Pumasok ako ngayon sa school na tila isang sundalong sumabak sa gyera na pinagkaitan ng armas. Nasa point na rin ako ng buhay ko kung saan puro katanungan ang binabato ko sa sarili ko.
'Ano ba pumasok sa isip mo?'
'Matino pa ba pag-iisip mo?'
'Ano itong pinasok mo?'
Iilan lamang ito sa mga tanong na bumabagabag sa isipan ko.
Hindi ko lubos ma-isip na napa-oo ako sa kalokohan ni Archie at ng kapatid ko. Oo, pumasok nga sa eksena si Ate Kora pati na rin ang kapatid ni Archie na si Chantelle at estudyante rin ng kapatid ko.
Ny sister cut my hair into a bob cut that rest 3 inches below my chin. I don't get the irony, but she said that I'll look feminine that way. Gusto pa akong lagyan ng bangs pero malakas akong tumanggi. Gagawin ba naman akong si Dora!
Chantelle plucked my brows and gave it a soft arch shape. She even taught me how to put check and lip tint. Damn, are those even necessary?
Ang bilis ko lang din nakapagpalagayan ng loob itong kapatid ni Archie. She's very nice and she has this little sister vibe.
Kinagabihan, pinasuot pa ako ng face mask ni ate at may nilagay na kung ano-anong cream. Nakaka-taas balahibo pero hinayaan ko na, hindi dahil gusto ko o nagugustuhan ko kundi dahil nagka-bonding time kami ni Ate Kora.
Feeling ko daig ko pa ang nag-workshop sa Aces and Queens dahil sa mga pinagagawa sa akin ng mga iyon. Pero wala din akong nagawa dahil kapag tumatanggi ako at nagrerklamo palagi nila akong binabato ng tanong na, 'Desidido ka ba talagang makuha pabalik si Kirsty?'
Yes! Kirsty is the magic word.
'Teka, familiar ka ata sa Aces and Queens?' kantiyaw ng munting boses sa isip ko. Saan ba nanggagaling ang boses na ito? Daig pa ang kabute sa pasulpot-sulpot eh!
Malamang! Fan noon ang ate ko. Palaging nanunuod sa bahay ng mga ganoong video. Frustrated beauty queen! Tss.
----
I heaved a deep sigh and focused on my path. I walked straight to my homeroom with my eyes on the ground. Dahil nakakairita ang binibigay na tingin sa akin ng mga estudyanteng nakakasabay at nakakasalubong ko.
They're usual reaction was to form an 'oh' shape. Masaya sana dahil nakukuha ko ang attention ng mga babae pero nakakainis dahil hindi sa gusto kong paraan na makuha ang attention nila. Wala kasing admiration doon, kundi gulat!
Lintik na Archibald na iyan! Bakit ba ako nagpauto doon?
Reaching my homeroom feels like reaching heaven for me. Pero panandalian lang dahil sa naging reactions din ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako at umupo sa proper seat ko.
"Kaia?!" Bulalas ng kaklase ko. I got annoyed in an instant. Napaka-high pitch ng boses nito.
"OMG!"
"Broken na broken ah!" Kantiyaw naman ng isa.
Naniniwala talaga sila sa mga ganoon? Na sa tuwing nagpapagupit, broken hearted? Well, she's partially correct. Broken hearted nga naman ako.
Napalingon ako sa upuan ni Kirsty. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad naman itong bumawi ng tingin. Lihim akong napangiti. Did I affect her? I think my new looks affected her!
Hmm. Mukhang magandang idea rin pala itong kalukuhan ng kapatid ko at ni Chantelle.
Kung ano ang naging reaction ng mga kaklase ko ganoon din ang naging reaction ng adviser ko. Pailing-iling itong ngumiti at marahan na tumawa sa itsura ko.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...