Their Age
Sihyeon's POV
"Ahh.. ang cute pala, magkaibigan na kayo since middle school" sabi ko kina Jiwon unnie at Yoorim tsaka napangiti na lang.
Tumango naman sila sakin matapos ikwento ni Jiwon unnie kung paano siya lapitan ni Yoorim noon at makipagkaibigan na lang bigla, bata palang pala talaga ang random na ni Yoorim kaya nakakatuwa siya lalo.
I suddenly thought... Kung nagkakilala rin kaya kami ni Yoorim ng mas maaga siguro matagal na rin kami magkaibigan na dalawa ngayon..
Pero sabagay, okay na rin naman kami ngayon. I believe we're getting close as friends kaya masaya na rin ako.
Matapos makwento ang mga about sa past namin kung paano kami nagkakakilala, well except samin ni Eunji na half truth lang ang sinabi namin, ay kumain na ulit kami ng tahimik at inubos ang in-order namin na food.
"Nga pala Sihyeon, how old are you na pala?" Nakangiting sabi sakin ni Yoorim at pinatong ang baba niya sa likod ng palad niya while her elbow is on the table na parang interested talaga siyang malaman ang tungkol sakin.
"99liner ako so I'm 22" (korean age) sagot ko at pinunasan ang bibig ko dahil kakatapos ko lang kumain.
"Woah really?? Uwah dapat pala tinatawag kitang Sihyeon unnie kung ganun" masayang sabi niya at pumalakpak pa ng bahagya sa tuwa, habang si Jiwon unnie naman ay tinignan lang si Yoorim na parang nawiwirduhan siya rito.
"Unnie? You're younger than me??" Medyo hindi makapaniwala na tanong ko sakanya dahil medyo mas matangkad siya sakin though matangkad rin naman ako.
"Yep! I'm just 21 (korean age) so unnie ko kayo ni Jiwon unnie haha!" Masayang sabi niya kaya ngumiti na lang ako at tumango.
Ang weird dahil siya ang pinaka matangkad samin pero siya ang pinakabata, si Jiwon unnie naman ang pinaka matanda yet siya ang pinakamaliit samin.
"Ikaw pala Eunji, anong year ka pinanganak?" Nakangiting tanong ni Jiwon unnie kay Eunji na kanina pa tahimik samin.
"Umm..." Sabi lang ni Eunji na parang nag aalangan sumagot, medyo tumingin naman siya sakin na parang nagtatanong kung ano sasabihin niya.
Oo nga pala, she's a cat kaya iba ang bilang ng edad niya compared samin na humans.
"Umm... I'm 18 mo-" bago pa niya masabi ang isasagot niya ay tinakpan ko na ang bibig niya.
"What does she mean? 18 lang siya?" Nakakunot noong tanong sakin ni Jiwon unnie kaya umiling-iling na lang ako.
"A-ang ibig niyang sabihin ay 21 years old na rin siya" sagot ko at tumawa na lang para hindi sila magtaka, tsaka tinanggal ang kamay ko sa bibig ni Eunji.
"Talaga? Ayos may kasama na akong 00liner na katulad ko" masayang sabi ni Yoorim at tinaas pa ang kamay niya na parang gusto makipag-apir kay Eunji.
Tinignan lang siya ni Eunji with a confused look pero tinaas din ang kamay niya ng dahan dahan kaya inapiran naman agad siya ni Yoorim.
"Ako pa rin pala talaga ang oldest sainyo" saad ni Jiwon unnie at napabuntong hininga na lang.
Siya kasi ang pinakamatanda samin dahil 23 siya. (Korean age)
"Oo pero ikaw ang pinakamaliit satin" sabi ni Yoorim tsaka agad tumawa ng malakas kaya hinampas naman siya ng bahagya ni Jiwon unnie.
"Yah! Inaano ko ba yang mala-higante mong height?" Inis na sabi niya at nagcross arms na lang kaya natawa na rin ako.
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...