Chapter 18

70 4 2
                                    

*background sound is available*

New Girl?

Sihyeon's POV

"Oh that's new, ngayon na lang kita ulit nakita magdala ng packed lunch ah" napatingala naman agad ako kay Jiwon unnie matapos niya yun sabihin at umupo rin sa katapat na upuan ko rito sa table.

Ngumiti na lang ako sakanya bilang bati at pag agree na rin sa sinabi niya.

Tama naman kasi siya, ngayon na lang ulit ako nagdala ng baon na pagkain dito sa work dahil madalas kaming bumibili sa labas ng pagkain.

Wala kasi akong time before na magluto ng pagkain sa bahay, o kaya naman tamad lang ako magluto dahil mag isa lang naman ako sa bahay, kaya nga lagi akong sinesermunan ni Serim at dinadalhan ng food kapag may time siya dahil masyado ko raw pinapabayaan ang sarili ko... Well ngayon hindi na dahil nagkaroon ako ng instant alaga na pusang tao.

"Oo nga eh, nakakamiss rin pala magluto, para maiba naman diba unnie?" Nasabi ko na lang at sumubo sa pagkain ko, we're at the company's pantry by the way. Breaktime namin.

Napatango tango naman siya sakin bilang pagsang-ayon habang ngumunguya siya.

"Well mukhang napaluto ka tuloy bigla ng hindi oras dahil kasama mo sa bahay si Eunji, hindi tulad ng mag-isa ka lang before. Mukhang inaalagaan mo talaga siya sa bahay mo dahil nagluluto ka na ulit ngayon" sabi ni Jiwon unnie after she swallowed her food habang ako natigilan dun sa sinabi niya.

"I guess unti unti ng nagbabago ang lifestyle mo dahil kay Eunji" dugtong pa niya at tumawa ng bahagya kaya napatingin na ko sakanya.

Nagbabago? Nagbabago na nga ba ko? Sabagay kung iisipin tama nga si unnie. Nagluto na ulit ako para may makain si Eunji kapag iniwan ko siya sa bahay, I even bought so many food and necessity noong bumili kami sa groceries, eh dati naman hindi ko yun gawain. Lagi lang ako bumibili ng sakto lang sakin, but now ang dami kong binili at karamihan pa dun ay para kay Eunji..

And now I realized, it's different...

Napailing na lang ako ng bahagya sa naisip ko, ano nga ba ang masama sa mga changes na nangyayari sakin these days? Normal lang naman yun sa isang pet owner diba? Eunji is my pet so it's my responsibility to take care of her.

Ako ang kumuha at kumupkop sakanya sa lansangan nung pusa pa lang siya so kailangan kong panindigan yung pagkupkop sakanya.

"Siguro nga tama ka Jiwon unnie" sagot ko sakanya matapos ko ma-spaced out kanina.

"Nga pala Sihyeon..." Tawag sakin ni Jiwon unnie matapos namin maging silent a few minutes ago.

Tinignan ko naman siya at hinintay ang susunod na sasabihin niya sakin.

"Kamusta pala si Eun—" hindi na natapos yung sasabihin ni Jiwon unnie sakin ng biglang may mga sumulpot sa table natin at nagsalita.

"Magkasama na naman kayo ah" rinig namin kaya agad kaming napatingin sa biglaang nagsalita at umupo sa tabi ko.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Jiwon unnie tsaka nagsalita.

"How many times do we have to tell you all na walang namamagitan samin nito ni Sihyeon? Seriously Eunbi unnie? We're just close friends okay?" Paliwanag ni Jiwon unnie for the nth time kay Eunbi unnie at sa iba pa niyang kasama, isa sila sa mga workmates namin dito sa publishing company.

Hindi na lang ako nagsalita dahil sawa na rin ako mag-explain sa mga katrabaho namin na walang something samin ni Jiwon unnie, bahala na lang sila sa gusto nila isipin tungkol samin.

Nagkibit balikat naman si Eunbi unnie samin at hindi na nagsalita, kumain na lang sila kasama namin dito sa table.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy kumain.

Bigla ko palang naalala yung dapat na sasabihin sakin ni Jiwon unnie kanina.

"Unnie, ano nga ulit yung sasabihin mo kanina?" Pagbalik ko sa topic namin kanina kaya napatingin naman ulit siya sakin.

"Ah w-wala hayaan mo na" sagot niya at bumalik na lang ulit sa pagkain.

Eh? Nagkibit balikat na lang din ako at hindi na siya pinilit pa.

"Wait kilala niyo ba yun?" Biglang tanong ni Hyewon unnie samin out of nowhere at biglang may tinuro sa ibang table hindi kalayuan samin.

Napakunot naman ang noo namin sa tinuro niya at sabay sabay tinignan yung tinuro niya sa kabilang table.

Magandang babae na mag-isang kumakain sa table... Actually hindi ko rin siya kilala, ngayon ko lang siya nakita o napansin I guess?

"Wow ang ganda naman niya" komento ni Yujin habang tinitignan namin yung magandang babae.

"Nako mukhang may makikipagsabayan na sa visuals mo dito sa company Sihyeon" biro naman ni Hyewon unnie sakin pero hindi ako kumibo nakatingin lang ako dun sa babae.

Bagong employee lang ba siya rito? Bakit ngayon ko lang yata siya nakita?

"Teka parang namumukhaan ko siya" sabi naman ni Jiwon unnie kaya napatingin kami sakanya.

Nakatingin pa rin siya dun sa babae na parang inaalala kung saan niya ito nakilala habang kami naman ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Tama, siya yung babae na medyo famous dito sa company natin dahil sa looks niya tsaka sa galing niya maging writer" saad ni Jiwon unnie habang hindi inaalis ang tingin dun sa babae na animo'y inuusisa niya yung kabuuan nito.

"Talaga? Pero bakit ngayon lang natin siya napansin?" Tanong agad ni Eunbi unnie.

"Iba kasi ang department niya satin, mas kilala siya sa department niya, nagtataka nga ako kung bakit dito siya kumakain sa pantry ng department natin eh" sagot ni Jiwon unnie at tinignan na kami.

Malaki kasi ang publishing company namin kaya ang bawat department dito ay may kanya-kanyang pantry.

"Hmm, baka kasi alam niyang pagkakaguluhan siya sa department niya tuwing lunch break kaya dito siya kumain, sabi mo nga diba medyo kilala siya sa department niya? Sa ganda ba naman niya for sure ang daming gusto makisabay sakanya na mga boys or even girls" saad ni Yujin kaya napatango na lang kami. Makes sense.

"Mabuti nga karamihan sa department natin babae kaya walang gumagambala rito kay Sihyeon kahit ang ganda niya rin eh" komento sakin ni Eunbi unnie pero hindi ako kumibo.

"Syempre alam nating may Jiwon unnie na siya" bulong ni Yujin pero narinig din naman naming lahat kaya sinamaan siya ng tingin ni Jiwon unnie.

"Pero bakit ngayon lang natin siya nakita dito?" Tanong ko bigla pero nagkibit balikat na lang sila at tinignan na lang ulit yung babae.

Kung tititigan siya mabuti, ang ganda niya nga as in, pero may nerdy vibes siya dahil sa glasses niya, mukhang mahiyain din siya at mahinhin dahil mag-isa lang siya at base na rin sa kilos niya, sabagay magaling na writer nga pala siya sabi ni unnie kanina.

Agad namang nagulat yung mga kasama ko sa table nang mapatingin siya samin, si Jiwon unnie naman nagtaka kina Hyewon unnie dahil bigla silang kumain na parang hindi nila tinitigan ng matagal yung babae sa table kanina.

Habang ako ay nanatili lang nakatingin dun sa babae kahit nakatingin na rin siya sakin, agad namang kumunot ang noo ko ng umiwas na siya ng tingin at bigla na lang nag-walkout.

"Ano nangyari sa mga to Sihyeon?" Tanong bigla sakin ni Jiwon unnie kaya napatingin na ako sakanya.

Tinutukoy niya sina Yujin na biglang nanahimik.

"Naging ganyan sila dahil nahuli sila nung babae na taga ibang department na nakatingin sakanya kanina" sagot ko at inubos na yung baon ko.

Napailing na lang si Jiwon unnie sakanila siguro dahil hindi na siya nakatingin dun sa girl kanina kaya hindi naging ganun ang reaction niya.

Pero bakit kaya ganun yung inasta niya kanina nang makita akong nakatingin sakanya? Nagalit kaya siya?

🐈🐈🐈

A/N: Sihyeon and Jiwon in the multimedia

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon