Chapter 4: Official

144 43 179
                                    

Pinagsisisihan. Tila isang sirang plaka iyon na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Hindi pa rin mawala-wala ang mga katagang binitawan ni Kirsty sa akin kanina.

Halos kinain ang buong sistema ko ng mga masasakit na salitang iyon dahil blanko ang isipan ko hanggang ngayon. Kanina noong kumakain kami ni ate, parang isa akong balahibong nagpapatianod sa ihip ng hangin sa sobrang lutang ko. Hindi ko nga masagot nang maayos ang mga tanong nito. Nauutal-utal pa ako.

Kaya hindi ko rin masisisi si ate at maitago rito ang nararamdaman ko. Alam ko rin sa sarili ko na kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko dahil kung hindi sasabog ako. I might lose myself in the process.

Pagkatapos ng hapunan, napagdesisyunan kong tumambay sa balconahe at magpahangin. Hindi ko na rin pinilit ang sarili kong mag-advance study sa lessons ko dahil wala rin akong mapapala.

Ilang malalim na hininga pa ang pinakawalan ko habang nakatingin sa kawalan bago ko pinansin ang presensya ng kapatid ko.

"Parang malulunod ata ako sa lalim ng buntong hiningang 'yan," puna nito at tumabi sa akin. Hinimas-himas ang likod ko.

I know she's trying to comfort me at the same time respecting my silence. Hindi ito nagtatanong dahil mas gusto nitong ako ang mag-open up ng problema ko.

Binalingan ko si ate at binigay dito ang buo kong atensyon. Ngumiti ako nang malungkot habang pinipigilan ang namumuo kong luha sa mga mata.

"Gano'n ba ako kahirap mahalin, Ate? Napasobra ba ako sa pagmamahal na binigay kay Kirsty?" Nanginig ang boses kong tanong sa kapatid ko.

Ngumiti ito ng malungkot at tumingala sa kalangitan. Tinaas ang isang kamay at inabot ang di kabilugang buwan.

"Hindi ka mahirap mahalin. Ang mahirap ay iyong pilit nating minamahal ang taong ayaw sa atin." Makahulugang sagot nito at ginagap ang kamay ko.

"Walang mali sa 'yo at mas lalong walang mali sa pagmamahal mo."

Dahil sa mga sinabi nito, tila nasa isang paligsahan na nagsiunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Marahas kong pinahid iyon. Ayokong umiyak. Hindi ako mahina!

"We can't please people, Kai. And we are not born to please others. A love that makes you question your worth is not love at all," dugtong nito.

"Ang sakit lang kasi, Ate. Ayoko ng ganitong sakit. Nakakatakot."

Ganito pala ang nararamdamn ng mga umiibig. Parang binibiyak ang puso nang paulit-ulit.

"I've been there. But I want you to know that your feelings, your pain, even your fears, they are all valid, Kaia. Feel the pain and cry everything out but never dwell on that era of your life. Learn to let go, move on and live." My sister reached for my hand and looked at me with a sad eye before standing up.

Naiwan akong nakatulala ulit doon, nag-iisip nang malalim. Tila nawaglit ang sakit na nararamdamn ko dahil sa mga sinabi ng kapatid ko.

I just realized that a lot of people deal with different kinds of pain and all are great in coping up. Gusto kong tularan at sundin si ate, alam kong mahirap pero makaka-move on din ako.

Natural lang namang makaramdam ng sakit mula sa pag-ibig pero dahil sa mga sinabi ni ate na-realize ko ring masyado pang mababaw ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa sakit na nararamdaman ng matatanda pagddating sa pag-ibig. But all pains are valid.

Pabalik na sana ako sa loob nang biglang tumunog ang notifications ko. Tiningnan ko iyon at kunot noong binuksan ang Facebook app. Someone sent me a friend request. I opened it only to see a name 'Archie Jalandoni'.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon