Chapter 17: Exclusive

29 8 14
                                    

Tahimik lamang kaming dalawa ni Archie habang bumabyahe papunta sa bahay. Ayaw ko na sana itong sumama pa pero nagpumilit ito kaya wala na rin akong nagawa.

Pareho kaming nagpaparamdaman. Walang gustong magsalita.

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mga binitawang salita ni Kirsty sa Cafeteria kanina. Dagdagan pa ang mga huling bilin ni Tita Chara sa akin.

Should I confront it now? Or should I allow time to figure this out?

Gulong-gulo na isip ko kaya pinili kong manahimik na lang kahit humahangos na parang may paparating na bagyo ang puso ko.

Tumikhim ito sa tabi ko kaya napa-ayos ako ng upo. I heard him chuckled because of my sudden reaction.

"You curled your hair," puna nito. Bakit ngayon niya lang napansin? Kanina pa kami magkasama!

"Si Ate Kora kasi." I pouted. Hindi na ako nagreklamo pa kanina dahil baka masunog ang buhok ko. Binigyan nito ng beach curls ang bob kong buhok.

"It looks good on you, actually," diretsang sambit nito. I gasped because my heart summersaulted three times.

"Salamat. Kahit mukha akong trying hard na bakla."

Tumawa ito. Ah, music to my ears. Bakit bigla na lang lumiko sa ibang direksyon ang bawat reaction ko sa mga galaw ni Archie?

Naiirita ako sa mga ganito dati ah!

"And you wore a skirt." Pinasadahan nito ang suot kong maong skirt. Agad na lumapat ang dalawa kong palad sa aking legs. Medyo umaangat pa naman ang skirt ko dahil naka-upo kami.

Tumawa na naman ito. "Oh, and you wore a button down top!" Puna na naman nito.

"Enough ka na ah!" Saway ko at inirapan ito. Tawa lang ito nang tawa.

Ang tagal naman naming makauwi!

"And your Sperry Top-Siders are killing me!"

"Hoy! Tama na Archie!" Lumayo ako dito nang bahagya. Bakit biglang bumilog ang boses nito? Parang biglang naging sexy sa pandinig ko.

'Ano ba nangyayari sa'yo, Kaia? Ano, nalasing ka sa pagsip-sip mo ng wine? Ulol!'

"You are beyond gorgeous, Baba," He stated not looking at me this time. Kahit dim ang lights ng kotse, naaaninag ko pa rin ang gumapang na kulay pula sa pisngi nito.

"Namumula ka. Crush mo na ako 'no?" Natatawang tudyo ko dito. Ang cute niya pag nagba-blush. In fairness, dumagdag iyon sa sex appeal niya.

'Hoy, Kaia! Ikaw ang enough na!'

"Dati pa naman," diretsang sambit nito at tinitigan ako ng puno ng paghanga.

'Shit! Wrong move, Kaia! Checkmate ka!'

Napalunok ako at tahimik na umiwas ng tingin dito.

Instead of reaching my house, Archie and I ended up sitting on a wooden bench facing the giant concrete humpback whale at the heart of the City Park. The animal who made this city famous.

Buti na lang at konti lamang ang taong tumatambay dito ngayon. I hate to admit it, most are lovers. Tsk.

We were eating Cornetto that he bought from a convenience store across the park.

"Kalat na naman." Automatic na lumipad ang kamay ko papunta sa gilid ng aking bibig. May kalat nga.

Napaka-observant nitong kasama ko.

Lihim na pinagmasdan ko ito. Amused itong nakatingin sa isang batang lalaking masayang hinahabol ang mga water bubble na nagmumula sa laruang hinihipan ng kuya nito.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon