Yesterday was very memorable to me. Archie made sure that I enjoyed every moment of it. Yes, I did. Every moment spent with him is beyond magical.
Isang araw pa lang kaming naglalagi sa isla pero parang nasulit ko na ang stay namin dahil sa lalaking mahal ko at sa mga kaibigan ko. Crissa and Kyla forced me to wear a bikini top na high-necked type pero pinaresan ko pa rin ng maong shorts iyon dahil hindi ko naman talaga kaya ang mag-full bikini outfit.
Halos hindi rin kami nahiwalay sa isa't isa hanggang sa magsimula ang first night activity namin.
Hindi ako masyadong nakapag-focus sa Constethology kagabi dahil habang nakahiga kami sa puting buhangin at nakatingin sa malawak na dagat ng nagkikislapang bituin hawak-hawak ni Archie ang kamay ko at kung ano-anong sweet words ang binubulong niya sa akin. Muntik na nga akong mapaamin ng nararamdaman ko sa kanya pero buti na lang at malakas ang pagpipigil ko.
Ilang beses ko rin siyang sinabihang mag-focus sa mga constellations pero mga hirit lang na bentang-benta naman sa akin ang natatanggap kong sagot mula sa kanya.
'Why mind those stars when I'm holding my Aurora Borealis right now?'
Tangina, 'di ba? Sino hindi kikiligin niyan? Yawa!
"Oh my God! Kaia, are you okay?" nanghihintakotan akong dinaluhan ni Kayla habang napasapo naman ako sa aking ulo dahil sa gumuhit na kirot at hapdi roon. Napapikit ako nang mariin at napaupo sa buhanginan.
Nasa dalamapasigan kami ngayon nanunuod ng Volleyball match between HUMMS and CSS girls nang biglang lumipad ang bola sa ulo ko. Masyado akong nagpakalunod sa iniisip ko kaya hindi ko nakita ang paparating na bola.
"Ang sakit, tangina!" reklamo ko habang natatawa sa katangahan ko.
"Bakit 'di ka umilag?" natatawa nang tanong ni Crissa.
"Oops..."
Natigil kaming tatlo sa boses na iyon. Sabay rin kaming napaangat ng tingin sa pinanggalingan ng boses.
"Sorry... not sorry," nakangising turan ni Kirsty sa amin. She proudly towered over us.
Marahas na napatayo si Crissa pero agad ko ring pinigilan ang kamay niya. Kung sinadya man ni Kirsty na batuhin ako ng bola, ayoko nang patulan pa. I won't give her the satisfaction of hurting me. Again.
"Alam mo, deputa ka!" singhal ni Kayla rito at inambahan ng kamao pero natigil iyon sa hangin.
Maang na napatayo ako nang biglang may dumapo na nagraragasang bola sa mukha ni Kirsty.
"Kirsty!" Dinaluhan ko siya pero marahas na tinabig niya ang aking mga kamay.
"Masakit?" Nakataas ang kilay ni Chantelle na lumapit kay Kirsty. Siya ang bumato ng bola kay Kirsty?
Hindi makapaniwalang napabaling ang atensyon ko kay Chantelle na katabi ko na ngayon. Hindi ko mawari ang apoy na nakaguhit sa mga mata nito.
"How dare you!" singhal ni Kirsty na nanlilisik ang mga mata.
"Alam mo ba kung gaano ka sensitive ang ulo ng tao, Kirsty? Siguro hindi dahil for sure wala kang utak!" I was stunned by Chantelle's feisty words. The then sweet Chantelle turned into a fiery girl in front of me.
"Bakit ikaw ang galit? Gano'n na ba kayo katagal na napaikot ng babaeng ito?" Kirsty said vehemently motioning me.
"Kahit sinong tao ang binato ng bola sa ulo, ganito at ganito ang magiging reaction ko. You have no idea how a person could suffer because of the pain in her head!" Pumiyok si Chantelle at biglang naging emotional.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...