Chapter 46

49 2 0
                                    

*background music is available*

Not a Coincidence

Yoorim's POV

To: Soon to be girlfriend

Kamusta? Saan kayo magkikita ni Sihyeon unnie?

From: Soon to be girlfriend

Sabi ko sunduin niya na lang ako sa bahay ko. Buti pumayag siya<3

May pa heart pa talaga siya tsss.
Tinignan ko na lang yung labas ng bahay ni Yiren matapos ko i-backread yung messages naming dalawa.

Sabi niya pupunta si Sihyeon unnie sa bahay niya kaya nandito na agad ako para sundan sila sa gala nila ngayon.

Huwag niyo na tanungin kung paano ko nalaman ang address ni Yiren, I have connections bwahaha!

"Oh, si Sihyeon unnie na iyon" nasabi ko na lang at mabilis na nagtago sa poste, tsaka sila sinilip dalawa. Nag disguise nga ako ngayon para hindi ako mahalata.

Okay na siguro tong facemask.

Gusto ko marinig yung pinag-uusapan nila kaso masyado akong malayo, mukhang ang saya na nila agad ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto ko marinig yung pinag-uusapan nila kaso masyado akong malayo, mukhang ang saya na nila agad ha.

Dahan dahan ko lang sila sinusundan pero nagulat ako nang tumakbo si Yiren kaya hinabol siya ni Sihyeon unnie, teka anong nangyari don?

Kanina lang huminto sila para mag-usap tapos bigla siya tumakbo, medyo malayo kasi ako sakanila kaya hindi ko marinig ang pinag-usapan nila.

Sumakay sila ng bus kaya mabilis rin ako sumakay doon, mabuti na lang maraming tao sa bus kaya hindi nila ako agad agad mapapansin.

"Yiren naman, bakit ka kasi bigla bigla tumatakbo" rinig kong saad ni Sihyeon unnie.

Oo nga naman, napagod din akong habulin silang dalawa, mabuti na lang long legged ako kaya mabilis ko sila naabutan, this is why I like being tall, may advantages din haha!

"M-may upuan pa dun unnie oh" sagot na lang ni Yiren at pumunta dun sa malayong part ng bus, marami ngang tao dito kaya di ko na sila sinundan doon, mamaya mapansin pa nila ako kaya mabuti nang medyo malayo ako sakanila. Saan kaya sila pupunta?

Habang tinitignan ko yung way ng bus, na-realize ko na parang familiar yung dinadaanan namin, teka hindi kaya pupunta sila sa café na favorite ni Yiren? Baka balak ni Yiren dalhin si Sihyeon unnie sa For.Ever Café.

Hindi ko na lang napigilang mapangiti dahil ako ang unang tao na nakasama ni Yiren sa favorite café niya, mabuti na lang nakita ko siya nung araw na yon.

Agad akong natigil sa pag-iisip nang may marinig kaming sigaw sa loob ng bus.

"Sihyeon unnie!" Rinig kong tawag ni Yiren kay Sihyeon unnie kaya agad ko sila nilingon, what happened?? Okay lang ba sila?

My PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon