Chapter 43

54 3 0
                                    

*background music is available*

Date

Eunji's POV

"Kung ganon, anong ginagawa mo dito unnie?" Agad na tanong ko pero hindi agad siya nakasagot dahil napagod yata siya sa pagtulak ng pinto kanina.

"Susundan natin sina Sihyeon" seryosong saad niya matapos niya maka-recover sa pagod kanina.

"Huh??? Teka bakit natin sila susundan?" Naguguluhang tanong ko pero hindi naman sumagot si unnie at hinila na naman ako palabas ng bahay kagaya nung nakaraan.

Mabuti na lang at kumain na ko bago pa ito mangyari.

🐈🐈🐈

"Pero unnie, pwede ba sabihin mo muna sakin ang dahilan kung bakit kailangan pa natin sundan sina Sihyeon unnie sa lakad nila ng kaibigan niya? Ano ba kasi nangyayari? Tsaka paano naman natin malalaman kung nasaan sila ngayon?" Naguguluhang tanong ko kay Jiwon unnie habang nandito kami sa kotse niya at tahimik lang siyang nagmamaneho kung saan.

"Don't worry, alam ko kung nasaan sila, Yoorim told me where they are right now" sagot niya habang seryoso pa ring nakatingin sa daan.

Teka alam ni Yoorim kung nasaan sila Sihyeon unnie? Bakit niya alam? Kasama ba siya nila Sihyeon unnie??

"Pero unnie, bakit nga natin sila susundan? Ano ba kasi nangyayari? Ipaliwanag mo naman" I pleaded dahil kanina ko pa hindi alam kung ano ang nangyayari, basta na lang ako hinila ni Jiwon unnie sa sasakyan niya tapos hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan pa namin sundan sina Sihyeon unnie.

"Dahil nag-aalala ako sa posibleng mangyari Eunji" seryosong sagot niya habang hindi pa rin tumitingin sakin.

"Nag-aalala? Nag-aalala saan?" Naguguluhang tanong ko kaya tumingin na siya sakin saglit at binalik ulit ang tingin sa daan.

"May plano si Yoorim sa lakad nila Sihyeon ngayong araw, alam kong sinabi ni Yoorim sakin na magtiwala ako sakanya pero hindi ko pa rin magawang hindi mag-aalala. Ewan, masama ang kutob ko eh" saad ni Jiwon unnie pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.

"Pero bakit ka naman nag-aalala sa gagawin ni Yoorim? May gagawin ba siyang masama kina Sihyeon unnie? Tsaka ano ba yung plano niya na sinasabi mo unnie?" Maraming tanong ko kasi hindi talaga ako aware sa nangyayari ngayon. May hindi ba ako nalalaman??

Bumuntong hininga naman si Jiwon unnie bago ako sagutin.

"Kasi Eunji, gusto ni Yoorim ang kasama ni Sihyeon ngayon" sagot ni unnie kaya nagsalita ako.

"Yung Yiren?" Tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"Kilala mo si Yiren?" Balik tanong niya naman.

"Hindi, sinabi lang ni Sihyeon unnie ang pangalan niya bago siya umalis, dahil yun daw ang kasama niya ngayon. Pero hindi ko talaga siya kilala" paliwanag ko kaya tumangu-tango naman si Jiwon unnie sa sinabi ko.

"Oo si Yiren nga, si Yoorim talaga ang nagplano na lumabas silang dalawa ni Sihyeon dahil si Yiren naman, gusto si Sihyeon" saad ni unnie kaya nanlaki ang mga mata ko, yung Yiren may gusto kay Sihyeon unnie??

"Ginawa yun ni Yoorim dahil nangako siya kay Yiren na gagawa siya ng paraan para magkalapit sila ni Sihyeon, kaso dahil nga gusto naman ni Yoorim si Yiren, nag plano siya ngayon para hindi sila tuluyang magkalapit at ma-fall si Sihyeon kay Yiren, dahil gusto ni Yoorim mapunta pa rin si Yiren sakanya" dugtong niya pa kaya natahimik na lang ako.

"At yun yung aalamin natin ngayon Eunji" biglang sabi ni Jiwon unnie at tinignan ako ng paseryoso.

"Ang plano ni Yoorim sa dalawang yon ngayon" huling sabi ni Jiwon unnie at binalik na ulit ang tingin sa daan.

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon