Chapter 16: Ayayay Pag-ibig

33 7 17
                                    

Maagang umuwi ang kapatid ko dahil sa sinabi kong dinner invitation nila ni Archie. Hindi ko maintindihan pero parang mas excited pa siya sa akin.

Kasalungat niyon ang nararamdaman ko dahil kanina ko pa nararamdaman ang panlalamig na nabubuo sa aking sikmura. Hindi rin ako mapakali sa inuupuan ko habang inaayusan ako ni Ate.

Alam kong hindi naman kailangang mag-ayos ng sobra-sobra pero ano ba panlaban ko sa mapagpumilit kong kapatid?

"You should wear something classy!"

"Ate, hindi naman kailangan!" Malakas na kontra ko nang ipakita nito ang isang satin dress na kulay champagne.

Hindi party ang pupuntahan ko!

"Kaia, we're talking about meeting the parents here. You should leave a striking impression!" Isang venus-cut na kulay gold na naman ang kinuha nito sa closet ko.

Napangiwi agad ako nang makita iyon. I can't imagine myself wearing that!

"Ewan ko sa'yo!" Nilampasan ko ito at pumili ng damit na mas komportable akong suotin.

"Makinig ka nga sa akin! Ate mo 'ko!" Pilit nitong sinara ang closet ko.

"Maghanap ka ng boyfriend at ikaw magsuot niyan!"

---

Buti na lang at maagang dumating ang driver nila ni Archie para magsundo sa akin kaya nakatakas ako sa mga kamay ng kapatid ko. Sa huli, kagustuhan ko pa rin ang nasunod.

"Ready, Ate?" Nakangising bungad ni Chantelle nang makapasok ako sa sasakyan.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil kasama ko ito ngayon. Hindi ko alam kung makakarating ba ako sa mansion nang mag-isa, siguro agad na uurong ang buntot ko.

Habang papalapit kami sa kanila, domoduble rin ang tibok ng puso ko. Halo-halong emosyon ang tumigil doon.

Nararamdaman ko ring unti-unting pinagpapawisan ang mga palad ko. Natural lang bang makaramdam ako ng ganito?

Biglang tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nila ni Archie. We're here!

Humugot ako nang malalim na hininga bago sumunod kay Chantelle na bumaba sa sasakyan nila.

I examined my wristwatch to see the time. It's seven-thirty in the evening. Msyado ba kaming maaga o late kami? Inayos ko ang aking kasuotan bago ito pinasadahan ng naniniguradong tingin.

'Phew! Time to fix yourself, Kaia! Umayos ka!'

"They're here!" Narinig kong anunsyo ng isang pambabaeng tinig habang papasok kami sa loob ng bahay. It must be their mom.

When we finally reached the inside of their house, my eyes instantly looked for Archie. I sighed a relief when my eyes found him walking to our direction, smiling widely.

He reached his hand for me. I did not think twice and just accepted it. I grasped it tightly as if my strength depended on it. Kinakabahan talaga ako sa hindi malamang kadahilanan.

"You're nervous? Ang lamig ng kamay mo," he said after kissing my temple. Biglang lumukso ang puso ko sa gesture nito pero pilit na kinakain iyon ng matinding pintig ng puso ko.

I searched for his eyes and nod my head slowly. Shit. Ano ba itong behavior ko ngayon?

I felt his arms slipped on my waist before walking me to the dining.

"You'll be fine. I promise." He assured me. And it only took one second for me to believe his words.

"Good evening!" Agad na bati ng nakangiting nasa late forty's na lalaki. Agad kong nahulaan na ito ang daddy nila dahil sa features na kahawig ng kay Archie lalo na ang kanilang ilong. Ang mga mata nito ay pareho ng kay Chantelle.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon