Chapter 2: Palda

238 54 391
                                    

If there's one thing I am sure about myself, it's about having an end-goal. Gagawin ko ang lahat para ma-achieve ang goal ko. Kaya ginawa ko lang lahat ng preparation for today's match.

Kung wala nga lang sanang summative test si Ma'am Oligario, hindi na sana ako papasok ngayong umaga. But as senior high school student, my grades still matter the most to me. Lalo na't napapasama ako sa With High Honors.

Huli akong dumating sa school kaysa sa ate ko dahil wala kaming first subject ngayon. Papasok na ako sa gate ng school nang biglang may sumabay sa akin.

Lumaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino iyon. Ngayong walang bumabagabag sa utak ko, napagmasdan ko ito nang maayos. My eyes flew to his tousled ash brown hair. Natural ba ang kulay ng buhok nito?

Then my sight creped down to his toned and fit body. Agaw pansin din ang sand beige skin complexion nito. Hindi mawari kung maputi ba ito o kayumanggi.

Kaya pala hindi malabong pagkakaguluhan ito ng mga girls eh. Baguhan na, gwapo pa. Well, ano naman ngayon kung gwapo siya.

Binalingan ako nito at ngumisi nang nakakaloko. He raised his dark brows while examining me.

"Good morning!" Bati nito pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

Tumikhim ako nang malakas at umiwas ng tingin. Damn! What was that? Am I checking him out?

"Morning," I mumbled and walked past him.

"Sandali!" pigil nito sa akin at hinawakan ang braso ko.

Agad itong bumitaw nang tumigil ako at humarap dito. Pilit kong winawaglit ang tila isang electric current na dumaloy sa balat ko nang maglapat ang aming mga balat.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"I've change my mind," simula nito.

Agad naman akong kinabahan sa sinabi nito. Hindi pwede! Paano ko makukuha si Kirsty sa kanya?

"A-ano? Bakit?" Nanghihinang tanong ko. Parang hinigop ng isang vacuum cleaner ang lahat ng enerhiya sa katawan ko.

"It's not what you think," sansala nito.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito pero ano ang ibig sabihin ng kanyang 'I've change my mind'?

'I realized... basketball is not good for you. No matter how you insist it, you're still a girl. I'm afraid I could hurt you." Diretsang paliwanag nito sa isang malamlam na boses.

Napamaang ang mga labi ko. Ano daw? Is he underestimating me? is he looking down at me? Mga lalaki nga naman, oo!

"Hoy! Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?" Bulyaw ko dito. Buti na lang at kakaunti lang ang mga estudyanteng pumapasok. Malapit pa naman kami sa gate.

"No! I didn't mean it like that. I know you play basketball, Kaia. I have asked my sister about you. I just find it unfair for you. You are too fragile for body pain." Depensa nito at alanganing ngumiti.

Ako ba talaga ang iniisip nito o natatakot lang itong kalabanin ako? Antipatiko!

"Teka, kilala mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Paano niya ako nakilala, eh kahapon lang kami nagkausap.

"Yeah." Tango nito. "You're quite popular at Junior High. My sister said that." Natatawang dugtong nito.

Popular? Ako? Marami lang sigurong nakakakilala sa akin doon dahil palagi nga naman akong pumupunta sa Junior High building dahil kay ate.

"Okay, so... paano na ngayon." Wala sa sariling sagot ko habang nililipad ang utak ko kay Kirsty.

"How about we'll change the challenge? Yung pabor sa ating dalawa?" He offered raising his thick brows.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon