*Background sound is available*
White Cat
Sihyeon's POV
Naalipungatan ako ng nasilaw na ko sa liwanag ng araw galing sa window ko sa room.
Inaantok pa ko kaya hinarang ko ng kamay ko yung liwanag ng araw.
Gagalaw sana ako para tumalikod sa liwanag kaso hindi ako makakilos.
Parang may na nakadagan sakin na mabigat eh, hindi pa naman ako dumidilat dahil inaantok pa talaga ako kaya kinapa ko yung katawan ko kung may nakadagan.
Pero imbes na katawan ko yung mahawakan ko, parang ibang katawan yung nakakapa ko sa ibabaw ko tapos may biglang kumiliti sa mukha ko kaya napadilat na ko ng tuluyan.
Unti unting nanlaki yung mata ko ng may babaeng nakadagan at nakayakap sakin.
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko kaya napabalikwas naman agad siya hanggang sa mahulog siya sa sahig.
Mabilis naman akong bumangon at tinignan ng mabuti yung babae na nasa ibabaw ko pagkagising ko.
Like paano nangyari yun ng hindi ko namamalayan??
"AAAAAAAHHH!!" sigaw ko ulit ng marealize kong naked yung babae.
Ano bang nangyayari??! Bakit may babaeng nakahubad ang bumungad sakin ngayong araw??
Agad ko naman tinakpan yung mata ko pero sumilip ako ng konti para makita yung ginagawa niya.
"Ouch" rinig kong sabi niya habang iniinda yung sakit ng pagkabagsak niya kanina.
"S-sino ka?! Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?! And why are you freaking naked??!" Maraming tanong ko habang isang mata ko lang yung nakatingin sakanya at yung isa nakapikit.
Tinignan niya lang ako ng nagtataka at hindi nagsalita.
Dahan dahan siyang tumayo kaya agad akong napaatras at napasandal sa cabinet ko.
T-teka, ngayon ko lang napansin yung cat ears niya sa ulo tapos may buntot din siya na parang pusa sa likod niya.
Cosplayer ba siya???
Nang makita kong papalapit na siya sakin, kinuha ko yung comforter ko sa kama at hinagis sa mukha niya tsaka tumakbo sa labas ng kwarto ko.
Dumiretso ako ng kitchen at kumuha ng kutsilyo.
Pupunta sana ulit akong kwarto nang makita ko na siya na sinundan ako dito habang balot ang katawan niya ng comforter ko, mabuti naman at binalot niya ang sarili nya.
"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko sakanya at tinutukan siya ng kutsilyo kaya nanlaki ang mata niya.
"Sagutin mo yung mga tanong ko, sino ka at paano ka nakapasok sa pamamahay ko?" Seryosong tanong ko sakanya habang nakatutok pa rin sakanya ang hawak kong kutsilyo.
"Amo" sabi niya habang nakatitig sakin na mukhang nag-aalala.
"Nakakapagsalita ka pala, at ano? Amo? Anong pinagsasabi mo? Sagutin mo na lang yung tanong ko! At ano ba yang nasa ulo mo? At bakit may buntot ka pa? Cosplayer ka ba?" Sigaw ko sakanya habang balot pa rin siya ng comforter ko.
She tilted her head a bit na parang nagtataka tsaka hinawakan ang cat ears na nasa ulo niya dahilan para bumukas yung comforter na nakabalot sakanya kaya napasigaw ako.
"Yah!" Sigaw ko kaya agad naman napatigil siya sa paghawak ng cat ears niya sa ulo.
"You're naked remember?! Isara mo yang comforter!" Tinignan naman niya yung katawan niya pero sinara rin yung comforter na nakabalot sakanya.
"Sino ka at paano ka nakapasok sa bahay ko?" Ulit ko dahil naiirita na ko dahil kanina pa siya hindi sumasagot sa mga tanong ko.
"A-ako yung kinupkop mo kagabi, nakapasok ako dito dahil pinapasok mo ko" sagot niya kaya agad na kumunot ang noo ko.
"Kinupkop? Pinapasok? What the hell are you saying? Wala akong naalalang nagpapasok ako ng kahit na sino sa pamamahay ko, niloloko mo ba ko?" Inis na saad ko sakanya pero mabilis naman siyang umiling.
"Pero totoo ang sinasabi ko. Ikaw pa nga ang nagdala sakin dito sa bahay mo kaya ako nakapasok, nilapitan mo ko nun habang umuulan kagabi at binuhat papunta dito sa bahay mo" pagpapaliwanag niya kaya natulala na lang ako.
Kinupkop? Nilapitan habang umuulan kagabi? Binuhat papunta dito? Anong pinagsasabi-
Naputol ang pag-iisip ko ng may marealize ako.
Wala na kong iba pang kinupkop kagabi kundi yung puting pusa...
Agad naman akong napatingin ulit sakanya habang nakatingin siya sakin na parang nag aalala.
"S-so i-ibig mong sabihin... I-ikaw? Yung p-pusa?..." Naguguluhang tanong ko sakanya pero tumango lang siya sakin.
Natawa ako saglit at napasuklay na lang sa buhok ko sa sobrang frustration tsaka tumalikod.
Ano ba tong umagang to? Hindi naman ako uminom kagabi pero bakit parang hinahangover ako sa nangyayari?
Napahilamos na lang ako sa mukha ko at humarap ulit sakanya na mukhang kanina pa nakatitig sakin.
"So you're telling me, ikaw yung pusa na kinupkop ko kagabi kaya ka may ganyan sa ulo at buntot sa likod?" Tanong ko ulit at mabilis naman siyang tumango pagkatapos gumalaw galaw pa yung pusang tenga niya sa ulo. Weird.
"Then ngayon, bigla ka naging tao? Pinaglalaruan mo ba ako?" Naiiritang tanong ko ulit pero tinignan niya lang yung sarili niya na parang naninigurado at dahan dahang tumango sakin.
Natawa na lang ako ng bahagya at nagpalakad lakad.
Pakiramdam ko nababaliw na ko o nananaginip pa rin ako.
Napahinto naman ako ng may maisip akong idea.
Agad akong lumabas ng kusina at bumalik sa room ko.
Mabilis akong naghanap kahit saang parte ng room ko.
Nagbabakasakali akong makita yung pusa na kinupkop sa gitna ng ulan kagabi, huli ko siyang nakita dito sa room ko dahil naalala kong pinapasok ko siya dito.
"Amo... Anong ginagawa mo?" Rinig kong tanong niya pero patuloy lang ako sa paghahanap nung puting pusa.
"Yung pusa, hinahanap ko, dito ko lang siya huling nakita" sagot ko habang mabilis na naghahanap kung saan saan at hindi siya pinapansin.
"Pero... Ako nga yun eh.." rinig kong sabi nya.
"Hindi- AHHH!" hindi na natuloy yung sinasabi ko nang pagtalikod ko, nasa harapan ko na pala siya dahilan para maitulak ko siya pero nasama ako sa pagbagsak niya.
Bumagsak kami sa higaan ko at hindi ko namalayan na nasa ibabaw niya na ako.
Dahil dun mas lalo ko pang natitigan ang mukha niya...
Ang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa at habang natititigan ko yung mga mata niya...
Mabilis na nag-flashback sakin ang mga mata nung white cat na kinupkop ko kaya agad akong napaalis sa ibabaw niya sa gulat.
Dahan dahan naman siyang bumangon at tumingin sakin with her innocent look.
What was that mean? Siya ba talaga? Siya ba talaga yung... Pusang inalagaan ko kagabi?
🐈🐈🐈
A/N: Sihyeon in the multimedia
BINABASA MO ANG
My Pet
FanfictionKim Sihyeon is living her normal life as a proofreader and an editor for a big publishing company, just thinking how to live a life managing her own until she sees a cat on the streets on a rainy day. Everything was going smoothly after she decided...