*background music is available*
Name
Sihyeon's POV
"Eunji, kain na" tawag ko agad sa alaga ko paglabas ko ng kitchen dala ang kakainin namin. Sa kakatrabaho ko hindi ko na namalayan ang oras, parang kanina lang kasi nung nag-breakfast kami.
Bigla na lang ako na-guilty nung nagutom si Eunji... I mean, I'm the one who decided to adopt her pero napapabayaan ko tuloy siya. I feel so irresponsible as an owner.
Eunji is my first pet actually, I really want to have a pet since I was a kid pero natatakot ako na kapag nag-alaga ako, hindi ko sila maalagaan mabuti, o magiging tama ba ang pag-aalaga ko sakanila.
Kaya since then, kahit gusto ko ma-experience magka-pet, hindi ako nag aadopt, having a pet is so complicated. That's my mindset simula non.
Hindi ko nga maalagaan ang sarili ko, magiging alaga ko pa kaya?
"Unnie" I suddenly got back to my senses nang tawagin ako ni Eunji.
Tinignan ko naman siya ng nagtataka, asking why she called me using my gaze.
"Natulala ka na kasi kaya tinawag na kita" sagot niya at sumubo sa pagkain niya.
"May problema ba Sihyeon unnie?" Tanong niya ulit ng nagtataka while munching her food.
Ngumiti lang ako ng bahagya at umiling sakanya, tsaka tinuloy na ulit ang pagkain.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na kumunot ang noo niya sakin pero hindi na lang ako kinulit at tahimik na lang kumain.
Nang hindi na siya kumibo, I started to look at her.
Wala talaga akong balak mag-alaga because I know how it's complicated... Pero kung kailan naman may napili akong pusa na aalagaan, naging tao pa ng di oras.
Feeling ko tuloy mas complicated pa sa complicated yung situation namin, because I need to hide what she truly is.
Kapag nalaman ng iba kung ano talaga si Eunji, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko... And even Eunji, hindi ko rin alam kung anong mangyayari sakanya kapag nalaman ng iba ang totoong pagkatao niya...
"Eunji" I suddenly called her so her cat ears perked up and tinignan ako ng nagtataka.
I really find her cat ears cute.
"Curious lang ako, what do you think of the name I gave you?" Random question ko sakanya dahil masyado kaming tahimik and besides, curious lang din ako kung anong nararamdaman ng mga alaga when their owners give them names.
Kapag nagpatuloy pa kasi itong silent eating namin, hindi ko na alam kung saan pa lilipad ang utak ko sa sobrang pagka-spaced out.
Natigilan naman ako nang ngitian niya ko ng malawak, even her eyes just smiled at me...
"Masaya, sobrang saya" sagot niya habang nakangiti sakin at gumalaw galaw pa yung tail niya sa likod dahil masyado yata siyang naexcite.
"Bakit?" I curiously asked again. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan kasaya sa name na binigay ko, wala naman kasing special sa name na binigay ko sakanya, 'Eunji', kahit nga ako hindi ko rin alam bakit yun ang binigay kong name.
Ang alam ko lang natataranta ako kay Serim nun at natawag ko siyang Eunji.
"Bakit? Syempre masaya ako dahil may pangalan na ko" sagot niya at ngumiti ulit at binalik ang tingin niya sa kinakain niya.
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...