*background music is available*
Plan?
Yoorim's POV
Napakamot na lang ako sa ulo ko nang bigla na lang hinila ni Eunji si Sihyeon unnie papasok sa bahay nila.
Ano kaya nangyari? Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Sihyeon unnie, I'll just message her na lang mamaya.
Nagkibit-balikat na lang ako at papasok na sana sa sasakyan ko nang makita kong tumatakbo papalapit si Jiwon unnie kaya mas lalo ako nagtaka, ano bang meron today? Bakit sila puro takbuhan ngayon?
"Oh Jiwon unnie, anong ginagawa mo rito? Don't worry nakauwi na si Sihyeon unnie wala ako ginawang masama sakanya if that's what you're thinking" bungad ko sakanya nang makarating na siya sa harapan ko, malamang ayun lang naman ang Iniisip niya kaya siya nag message sakin kanina.
Hindi agad siya sumagot dahil hinihingal pa siya kaya umiling-iling lang siya sakin kaya agad na napakunot ang noo ko.
"Si. . . Eunji. . . Nakasalubong mo ba siya? Nakauwi ba siya?" Agad na tanong niya nang makabawi na siya ng hingal sa pagtakbo kanina.
"Huh? Oo tumatakbo din siya nung dumating siya kanina, bigla na nga lang niya hinila papasok si Sihyeon unnie kaya hindi kami nakapagpaalam ng maayos kanina" sagot ko kaya tumango naman siya na parang nakahinga ng maluwag, siguro nag-aalala siya kay Eunji kung nakauwi ba kanina.
"Bakit unnie? May nangyari ba? Teka magkasama ba kayo kanina??" Agad na tanong ko kaya napatingin siya sakin pero umiwas lang ulit ng tingin.
"Saan ba kayo galing? At bakit hindi mo hinatid pauwi si Eunji? Hinayaan mo siya tumakbo pauwi?? Seriously Jiwon unnie?" Nakakunot noong tanong ko sakanya so she irritatedly scratched her head at bigla ako hinila.
"Hindi okay? Sa kotse na lang tayo mag-usap Yoorim, for now umuwi na muna tayo dahil gusto ko magpahinga napagod ako" biglang sabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita at pareho na kami pumasok sa kotse ko.
🐈🐈🐈
Jiwon's POV
"So that's why" narinig ko na lang na sinabi ni Yoorim habang nagmamaneho siya papunta sa condo ko, kaka-explain ko lang sakanya lahat kung bakit kami magkasama ni Eunji kanina pero hindi ko nabanggit yung huling nangyari. Hindi ko inalis ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse niya dahil ang dami ko iniisip.
"Pero bakit bigla na lang tumakbo pauwi si Eunji? Unnie?" Biglang tanong ni Yoorim kaya napabuntong hininga ako nung maalala ko yung nangyari kanina.
"Eunji. . ." I called her kaya napatingin siya sakin.
"Bakit ka may buntot?" Biglang tanong ko kaya unti unti nanlaki ang mata niya sakin at napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
Ilang minuto pa kami nagtitigan dahil parang na estatwa siya sa sinabi ko.
Hindi yun maalis sa isip ko.
Totoo kaya yon? Kung hindi, bakit ganun na lang ang reaction ni Eunji?
Tingin ko hindi ko na muna dapat sabihin yun kay Yoorim hangga't hindi pa ko sigurado sa iniisip ko.
"May nakalimutan lang yata si Eunji sa bahay nila kanina kaya napatakbo siya, baka importante kaya hindi na niya nagawa makapagpaalam satin kanina" I lied tsaka siya nginitian at binalik na ulit ang tingin sa daan.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango tango na lang siya sa sinabi ko.
"Kayo ni Sihyeon kanina? Kamusta? What did you talk about? Don't tell me pinaasa mo siya?" Pag-iiba ko ng topic, gusto ko rin talaga malaman kung ano nangyari sa pag-uusap nila ni Sihyeon kanina.
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...