Chapter 14: Alone

43 16 15
                                    

Hindi ako tinantanan ng mga pangyayari kanina. Yung nakaw na halik ni Archie ay tila isang kantang naka-single cycle sa playlist ko. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.

Wala ring pumapasok sa baul ng kaalaman ko habang nagle-lecture ang teachers ko noong afternoon class na. My mind gone haywire because of that damn gesture.

Bakit kailangan niya akong halikan?!

'Grabe ka, ghorl! Big deal na ang halik sa pisngi?'

Mali at nakaw pa rin ang ginawad niyang halik! Kung sana nagpaalam siya... pinilig ko ang ulo ko sa naisip. Ano ba 'tong nangyayari sa akin!

Nag-decision din akong mauna na nang umuwi kay Ate Kora dahil may meeting pa ito at para magawa nang maaga ang mga outputs ko. Most of them are essays and narrative reports kaya kailangan bigyan ng panahon.

I admit magaling ako sa English pero hindi naman ako walking dictionary. Limited pa rin ang kaalaman ko doon kaya kailangan pag-igihan ko ang essays.

Paglabas ko sa gate, prenteng nakasandal si Archie sa sasakyan nito. Nakatago sa bulsa ang kanang kamay habang ang isa nakahawak sa cellphone nito.

Nakayuko ito at nakangiting naka-tutok ang atensyon sa cellphone kaya hindi ako napansin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo at tahimik na naglakad sa kabilang direksyon.

"Baba!" Narinig kong tawag ni Archie mula sa aking likuran. My feet suddenly froze because of that voice.

Sineryoso talaga nito ang 'Baba'! Tsk!

I felt him walking to me kaya nagsimula akong humakbang palayo. Alam kong paglumapit ito, magwawala na naman ang puso ko. Siguro sa galit dahil naisahan ito kanina ng mokong na nasa likuran ko.

"Baba!" Malakas nang sigaw nito. Alam kong malakas iyon dahil napapalingon din ang ibang papa-uwi nang estuyante.

Naiinis na hinarap ko ito. Bumungan sa akin ang nakangiti nitong mga labi na kasing hugis ng pana ni Cupido pataas sa mga mata nitong nawawala na naman dahil sa ngiti. Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko.

"Will you stop---"

"Sorry about the kiss." Diretsang sabi nito pero nakangiti pa rin. Nagsalubong ang kilay na napaangat ako ng tingin dito dahil tuluyan na itong nakalapit sa kinaroroonan ko.

"W-whatever," I said awkwardly and took my sight off of him.

"I can return it tho..." lumipad na naman ang tingin ko dito. Magkasalubong na naman ang mga kilay ko.

"Tangina ah!" Pumalatak ako at inambahan ito ng kamao bago tinalikuran. Lakas ng tama!

"Baba!" Pigil nito sa akin at hinawakan ang kanang braso ko.

Mabilis ang naging reflexes ko kaya kinuha ko agad iyon at malakas na pinihit mula sa pagkakakulong sa mga kamay niya. Napaigik ito sa sakit. Gulat na binitawan ko agad ang kamay nito.

"Ouch!" Sapo nito ang nasaktang kamay at mangiyak-ngiyak na binalingan ako. Parang hindi lalaki ah!

"S-sorry. Kasalanan mo kasi eh! Hindi ka umaayos!" Depensa ko agad sa sarili ko pero kinuha na rin ang nasaktang kamay nito at hinipan.

"Ano, Kaia? Napaso lang? bakit hinihipan mo? Tanga!"

"Ang harsh mo sa akin, Baba!" Tila batang sambit nito at tumalikod. Ay tangina! Ang arte!

"Hoy!" tawag ko dito bago sumunod pero tuloy-tuloy lang itong bumalik sa naka-park na sasakyan.

"Nag-sorry na ako! Ang arte mo!" I squeezed my hand into a fist. Nakaka-frustrate naman kasi!

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon