Chapter 8: Swayed

83 26 58
                                    

Maaga kaming naka-uwi sa farm nang sumunod na araw, hindi na namin napag-usapan ni Archie ang mga nangyari kagabi. Siguro dahil pareho naming alam na magiging awkward iyon at ayaw naming masira ang magandang mood sa pagitan naming dalawa.

Iba din talaga ang nagagawa ng malamig na panahon eh. Napapa-deep talk ang mga tao.

Hindi agad kami nakababa dahil inayos pa sa pagkaka-park ang sasakyan. Bihasang-bihasa na talaga si Archie sa pagda-drive.

Inabala ko na muna ang sarili ko habang busy si Archie. I decided to post a story on my IG feed. Napili kong i-post ang kuha ko kay Archie habang nagwi-wish ito kagabi. I bit my nail while looking at his photo.

Ngayon ko lang napagtanto ang kuha nito. Nakapikit habang magkasiklop ang dalawang kamay, bihag n'on ang isa kong kamay. Nakalapat sa bibig nito ang magkahugpong na mga palad. He looked so ethereal. Hindi paipagkailang gwapo nga ito. Tsk, sana all talaga kasing gwapo ng mokong na ito.

I captioned the photo: I hope your wish will come true.

I didn't tag him dahil hindi ko naman alam ang IG account nito. Hindi na ako nag-bother pang hanapin iyon dahil baka sabihin nitong ini-istalk ko siya.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko tanda na may dumating na text. Tiningnan ko agad at nakitang si Vince ang nag-text.

Buhay pa pala ang kumag na ito!

From Vince:

Busyng-busy ah! Ano, tinamaan ka na ba sa jowa mong hilaw? In love ka na no? ay bakla ka, ghurl?

Napa-ubo ako dahil sa mga nabasa ko. Sira-ulong Vince iyon ah. I tapped my check because I felt it heated. I even fanned myself repeatedly. Bakit ganito na lang ako kung maka-react?

"Are you okay?" Archie's thick brows furrowed. He examined me before putting off the engine.

Tumango lang ako at nag-thumbs up dito. I unbuckled my seat belt and went out of the car. Kailangan ko nang sariwang hangin.

"Guys!" A very familiar voice screamed welcoming us. I heaved a satisfied sigh when Chantelle embraced me in a hug.

Finally, there's someone to break the awkwardness building inside me. alam kong ako lang naman ang may big deal dito eh. Ilang araw pa kaming magse-stay rito kaya sana naman mawala na ito.

Dami kasing paandar ni Archie eh, dagdagan pa ni Vince. Mga panulay!

"Ate? Bakit namumutla ka?" Puna ni Chantelle at nag-aalalang tiningnan ako.

Agad namang lumapit si Archie sa amin at pinagmasdan ako. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Okay lang ako," natatawang depensa ako.

"Puyat lang siguro. Halika na sa loob para makapagpahinga ka."

Naglakad na kami papasok sa bahay, magkayakap kami ni Chantelle habang nasa likuran namin si Archie.

Hindi ko inaasahan ang sasalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng bahay at hindi ko rin inaasahan ang sumunod na ginawa nito kaya napasigaw ako ng malutong.

A golden retriever welcomed the three of us. The dog jumped at my direction excitedly as if I am some delightful meal he's been waiting all his life.

Teka lalaki ba 'to?

Napakalaki at napakataba nito. Halatang alagang-alaga. Kaya hindi ko rin napaghandaan ang lakas nito. Napaatras ako at sa sobrang gulat umikot-ikot ako kay Archie habang hinahabol-habol ng aso.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon