*background music is available*
Playgirl no more?
Yoorim's POV
["Sobrang maraming thank you sayo talaga Yoorim!"] Masiglang sabi ni Yiren sakin habang nasa bar ako at kausap siya sa phone.
Kahit na ang ingay ingay dito ngayon, yung masayang boses lang niya yung mas naririnig ko.
I really called her para sabihing ako talaga ang nag-set ng bonding day nilang dalawa ni Sihyeon unnie, and no, I won't call it a date. Kung makikipag-date man si Yiren, ako dapat ang ka-date niya.
["Siguro kung hindi kita naging kaibigan, baka hanggang ngayon hindi pa ko magkaka-chance ng ganito kay Sihyeon unnie"] biglang saad niya so I annoyingly rolled my eyes.
Ayan na naman siya sa 'kaibigan' na word.
"Ouch ha" I said, acting like I was hurt sa sinabi niya.
["Bakit Yoorim? May nangyari ba? Okay ka lang?"] Biglang nagbago ang tono ng boses niya at napalitan ng concern.
"Ah wala, napuwing lang ako" palusot ko kaya napa 'ahh' na lang siya sa kabilang linya.
["Nasa bar ka ba ngayon? Ang ingay kasi ng background mo"] tanong niya kaya napatango na lang ako kahit hindi niya ko nakikita.
"Yep, I'm here at my bar today, umiinom. Wanna come here sometimes?" Aya ko sakanya pero natahimik lang siya sa phone.
Right, hindi siya mahilig sa ganitong lugar dahil masyado siyang inosente at good girl.
Yan yung mga gusto kong i-corrupt eh joke haha!
"Hey if you're worried na hindi maganda rito or hindi ka sanay, nandito naman ako para samahan ka. Besides it's my bar naman kaya magiging okay ka dito. Hindi naman kita iiwan eh" I assured her pero tahimik pa rin siya.
["O-okay, I'll try"] sagot niya kaya napangiti ako.
"That's a promise ha, don't worry hindi kita papabayaan kapag nandito ka, we'll just drink and have fun here. Pero syempre hindi kita hahayaan malasing" nakangiting sabi ko kahit na hindi niya nakikita.
"Hi baby~" nawala ang ngiti ko nang may biglang sumulpot na babae na hindi ko kilala.
"Are you alone?" She asked seductively pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
["Mukhang nakakaabala na yata ako sa inyo Yoorim. . ."] biglang rinig kong sabi ni Yiren sa phone kaya naalarma ako dahil baka ibaba niya yung tawag.
I still wanna talk to her.
"Yah, don't drop the call okay? Stay there, asikasuhin ko lang to" I said at binalingan yung babae na nakapulupot sa braso ko while caressing my face.
I irritatingly pushed her away kaya agad naman siya nagulat.
"You're disgusting get off me, hindi mo ba alam na ako ang may ari ng bar na to? Kaya kahit anong oras pwede kita ipakaladkad kapag hindi ka pa tumigil at hindi mo pa ko lulubayan" I seriously said kaya takot naman siyang umalis bigla sa harapan ko.
I just heaved a sigh because I don't know what's happening to me, wala na talaga ako sa mood mag-entertain ng other girls except dito sa chinese girl na kausap ko sa phone.
"Hey, are you still there?" I asked matapos ko ulit kunin ang phone ko.
Hindi siya agad sumagot pero nagsalita din siya pagkatapos.
["Hindi mo naman kailangan maging harsh ng ganun Yoorim"] she suddenly said kaya natigilan ako, ah narinig niya pala yung ginawa ko kanina.
I just snickered at napailing na lang dahil ang cute niya, feeling ko kahit sa phone ko lang siya kausap, nakikita ko pa rin yung nakasimangot na mukha niya whenever I'm teasing her.
"Chill okay? I need to do that para tigilan na ko nung babae, if I won't be harsh like that, she will be persistent pa and push herself to me" paliwanag ko kaya natigilan siya.
"Trust me, ilang beses na to nangyari so I can handle these kinds of situations, hindi mo kailangan mag-alala" I continued then sipped my drink.
["Okay, mag-ingat ka pa rin palagi dyan, thank you ulit ibababa ko na. Maghahanda pa ko sa date namin ni Sihyeon unnie. Babye!"] she lastly said then the line cut off.
"Psh, that's not a date" I said to myself at uminom na lang ulit sa tequila ko.
🐈🐈🐈
Eunji's POV
"Paghalik? Ano yun?" Balik tanong ko kaya agad na kumunot yung noo niya sakin.
"Seriously? Ginawa mo yun nang hindi mo man lang alam yung tawag sa ginawa mo? Don't tell me natutunan mo yun sa mga napapanood mo sa tv?" Naiinis na tanong niya sakin at unti-unti na rin ako binitawan kaya mabilis na ko lumayo sa amo ko.
Napailing-iling na lang ako nang bigla kong maalala yung topic namin ni Sihyeon unnie kagabi.
"So kiss o halik pala ang tawag dun sa ginawa ko" mahinang sabi ko sa sarili at napahawak na lang sa labi ko.
Kahit hindi sabihin ni Sihyeon unnie kung ano ba yung tinutukoy niyang ginawa ko nung una, na gets ko naman na agad, wala naman kasi akong ginawang mali aside dun sa hinalikan ko siya nung nakaraan.
"OMO!" agad akong napabalikwas nang pagtingin ko sa pinapanood ko ulit ay may nagki-kiss na sa tv kaya agad kong kinuha yung remote at agad ito pinatay.
Iniiwasan ko na nga yun maalala dahil sabi ni unnie, gagawin mo lang yon sa tao na may romantic feelings ka. . .
Pero bigla kong naalala kung paano dumampi yung labi ko sa kanya. . . Hay ewan, tama kaya itong naiisip ko? Bakit parang mali na isipin ko pa ulit yon?
Agad akong nagulat nang may bigla na lang kumatok sa pinto, ano ba yan kanina pa yata ako nagugulat ngayong araw.
Sino naman kaya ito? Ang aga umalis kanina ni Sihyeon unnie dahil may lakad daw siya kasama yung kaibigan niya, Yiren yung pagkakatanda ko na sinabi niyang pangalan.
Agad na lang ako tumayo at binuksan ang pinto pero nanlaki ang mata ko nang bumungad sakin si Jiwon unnie.
HALA BAKIT SIYA NANDITO? TATANUNGIN NA NAMAN BA NIYA KUNG ANO YUNG NASA LIKOD KO? ALAM NA KAYA NIYANG PUSA AKO?
Agad ko na sana isasara ang pinto nang mabilis niya ring naharangan ng paa at kamay niya yung pinto.
"Teka lang! Hindi ako nagpunta rito para kulitin ka sa nakita ko kahapon Eunji! So hindi mo ko kailangan iwasan" nahihirapang saad ni Jiwon unnie dahil gusto ko pa rin isara ang pinto pero nakaharang siya.
"T-talaga?" Saad ko at nakita ko naman na nahihirapan siyang tumango dahil ayaw niyang pagsarhan ko siya.
Unti-unti ko namang binuka ang pinto kaya nakahinga na agad ng maluwag si unnie.
"Kung ganon, anong ginagawa mo dito unnie?" Agad na tanong ko pero hindi agad siya nakasagot dahil napagod yata siya sa pagtulak ng pinto kanina.
"Susundan natin sina Sihyeon."
Huh???
🐈🐈🐈
A/N: Yoorim & Yiren in the multimedia
BINABASA MO ANG
My Pet
FanficKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...