Chapter 5: Girlfriend

170 39 195
                                    

Hindi lamang ako sumabak sa gyera, sinimulan ko ang gyera. Pero ang nakakatakot, puso ang ginawa kong sandata. Hindi ko alam kung mananalo ba ako o matatalo. Pero meron nga bang nananalo sa gyera?

Ang totoo? Walang nananalo dahil lahat talo. War guarantees survival, yes, but survival doesn't equate to winning.

Siguro makaka-survive ako sa pinasok kong gulo pero hindi ko alam kung mananalo ba ako dito.

Bahala na. I'll cross the bridge when I get there.

Pareho kaming busy ni Archie kaya hindi kami nagkikita. Pareho kaming may practice sa kanya-kanyang sinalihang competition.

Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Kirsty. Mahal ko siya pero maling-mali na siya sa part na sobra ang pagja-judge niya sa mga tibo. Hindi na makatarungan at OA na.

Parang isang sinding kandila na ngang papaubos ang nararamdaman ko sa kanya. Natatakot nga ako. Sana huwag namang humantong sa ganun.

"One, two, three, four, five, six... ang tanga naman ng ikot niyo!" Napakamot ako sa ulo at inis na pinatay ang music.

"From the top nga!" Nayayamot na pumwesto ako sa unahan at nagsimulang magpakita ng tamang dance routine.

Kanya-kanya sa reklamo ang mga kaklase kong sumali sa dance competition. Pero wala pa ring nagawa. Kung gusto nilang manalo, sumunod sila.

Whole day ang practice, kaya wala kaming pinalampas na oras. I am so engrossed with practicing kaya hindi ko namalayang hapon na pala at paunti na ng paunti ang mga estudyante doon. Ang iba nagsisiuwian na.

"Time out na Kai. Bukas na naman!"

I sighed and took out my flask. I drank my water before answering them.

"Fine. Eight-thirty bukas ha. Ang ma-late, mag hanap na lang ng bagong grupo." Inayos ko ang laman ng bag ko at kinuha ang extra shirt ko.

Sari-saring reactions na naman ang na tanggap ko mula sa mga kaklase ko pero hindi ko na pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papuntang lady's comfort room.

Pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako palabras ng gate. Hindi ko na hinintay si ate dahil alam kong gabi na naman ito matatapos sa ginagawa dahil committee din siya sa Intramurals.

Nagulat pa ako sa paglabas ko ng gate dahil nakatayo sa gilid n'on si Archie. Nakatukod sa pader ang isang paa nito. Ang isang kamay nakakapit sa strap ng bag samantala ang isa nakatago sa kanyang bulsa. Cool na cool itong tumitingin sa mga lumalabas ng gate.

"Oh, finally you're here." Nakangiting lumapit ito sa akin habang kinakamot ang ulo.

Agad namang kumunot ang noo ko. Hinintay ako nito? Bakit naman?

'Boyfriend duties!'

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa uuwi?" Nagtatakang tanong ko at nagsimula nang maglakad papuntang abangan ng tricycle.

"A-Ahm," nag-aalangang sagot nito. I looked at him curious. He's now caressing his nape.

"Ihahatid sana kita." Offer nito at nahihiyang ngumiti bago umiwas ang tingin sa akin.

Ah, iyon naman pala! Huh? Ihahatid pauwi?

"Masyado ka namang mabait. Huwag na. Ayokong maabala ka. Besides, hindi naman natin kailangang magpanggap ngayon." Tanggi ko sa offer nito. Hindi naman extended sa labas ng school ang deal namin kaya bakit ito nag-ooffer?

"I know. But I just want to take this opportunity to get to know you. you know for safety purposes." Pamimilit pa rin nito at sumasabay na sa paglalakad ko.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon