*background music is available*
Trying to Fix part 2
Eunji's POV
"Hmm. . ." Unti-unti na lang akong nagising nang marinig kong may kumakatok sa labas.
Gagalaw na sana ako kaso bigla kong nakita ang posisyon namin ni Sihyeon unnie, pakiramdam ko hindi na ko tuloy makagalaw dahil yakap niya ko.
Yung puso ko. . . Heto na naman parang gusto na namang lumabas sa dibdib ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam bakit ganito yung nararamdaman ko tuwing malapit si Sihyeon unnie o minsan nakikita ko lang siyang ngumiti sakin.
Panaginip lang kaya ito? Para kasing hindi totoo. . .
Her scent. . . I love unnie's scent so much. Binaon ko na lang ang mukha ko sa leeg ni Sihyeon unnie at matutulog na sana ulit kaso naalala kong may kumakatok nga pala sa labas kanina pa.
Ayoko pa sana bumangon dahil ang komportable ko kay Sihyeon unnie pero kailangan ko makita kung sino yung kumakatok sa labas.
Marahan ko na lang tinanggal ang kamay ni Sihyeon unnie sakin at dahan-dahang bumangon sa kama tsaka lumabas na sa kwarto.
"Jiwon unnie" agad na nasabi ko nang makita si Jiwon unnie sa labas pagkabukas ko ng pinto.
Ngumiti naman siya sakin ng marahan nang makita ako.
"Hi Eunji, si Sihyeon? Nandyan ba siya?" Tanong agad niya.
"Oo nandito siya kaso mahimbing pa siya natutulog ngayon eh, pasok ka muna unnie" saad ko at binuksan na ng malawak ang pinto para makapasok si Jiwon unnie.
"Gisingin ko ba muna siya unnie?" Tanong ko pero agad naman siyang umiling.
"Hindi na, alam kong pagod si Sihyeon kaya hayaan mo muna siya matulog, hihintayin ko na lang siya magising" sagot niya at ngumiti sakin.
"May dala nga pala akong food dito, here" biglang sabi ni Jiwon unnie at nilapag sa lamesa ang pagkain na dala niya.
"Kumain ka na ba? Kainin na natin to, gutom na ko eh" natatawang sabi niya at inayos na yung food sa table.
"Hindi pa, kagigising ko nga lang nung dumating ka unnie" sagot ko at ngumiti sakanya.
"Omo, don't tell me nagising kita? Sorry Eunji" worried na sabi ni unnie kaya napakamot na lang ako sa ulo.
"Okay lang unnie" nahihiyang sabi ko kahit nung una ayoko pa talaga humiwalay kay Sihyeon unnie sa kama kanina.
Habang kumakain kami at hinihintay si Sihyeon unnie magising, biglang nagsalita si Jiwon unnie.
"Cat ears headband ba yang nasa ulo mo?" Biglang saad niya kaya nanlaki yung mata ko at agad na sinuot sa ulo ko yung hoodie.
Aish! Oo nga pala nakalabas yung ulo ko sa harap ni Jiwon unnie, nakalimutan kong hindi niya pala alam na pusa ako, nasanay kasi ako kay Sihyeon unnie eh.
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Jiwon unnie sa ginawa ko at magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas na ang pinto sa kwarto ni Sihyeon unnie at iniluwa siya nito.
Kusot kusot pa ni Sihyeon unnie ang mata niya na halata mong kagigising lang.
"Oh, Jiwon unnie nandito ka pala" saad ni Sihyeon unnie nang makita kaming kumakain.
"Oo, pumunta ako para makita ka" saad ni Jiwon unnie matapos lumabas ni Sihyeon unnie sa kusina kaya nagtaka naman ang mukha ni Sihyeon unnie habang umiinom ng tubig na kinuha niya galing sa kusina.
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...