After my short lecture about Neuro-Oncology at the Aceves Medical School, I headed straight to my patient inside the ICU to check her status. I went through the crystal bridge that connected the school building to the hospital. I peeked at my every step having fun with the hues of colorful vehicles underneath.
My patient’s parents were inside when I arrived. One of the residents was informing me about the improvements of the patient.
“Doc, kumusta po ang lagay ng anak ko?” Napatingin ako sa ina ng pasyente. Mugto ang mga mata nito at nakaguhit ang pagod sa buo niyang mukha.
I smiled at her reassuringly before looking down at the patient who is in a peaceful slumber.
“The bleeding was located deep in the brain in an unfavorable spot but we have stopped the hemorrhage during the surgery…”
Naging matagumpay kami sa pagkuha ng arteriovenous malformation sa utak ng pasyente pero kailangan pa rin siyang bantayan dahil hindi pa rin kami sigurado kung magigising ito o hindi.
“Magigising po ba siya, Doc?” Napatingin ako sa kasama kong resident bago binalik ang atensyon sa mag—asawa.
“We won’t know that now. We need to observe her more.”
Agad akong lumabas nang mapanatag ang loob ng mag-asawa. Ito ang laban na hinaharap ko araw-araw.
Nakikipagpatentero ako kay kamatayan, maligtas lang ang buhay ng mga pasyenteng pinagkatiwala sa akin ng kanilang mga mahal sa buhay.
Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko pero sa tuwing nakaktanggap ako ng pasasalamat mula sa pamilyang mga inoperahan ko, alam kong tama naman ang landas na tinahak ko.
“Dr. Zamora, pinapatawag po kayo ni Director.” I rolled my eyes at the nurse knowingly.
“Sabihin mo busy ako,” I said and examined some of my patient’s medical chart.
“Noted. Doc. Ang tapang naman talaga,” natatawang biro ng nurse habang dina-dial ang telepono ng hospital director.Napailing lang ako sa naging komento niya. Alam ko namang uupo lang ako sa opisina ng director at makikinig sa mga walang kwenta niyang sasabihin.
“Kaia Antonette!” Napatigil ako sa pagbabasa nang mayamaya ay narinig ko ang baritonong boses na pamilyar sa akin. I looked at the nurses and sighed when they gave me dirty smiles. Tss.
“What now, Dr. Aceves?” tanong ko nang maramdaman ang kanyang presensya sa tabi ko pero hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin.
“Didn’t you get the memo?”
“You know too well that it’s not a memo. We’re in the middle of work.”
“I know that. Pero hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka importante ang sasabihin ko?”
“Palagi namang importante ang sasabihin mo,” I said matter-of-factly still not looking at him.
“Fine. Then I’ll tell you here. Dinner date, later 8 PM.” Marahas na napatingin ako sa gawi niya pero isang papaalis na pigura niya na lamang ang nakita ko.
“Uyy. Si Doc pumapag-ibig!”
“Pa hard to get ka pa, Doc ah!”
“Di umubra ang mga bouquet kay Doc kaya sapilitang date na lang!”
Naging sunod-sunod ang tudyuhan sa nurse station at ako ang naging sentro niyon.
Loko-loko talaga minsan iyong si Rio. Kung hindi ko lang kaibigan, sinapak ko na siya sa harap ng mga nurses, eh.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...