*Background music is available*
Purr
Eunji's POV
Sinundan ko na lang ng tingin yung amo ko hanggang sa makapasok siya kwarto niya, tingin ko may nagawa na naman akong mali.
"Pasok na muna ko sa room ko" huling sabi niya sakin kanina ng walang halong emosyon sa mukha niya.
Naalala ko lang yung itsura niya matapos niya sabihin yun sakin nang hindi man lang ako nilingon kaya napabuntong hininga na lang ako.
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung paano ko ba maitatago yung bakas ng totoong pagkatao ko sa iba, kahit ako nahihirapan din sa sitwasyon ko eh.
Si Sihyeon unnie tuloy yung laging sumasalo sakin...
Napahigpit na lang yung pagsara ng kamao ko ng ma-realize ko wala naman ako magawa sa tuwing nahihirapan si Sihyeon unnie, bakit kasi naging tao pa ako in the first place? Edi sana may normal na alaga lang ang amo ko ngayon at hindi nahihirapan ngayon sakin...
I didn't want this in the first place...
Marahan ko na lang binuksan ang pinto ng kwarto ni Sihyeon unnie at dahan dahan siyang sinilip sa loob, mabuti na lang at hindi niya ni-lock ang pinto.
Nadatnan ko naman siyang nakahiga sa kama at nakatagilid, mukhang napagod siya kanina dahil mukhang mahimbing yung tulog niya.
Marahan akong pumasok at sinira ang pinto, matagal na rin nang makapasok ako ng matagal dito sa kwarto ni amo. Ilang araw na kasi akong natutulog sa sala dahil hindi niya ko pinapayagan makapasok ulit dito.
Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng scent ni Sihyeon unnie sa buong kwarto kaya marahan akong napapikit, my heart beats so fast because of it...
Marahan kong dinilat muli ang mga mata ko at dahan dahan akong umupo sa tabi ni Sihyeon unnie dahil nag-iingat akong hindi siya magising dahil sakin, baka mamaya mas lalo lang siya mainis sakin.
Tinignan ko lang siya habang tahimik siyang natutulog paharap sakin.
Bahagya kong tinaas yung bangs na medyo tumatakip sa mga mata niya kaya mas lalo ko natitigan yung mukha niya.
Matagal ko ng alam sa sarili kong maganda si Sihyeon unnie...
Pero hindi ko naman alam na ganito siya kaganda nang matitigan ko siya mabuti ng hindi siya nagsusungit.
Napakunot yung noo ko nang mapansin yung maliit na tuldok na nasa pisngi ni Sihyeon unnie pati yung nasa bridge ng nose niya.
Nung inilapit ko yung mukha ko ng mabuti sa mukha ni Sihyeon unnie, doon ko nalaman na may nunal pala siya, sobrang liit lang kaya hindi mo mapapansin masyado, ngayon ko lang natitigan ng ganito kalapit yung mukha niya kaya nakikita ko ng ganito ka-detailed ang mukha ng amo ko.
Kanina kasi mabilis siyang lumayo sakin nung lumapit ako sakanya kanina nung nasa sala kami at busy siya sa work niya.
Natigil ako sa paghinga ng kumunot yung noo niya at unti unti niyang idinilat ang mga mata niya kaya nagtama ang paningin namin.
🐈🐈🐈
Sihyeon's POV
Panaginip ba to?
"A-ah! P-pasensya na ang lapit ko!" Nagpapanic na sabi ni Eunji nang mapadilat ako, akala ko nananaginip pa rin ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin na halos magdikit na yung ilong namin.
Nakatulog pala ako sa pagod kanina.
Inaantok pa ako kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko at hinayaan ko na lang muna siya gawin ang gusto niya sa tabi ko, wala akong lakas para sawayin pa siya ngayon. I just need some rest. Masyado akong stress sa trabaho at pati na rin sa situation ng kinupkop kong alaga dahil hindi nga siya pangkaraniwan na pusa...
Mabuti pang hindi na lang siya naging tao...
"Sorry..." Rinig kong saad niya habang nakapikit pa rin ako, hinayaan ko lang siya at hindi pa rin ako kumibo.
"Sorry kung nahihirapan ka lagi sakin Sihyeon unnie... Alam ko namang gusto mo lang magkaroon ng normal na alaga at hindi yung ganito katulad ko" patuloy niya pero hindi ko pa rin siya pinansin at hinayaan ko pa rin siya magsalita.
"Dapat ba.. umalis na lang ako?" Rinig kong sabi niya kaya doon na ko napadilat, agad na nagtama ulit yung mga mata namin.
I can see the sadness in her eyes, even her cat ears ay nakababa na.
"Don't be sorry, hindi mo naman kasalanan yun" I said to her then looked away.
"Besides, makulit na talaga si Serim ever since kaya huwag mo na isipin yung nangyari" saad ko nang hindi siya tinitignan at nakatitig lang sa kisame.
Nanlaki yung mata ko at natigilan nang may biglang yumakap sakin, walang iba kundi si Eunji.
Napatingin na ko sakanya pero hindi ko makita yung mukha niya dahil siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko.
"Thank you unnie" rinig kong mahinang sabi niya, tingin ko nakangiti na siya ngayon so I smiled a bit.
Maya-maya may narinig akong sound, it's like a purring sound— wait, is she purring??? Oh right she's still a cat even though she has human body.
Hinayaan ko na lang siya mag-purr habang yakap ako.
I've read in a study na kaya raw na nagpu-purr ang pusa ay dahil good mood sila, they're relax and calm.
I guess she's happy being with me?
Pinikit ko ulit ang mga mata ko at bahagyang niyakap na lang si Eunji kaya mas lalo niya lang siniksik ang sarili niya sakin.
She's so warm, pakiramdam ko narerelax at kumakalma rin ako sa purring sound na ginagawa ni Eunji.
Parang makakatulog ulit ako...
I don't mind if Eunji is here...
I suddenly feel relaxed because she's here... She makes me feel okay..
🐈🐈🐈
Sihyeon in the multimedia.
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...