lang bigla paggising ko? Hindi ko aakalaing magiging ganito ka-complicated ang lahat...

Pero nagsisisi nga ba akong kinupkop ko siya?

🐈🐈🐈

A/N: Eunji in the multimedia

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon