Chapter 10: Sagradong Altar

53 26 38
                                    

Pagkatapos namin sa pagsuskat at pagbili, agad kaming bumalik sa bahay para maghanda sa gaganaping Parada el Traje kung saan maglalakad ang lahat ng gustong mag-participate mula sa boundary ng city papuntang simabahan na nakasuot ng mga sinaunang kasuotan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. 

Malaki rin kasi ang kontribusyon ng mga Kastila sa pag-develop ng kultura ng Silay.

At dahil sasali ang buong pamilya ni Archie, kasama din ako doon.

'Pamilya na kayo, Ghorl?'

Kaya sa ayaw ko man at sa gusto kailangan kong magsuot ng Traje de Mestiza. Iyon ang dahilan kung bakit kami namili at bumili ng bakya sa palengke kanina.

Kaya ito kami ngayon ni Chantelle sa kwarto niya busy sa make-up session namin. Wala akng alam sa pagme-make-up maliban sa tinuro nilang pagli-lip tint kaya hinayaan ko na lang si Chantelle na kulayan ang mukha ko.

"Hindi ata si Kirsty ang threat. Ikaw ata Chantelle." Napalingon kaming dalawa ni Chantelle sa pinaggalingan ng boses.

Nakita ko si Archie na prenteng nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan kami. Nakatukod ang kanang kamay nito sa hamba ng pinto.

Ito na naman siya sa pinagsasabi niya. Hindi ko na naman gets.

Nagiging bobo na ata ako.

"Shut up, Kuya! Just go back to your room and fix yourself." Pagtataboy ni Chantelle at binato pa ang kapatid ng nilamukos na tissue.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Nakakaliw silang tingnan dahil hindi naiiba ang bond nilang magkapatid sa bond namin ni Ate Kora.

Nang mapalayas namin si Archie, naging engrossed na si Chantelle sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko.

"Where did you learn this skill, Chantelle?" curious na tanong ko habang nakapikit. Lalagyan daw ako nito ng fish eye.

"Video tutorials lang." Narinig kong sagot nito. I can sense the concentration form her voice.

"Ayan. You're good!" pinasadahan ako nito ng tingin at satisfied na binigyan ako ng thumbs up.

Kinuha ko agad ang kulay pink nitong salamin na nakapatong sa mesa para pagmasdan ang istura ko. Manghang napatingin ako doon.

I can still see a piece of myself behind that make up. hindi din naman makapal iyon. Sakto lang. Agaw pansin ang kulay ng eye shadow ko. From sunset pink to pastel pink iyon.

Mahilig nga naman talaga sa pink si Chantelle. Pati lipstick ko, shade din ng pink eh.

Sinuot ko muna ang Traje de Mestiza na mayroong combination ng tatlong kulay. Puti, Peach at Black. Pinasadahan ko muna iyon bago tuluyang sinuot.

Comportable naman sa balat ang tela niyon. Magkasamng lace, satin at translucent pineapple fiber. Halatang-halata na mamahalin. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang biro ni Archie kanina.

"Nagmula pa yan sa pang-apat na henerasyon ng pamilyang Jalandoni. Pang dalawampu't dalawang henerasyon na kami ni Chantelle. Ingat ka, minsan pumapasok ang kaluluwa ng may-ari niyang gown sa susunod na susuot."

Kung hindi ito hinampas ni Nana sa balikat, maniniwala na sana ako. Lokong 'yon. Pinasadya daw ito ni Nana para kay Chantelle pero dahil malaki, sa akin napunta. Tamang-tama rin daw dahil unexpected naman ang pagsama ko dito.

Ang hindi ko lang matanggap ay ang doble-dobleng kapal ng skirt o tamang tawaging saya. Kulay itim ito na may accent ng kulay peach at bell-shaped ang cut nito kaya hanggang sahig ang haba. Buti na lang at medyo mataas ang bakyang napili ko dahil iyon lang ang kasya sa akin. Okay na rin dahil hindi ko maapakan ang palda.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon