*background music is available*
Love or Ego?
Yoorim's POV
"You look so happy, masyado mo yata ako gusto makasabay" I joked pero half meant then smirked at her, I wanna see her reaction.
"Salamat ah" biglang sabi niya at nginitian ako ng malawak nang makarating kami sa cafeteria ng building nila.
"What?" Nasabi ko na lang at nawala ang ngisi ko dahil naguluhan ako bakit siya nagpapasalamat sakin.
"Salamat sayo makakasabay ko siya kumain" masayang sagot niya pero bago pa ko magtanong ulit ay bahagya na siyang tumakbo sa empty table dito sa cafeteria.
What does she mean? Gusto niya makasabay? Si Sihyeon unnie ba yung tinutukoy niya?
I stared at her from afar with a blank face pero wala na ring nagawa kung hindi sundan siya.
Aside kay Jiwon unnie, siya yung pangalawa na babaeng nakilala ko na hindi na-attract sakin kahit ginamitan ko na siya ng charm ko...
Hindi ko na isasali si Sihyeon unnie at si Eunji because their my friends though.
Pero ang babaeng yun... Bakit hindi ko yata matanggap na hindi niya ko gusto?
🐈🐈🐈
Sihyeon's POV
"Ayun sila" saad ni Jiwon unnie at bahagyang tinuro kung nasaang table sina Yoorim nakaupo dahil sila nga yung una nakarating dito sa cafeteria.
Habang papalapit kami sa table nila, i've noticed the people na kanina pa sila pinagtitinginan at pinag-uusapan, oo nga pala sikat ang babaeng nagbigay sakin ng lunchbox na hawak ko ngayon.
Bibili na sana ako ng makakain ngayon pero bigla niya na lang ako binigyan ng baon, ayoko naman sayangin ang effort niya even though I don't really know her.
"Sino kaya yung kasama ni Yiren? Girlfriend niya kaya? They look good together" narinig kong sabi ng babae na nasa kabilang table na nadaanan namin bago kami makaupo sa table nina Yoorim.
Mukhang sina Yoorim ang tinutukoy nila dahil nakatingin sila sa table nila Yoorim.
"Hey, are you okay? Bakit parang ang tamlay mo na? May sakit ka ba?" Nag-aalalang sabi ni Jiwon unnie sakin at hinipo ang noo ko para tignan kung may sinat ako matapos kami makaupo sa table.
Wala naman talaga ako sakit... Bigla na lang ako nawalan sa mood nang marinig ko yung sinabi nung babae na pinag-uusapan sina Yoorim kanina.
'Sino kaya yung kasama ni Yiren? Girlfriend niya kaya? They look good together'
"May sakit ka unnie?" Nag-aalalang tanong sakin nung nagbigay sakin ng lunchbox.
Nginitian ko lang siya ng bahagya at inalis na ang kamay ni Jiwon unnie na nasa noo ko tsaka nagsalita.
"No I'm fine don't worry, gutom lang ito" palusot ko kaya tumango naman sila sa sinabi ko.
"Gutom ka na? Kung ganun oras na para matikman mo yung food na binigay ko sayo, I cooked that for you" nahihiyang sabi ni Yiren, I guess that's her name? Narinig ko ayun ang tinawag sakanya ng mga tao sa cafeteria dahil nga kilala siya.
"Wait wait, you cooked for her?" Agad kaming napatingin kay Yoorim nang bigla siyang magsalita, tumango naman yung Yiren sakanya kaya bigla siya natigilan.
Bakit ganun na lang siya mag-react? Magkakilala ba silang dalawa?
Magtatanong na sana ako kay Yoorim nang bigla siyang magsalita na ikinatigil naming lahat.
"Yah, so do you not like me?" She seriously asked Yiren who got taken aback from what she had said.
A-ano?
"Ahaha! Teka lang guys, samahan ko na lang mag order itong si Yoorim. Gutom lang yan Yoorim order na rin tayo kape gusto mo? Para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo ahahahah!!" Biglang singit ni Jiwon unnie at hinila patayo si Yoorim tsaka mabilis naglakad papuntang counter para um-order.
'Yah, so do you not like me?'
May gusto ba siya rito sa nagbigay sakin ng lunchbox?
Naiisip ko palang nag-iinit na yung mata ko...
🐈🐈🐈
Jiwon's POV
"What the freaking hell Heo Yoorim!!" Bahagyang sigaw ko sakanya nang makalayo na kami kina Sihyeon, siya ang nagsabi sakin na itago ang pagiging playgirl niya pero parang kanina lang gusto na niya ibalandra kay Sihyeon kung ano talaga ang totoong pagkatao niya. Seriously?
"Ano ba nangyayari sayo? Nakalimutan mo na bang hindi alam ni Sihyeon na babaero ka? Tapos ganun yung ipapakita mo talaga sa harap niya? Baka nakalimutan mo na ikaw ang gustong magtago ng pagiging playgirl mo, at nagawa pa kitang pagtakpan" inis na sabi ko sakanya habang siya seryoso lang nakatulala.
What the hell is happening to this girl?
"Yoorim Heo" tawag ko sakanya so she quickly snapped back to reality.
"Are you even listening? Kung gusto mo talaga hindi malaman nina Sihyeon na babaero ka, don't act like one. I lied to Sihyeon because of you. Ayoko isipin niya na niloloko ko siya, we're friends" I continued pero hindi pa rin siya nagsalita.
Napailing na lang ako sakanya at pumunta na kami sa mismong counter para um-order ng makakain.
I already have my food na dinala niya kanina kaya sinamahan ko na lang siya at para na rin makaalis sa tensyon dun sa table kanina heol.
"Oo nga pala, wala pa pagkain si Yiren" nasabi ko na lang nang lingunin ko sila sa table, wala ba siya balak kumuha ng pagkain?
Yes I know her dahil nga kilala siya dito sa company because of her beautiful face and good at writing. Hindi ko nga alam bakit hindi siya kilala ni Sihyeon, sabagay isa rin kasing maganda yon at puro trabaho lang ang inaatupag kaya wala siya laging alam jusko.
"Ako na lang o-order para sakanya, looks like she's busy..." Mabilis na saad ni Yoorim kaya napatingin ako sakanya.
She looks so serious habang tinitingnan ang table nila Sihyeon, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ano ba nangyayari sa babaeng to?
Napailing na lang ako sakanya then heaved a sigh.
"Jiwon unnie" rinig kong tawag sakin ni Yoorim kaya tinignan ko ulit siya.
"I like that girl" she suddenly said kaya napataas ang kilay ko.
"Oo halata ko nga eh what about it?" I lamely responded to her habang sinasamahan pa rin siya pumila.
What's new? Araw araw naman siya may nagugustuhang babae, it's like love is just a game for her...
"But seems like she doesn't like me back..." She said making me look at her again.
Ngayon ko lang siya nakitang maging malungkot ng ganito dahil sa iisang girl ha...
"I don't know why I feel hurt like this, you're the first girl who rejected me nung nasa middle school pa lang tayo but why when she's the one who rejected me... Hindi ko matanggap..." Yoorim said kaya natigilan din ako.
"Masyado niya nasaktan yung ego ko, I'm not used to be rejected by girls. Sanay akong sila yung lumalapit sakin, isang ngiti ko lang they'll immediately fall for me... But she's different" dugtong niya pero hindi pa rin ako nagsalita.
Ego nga lang ba talaga ang dahilan? Bakit parang nakikita ko nahulog na siya agad kay Yiren? But she's a playgirl, is that even possible?
🐈🐈🐈
Jiwon in the multimedia
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...