Chapter 26: Sucker Punched

27 6 21
                                    

Time seems fleeting until you have nothing else to do.

Tatlong araw akong pinagpahinga. Pangatlong araw na ngayon pero nagdesisyon na akong pumasok. Wala naman na akong lagnat at halos hindi na ako mapakali sa bahay.

Another thing, I didn't hear anything from Archie. Walang text, walang tawag pero may pa 'I love you' siya roon sa isla.

I didn't know but after I heard their conversation that night, I became suspicious of everything. Even the small thing, I overthink and it was not healthy anymore.

I must confront Archie but I'm scared. I'm scared that I might get hurt and I might lost myself in the process.

I really hate secrets. Secrets are potential lies and the lies coming from the guy I love are potential heartbreak.

Another heartbreak's coming but 'twas signal number one. Hindi ko yata kaya.

Pero alam ko namang kaya pang iwasan kung pag-uusapan. Sabi nga, the key to a successful relationship is communication.

But everything boils down to my fear of confrontation. I was traumatized by it. The last confrontation I had was with Kirsty and it almost cost me my life.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Ano, lunod ka pa rin?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Pinagmasdan kong umupo si Kayla sa kaharap kong upuan bago nangalumbaba sa mesa.

Nasa library kami ngayon nakatambay dahil wala na kaming klase. Naririnig ko pa ang tunog ng bawat pahina ng librong binubuklat ng kaibigan ko.

The library was supposed to be peaceful, calm and comforting but as of the moment it mirrored the melancholy inside me. 'Twas cold and lifeless, maybe because it housed few people righ now.

"Nakakatakot palang ma in love 'no," sabi ko at bumuntong hininga.

Napatigil si Kayla sa ginagawa at napatingin sa akin.

Napabalikwas naman agad ako sa aking upuan dahil sa huni ng nahulog na mga libro.

"Wala! Kunyari nagulat ako na in love ka para naman may dramatic effect," natatawang sambit ni Crissa habang pinupulot ang mga 'nabitawang' libro.

"Yawa!" I hissed and rolled my eyes at her.

"That's for real, ghorl! Nagsisimula ka nang matakot, ibig sabihin, totoong pag-ibig na 'yan. Mataas na lebel ng pagmamahal." Napangisi naman agad ako dahil sa mga salitang binitawan ni Kayla.

"Sabi nino?" panuyang tanong ko pero napapaisip rin sa mga sinabi niya. The feeling of animosity immediately went straight to the drain.

"Sinong philosopher na naman ang kinopya mo?" nakangising tanong naman ni Crissa habang umuupo sa tabi ko.

"Break na kami mga 'tol!" Napatigil kaming tatlo sa pag-aasaran dahil sa umiiyak na si Vince. Umupo siya sa tabi ni Kayla.

Daig pa niya ang batang inaway ng kalaro at agad na nagsusumbong sa nanay.

"Anong bago, Vicenta? Break kayo ngayon, tapos bukas kayo na naman? 'Wag kami uy!" Pinandilatan siya ng mga mata ni Crissa at inambahan pang suntukin.

"Ulol!" sambit ko at ginaya pa ang tono niya kanina.

"Mga gago! Wala talaga kayong kwentang mga kaibigan!"

"Hoy! Hinaan mo nga boses mo!" Bigla naman siyang simabunutan ni Kayla.

"Tara, 'tol. Samahan kitang umiyak," natatawang alo ko kay Vince at tinapik ang kanyang balikat.

"Break din kayo?" Biglang tumigil sa pag ngawa si Vince at binalingan ako. Nice!

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon