Chapter 10

98 8 0
                                    

*background sound is available*

Getting Out

Sihyeon's POV

Maaga akong nagising nang masilayan ko na yung liwanag sa bintana ko.

I yawned lightly then rubbed my eyes para maalis yung antok ko ng kaunti.

After I got outside, agad na bumungad sakin si Eunji na mahimbing na natutulog sa sofa.

She's currently curled up on the sofa, pusa talaga siya kung matulog.

Bigla na lang akong nakaramdam ng guilt when I realized na walang kahit na ano si Eunji sa sofa, hindi ko pala siya nabigyan ng unan o kumot man lang kagabi dahil natuon yung pansin ko na umiwas sakanya.

Napabuntong hininga na lang ako at napakamot na lang sa ulo, Sihyeon naman kasi...

Iniwan ko na lang siya sa sala at maingat na pumunta sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kainin ngayong umaga.

Agad na nanlaki ang mata ko nang wala na akong makita na edible dito sa kusina, huling ramyeon na pala yung kinain namin kagabi ng pusang alaga ko.

Hindi naman ako pwedeng umasa lagi sa bestfriend ko na dalhan ako lagi ng pagkain dito, sa sobrang busy ko nakalimutan ko ng mag stock ng food dito sa bahay.

I heaved a sigh for the nth time again at napafacepalm na lang.

"Sihyeon?" Agad na naman akong napalingon sa tumawag sakin at nadatnan si Eunji na nakatayo sa labas ng pinto habang kusot kusot pa yung mata niya, she looks like a kid na nakagigising lang.

"Oh, you're awake, nagising ba kita?" Agad na natanong ko na lang at nag-isip kung nag-ingay ba ako dito sa kitchen nung naghahanap ako.

Mabilis naman siyang umiling-iling at ngumiti sakin kahit inaantok pa yung mga mata niya.

"Hindi naman, malakas kasi yung pakiramdam ko, gumising na ko nang maramdaman kong gising ka na rin" malumanay na sagot niya sakin dahil pa siguro inaantok pa siya, nakapikit pa kasi siya habang nag eexplain sakin kaya natawa na lang ako ng bahagya.

"You know pwede ka naman matulog pa ulit doon kung inaantok ka pa, besides, you're a cat right? Mahilig kayo matulog ng matulog kaya ayos lang kung matulog ka pa" I told her then bumalik na ulit sa pag-iisip kung ano-ano ang mga bibilhin ko mamaya kapag nag grocery ako, wala ng laman ang fridge at mga cabinet ko rito kaya no choice akong bumili ng stocks.

Agad akong natigilan nang maramdaman kong biglang bumigat yung balikat ko, dahan-dahan ko yun tinignan at agad kong nakita si Eunji na nakasandal ang ulo sa balikat ko

"Yah" sabi ko at sinilip ang mukha niya, nakapikit lang siya na parang natutulog sa balikat ko habang nakatayo kami.

"I told you to sleep pero hindi ko naman sinabi sa balikat ko ikaw matulog" nasabi ko na lang na parang done na ko talaga sa babaeng pusa na alaga ko.

"Hmmm..." Tanging sagot niya lang sakin then rubbed her head against my shoulder making me startled a bit at tinignan ulit siya.

I massaged my temple at napailing na lang sa ginagawa ng pusang babaeng to sakin ngayong araw pero hinayaan ko na lang, mukhang inaantok pa talaga siya eh.

🐈🐈🐈

"Eunji" tawag ko sakanya sa sala after ko maligo at nagpupunas na lang ng buhok ko using my towel.

Agad naman siyang tumingin sakin with her curious eyes na parang nagtatanong kung bakit kaya nagsalita na ako.

"Do you want to go with me in the grocery?" Tanong ko sakanya, naisip ko kasi siyang isama dahil hindi pa siya nakakalabas magmula ng kupkupin ko siya rito.

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon