Chapter 11: Chopsuey

61 24 39
                                    

Finally, back to school na ako. I have to admit na-miss ko ring pumasok. Buti na lang at mabait ang president naming dahil binigyan niya ako ng notes sa mga subject naming kaya medyo updated ako sa lectures namin.

Magkaklase naman kasi kami nito 'nong Junior High at medyo close rin kami rati. Well, before Kirsty came in the picture.

Pero may isa paakong problema. Ang Research Proposal namin sa Rsearch I. Ngayon ang deadline 'non kaya kinakabahan ako kung na-print ba ng isa kong ka-grupo. Noong isang linggo ko pa binigay sa kanya iyon eh.

Wala kasi akong update na natanggap mula sa kanila this past few days kahit ilang beses na akong nag-chat sa GC namin. Seen lang silang lahat pati si Kirsty na ka-grupo ko rin.

Naglalakad ako sa corridor nang makatanggap ako ng text. I examined my phone only to see a message from Archie. Ano na naman kaya ang hirit nito ngayong araw?

From Archibald:

Big day today. Are you watching? Would appreciate it if you'll watch. *finger heart*

Natawa ako sa naka-sulat na finger heart. Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Come to think of it, marami rin pala akong matutunang hirit mula rito.

Basketball game nga pala ngayon between SHS and JSH Boys. Basta talaga Basketball binibigyan ng time ng school eh. For sure, watak-watak na naman mga estudyante nito.

To Archibald:

Sorry. Can't go. Need to catch up with my missed quizzes. God luck! Xoxo.

I immediately hit send only to realized what I just wrote at the bottom part. 'Xoxo'? Ay pakshet!

I am in panic now. Baka ano ang isipin ng kumag na iyon. Dali-dali akong nag-compose ng message para bawiin ang text ko.

To Archibald:

Joke yung xoxo

Napapikit ako ng mariin. Sana naman tanggapin niya at maniwala siya. Literal na napatalon ako sa gulat dahil sa tunog na nagmula sa cellphone ko. Nagdadalawang-isip na basahin iyon.

Ayoko! Baka mapahiya ako sa reply nito. Gago pa naman iyon paminsan-minsan.

But my curiosity got the best out of me. I fished out my phone from my pocket.

From Archibald:

Funny ka!

Mahinang napatawa ako nang mabasa ang reply nito. tila nakaramdam ako ng kiliti sa ibaba ng dibdib ko. Typical Archie.

Pailing-iling ako habang nagpatuloy sa paglalakad papuntang classroom. Oo nga pala! Iyong early dilemma ko!

Agad kong nilagay ang bag ko sa upuan ko nang mkaapasok sa classroom. Buti na lang at wala pa teacher namin.

Naglilinis din ang iba naming kaklase samantala ang iba, nagkumpulan sa isang parte at nag-uusap-usap. I immediately went to Kirsty to ask her about our Research Proposal.

Kinapa ko ang kalagayan ng puso ko habang papalapit dito. It was beating peacefully. Parang unti-unti na itong naghihilom pero nandoon pa rin ang konting kirot.

Tamang-tama, kasama rin nito si Lyka, ang naka-assign na mag-print ng proposal namin.

"Hey, Guys. Kakamustahin ko lang ang proposal natin," simula ko nang tuluyan nang makalapit.

Tinaasan ako ng kilay ni Kirsty habang nag-iwas ng tingin si Lyka dahilan para mapakunot-noo ako sa kanila.

"Okay naman siya, Kaia. Actually nabigay na namin kay Miss. Iyon nga lang wala ang name mo." Diretsa at mataray na imporma ni Kirsty.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon