Chapter 41

44 3 0
                                    

*background music is available*

Confused feelings?

Eunji's POV

"Eunji. . . Bakit mo ba ako hinalikan?" biglang tanong ni Sihyeon unnie sakin pero pakiramdam ko nawalan na ko ng boses sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. . .

Agad akong natauhan nang medyo hinipan ni Sihyeon unnie yung mukha ko kaya lalayo na sana ako kaso bigla niyang hinila ulit ang mga braso ko na nakayakap sa bewang niya.

Bakit ganon? Parang hindi ako makahinga. . . Yung puso ko hindi ko nga alam kung tumitibok pa ba kasi parang hindi ko na maramdaman.

"Sagutin mo muna ako, bakit mo ginawa yun?" Biglang saad niya habang nakatingin ng direkta sa mga mata ko.

"A-a-ang alin?" Nasabi ko na lang, bakit hindi ako makapagsalita ng maayos??

"Yung paghalik mo sakin kahapon, bakit mo sabi yun ginawa?" Ulit niya pero hindi ko siya maintindihan.

"Paghalik? Ano yun?" Balik tanong ko kaya agad na kumunot yung noo niya sakin.

"Seriously? Ginawa mo yun nang hindi mo man lang alam yung tawag sa ginawa mo? Don't tell me natutunan mo yun sa mga napapanood mo sa tv?" Naiinis na tanong niya sakin at unti-unti na rin ako binitawan kaya mabilis na ko lumayo sa amo ko.

Bakit ganun? Kapag ang lapit ko kay unnie parang hindi ako makahinga lagi? May sakit kaya ako?

"Yah Eunji! Hindi ka ba sasagot?" Naiinis niyang sabi sakin kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

"O-oo unnie, napanood ko yun sa tv" saad ko kaya nag-cross arms na siya sakin at sumeryoso yung mukha niya.

"Eh bakit mo ginaya? At sakin mo pa talaga ginawa yun?" Seryosong sabi niya sakin kaya umiwas ako ng tingin, bakit ba nagagalit na naman siya? Hindi ko naman kasi alam na mali yun eh.

"Kasi gusto ko umaktong totoong tao sa harap mo unnie" sagot ko at seryoso din siyang tinignan.

Mukhang natigilan siya sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako magsalita.

"Ilang araw mo na ko hindi pinapansin, dahil dun nag-isip ako kung ano ba talaga yung nagawa kong mali para magalit ka. Biglang pumasok sa isip ko yung paglalambing ko sayo bilang pusa na alaga mo, ayaw mo nung ginagawa kong pagiging affectionate bilang pusa kaya naghanap ako paano ba maglambing ang mga tao sa gusto nila. Ayun nakita ko yung sagot sa tv" paliwanag ko sakanya pero umiwas lang siya ng tingin sakin at nanahimik na lang.

🐈🐈🐈

Sihyeon's POV

So ang ibig niyang sabihin gusto lang niya maging affectionate sakin bilang tao dahil akala niya nagalit ako sa pagiging affectionate niya bilang pusa.

"Unnie, sorry. Akala ko tama yung ginawa ko dahil ang sabi nung tao sa tv non matapos niya idikit ang labi niya sa babae, gusto niya yung babae. Kaya akala ko kapag gusto mo yung tao gagawin mo yun" Rinig kong sabi niya kaya binalik ko yung tingin ko sakanya.

Napabuntong hininga na lang ako and just caressed her head, atleast alam ko na kung bakit niya yun ginawa.

"It's okay Eunji, naiintindihan na kita. Tama ka, ginagawa nga yon kapag gusto mo yung tao, halik or kiss ang tawag don sa ginawa mo, pero ginagawa lang iyon ng dalawang tao na romantically in-love sa isa't isa" paliwanag ko pero mas lalo lang naguluhan ang expression niya kaya napangiti na lang ako dahil ang cute niya.

🐈🐈🐈

Eunji's POV

"Romantically in-love sa isa't isa?" Ulit ko sa sinabi niya kaya tumango naman si unnie at nginitian ako habang nakapatong pa rin yung kamay niya sa ulo ko.

"Oo like magkasintahan ganun, hindi mo pwede gawin yun kung kanino lang at hindi mo pwede gawin ng biglaan, dapat may pahintulot ka sa tao na hahalikan mo pala siya, paano pala kung ginawa mo yun sa iba dahil lang gusto mo maglambing? A kiss is not that simple Eunji. Kiss is what you'll give to someone who's special to you okay? Hindi yung kung kanino lang-" hindi natapos ni Sihyeon unnie yung sinasabi niya nang sumabat na ako.

"Pero unnie, hindi ka naman kung sino lang eh" saad ko kaya natigilan siya.

"Eunji hindi mo naiintindihan, oo hindi ako kung sino lang dahil amo mo ko, well kaibigan na rin. But that doesn't mean na hahalikan mo na ko dahil wala naman tayong romantic feelings sa isa't isa. Amo mo ko at alaga kita, that's it. Kung hindi bale sana kung pusa ka pa pero tao ka na kaya dapat malaman mo yung mga ganitong bagay. Okay? Kaya huwag mo yun gagawin basta basta" saad niya at tumayo na.

"Sige na magpahinga na tayo, aalis pa ko bukas" sabi niya habang inuunat ang mga braso niya kaya tinignan ko lang siya.

"Oo nga pala, nung time na iniiwasan kita, hindi yun dahil galit ako sayo Eunji" biglang sabi ni unnie at binend ang mga tuhod niya sa harapan ko at ngumiti sakin.

"I'm sorry. I did that dahil ayokong lagi nakatuon ang atensyon mo sakin. Gusto kong maging close kayo ni Jiwon unnie at mukhang effective naman dahil lagi na kayo magkasama" saad niya at umiwas ng tingin sakin saglit pero bandang huli ay nginitian na lang ulit ako.

"Sige na magpahinga ka na Eunji, good night" huling sabi niya at ginulo ng bahagya yung buhok ko tsaka tumayo at pumasok na sa kwarto niya.

Napabuga na lang ako ng hangin at humiga na lang sa sofa at kinuha ang unan at kumot ko.

Ano na kaya nangyayari sakin? Bakit hindi ako makahinga kapag ganun si Sihyeon unnie? Yung puso ko hindi mapakali, ganito ba talaga kapag tao lang o may sakit na ko?

Oo nga pala, sabi ni Sihyeon unnie aalis siya ulit bukas. Saan naman kaya ulit siya pupunta at sino kaya ang kasama niya?

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpahinga na.

Good night Sihyeon unnie.

🐈🐈🐈

A/N: Eunji in the multimedia.

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon