Napangiti ako nang marinig ko ang tilaok ng mga manok at huni ng mga ibon sa paligid. A sweet lullaby that would probably brightens your day. I slowly opened my eyes and examined my sorroundings. Kakaiba talaga ang buhay sa probinsya.
Maaliwalas ang paligid at katamtaman lamang ang liwanag na nagmumula sa malawak na bintana. Kinapa ko ang aking cellphone para tingnan ang oras, it was five o'clock in the morning. Tamang-tama lang sa napagkasunduan naming lahat kagabi.
Napatingin muna ako sa kisame habang binabalikan ang mga nangyari kagabi. My heart thumped fast when the memories of last night crashed my mind like a strong sudden waves.
Jusko! Palala ng palala ang kaguluhan sa utak at puso ko. Kaya ko pa bang kontrolin ang kahiwagaang ito? Kakayanin ko!
Unti-unti na ring gumagalaw si Chantelle na siyang kasama ko sa kwarto tanda na nagigising na ito mula sa napakagandang tulog.
Pupunta daw kami kasama ni Nana sa 'merkado'. Meron daw kaming importanteng bibilhin na kakailanganin namin mamayang gabi.
Hindi na ako nagtanong pa. Sumunod na lamang ako sa itinerary namin. Tango lang ako nang tango sa mga sinasabi ni Chantelle. Sobrang clouded pa rin ng pag-iisip ko dahil sa mga pangyayari kagabi.
Hindi rin ako masyadong pinatulog ng isipan ko. Napaka-active at likot nito kagabi habang nakahiga na kami ni Chantelle. Okay sana kung mga kababalaghan ang nasa isipan ko, pero puro naman pangyayari na kasama ko si Archie. I was also expecting to meet the old lost souls of this house in my dreams pero si Archie pa rin ang nandoon.
Walang thrill! Tsk!
Ilang beses akong napapailing at napakamot sa ulo habang pinagmamasdan ang mga damit na dala ko. Hindi ko na dapat pa pinagkatiwala kay ate ang pagliligpit ng gamit ko eh!
Kung hindi dress ang laman ng luggage ko, mga sexy na blouse and short shorts ang laman. Magmumukha akong trying hard na Barbie doll nito eh! Kahit sana isang jeans lang, nilagyan niya ang luggage ko.
Naka-tapis pa rin ako nang lumabas si Chantelle. Bihis na bihis na ito at ang fresh nitong tingnan sa kulay pula nitong jump shorts.
"Hindi ka pa bihis, Ate?" umupo ito sa kama para suutin ang puting Vans sneakers nito.
Amused na pinagmasdan ko ito. Syempre yung walang halong pagnanasa ah. Isang nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin ko kay Chantelle kaya siguro napaka-komportable ko lang pag kasama siya. I don't need to pretend or put up any façade. I am just me.
Isa pa hindi ako mahilig sa mga mas bata sa akin. Mas gusto ko yung ka-edad ko lang o nakakatanda sa akin ng isang taon. Si Vince talaga ang tirador ng mga Junior High eh.
Eh kung si Archie? Magka-edad pala ha!
"Patulong naman sa susuotin ko, Chan. Hindi ako komportable sa mga pinadala ni Ate eh." Agad namang tumayo si Chantelle at tiningnan ang luggae ko.
"Ito na lang suotin mo, Ate Kai." Inabot nito sa akin ang napiling damit. Floral dress iyon na kulay peach. Napangiwi agad ako pero tinanggap ko na rin kasama ang isang skin-toned na cycling shorts. Wala na akong magawa pa.
Kahit kailan talaga pahamak 'yung kapatid ko.
Agad akong pumasok sa banyo para magbihis. Ilang beses ko pang tiningnan ang saili ko sa salamin. I really felt strange wearing this kind of clothes pero maganda naman siyang tingan sa katawan ko. Three inches above the knee ang haba nito.
Ang hindi lang matanggap ng paningin ko ay ang parte na malapit sa dibdib ko. Masyadong fit kaya nae-emphasize ang boobs ko.
Buti na lang at meron siyang puffed sleeves kaya hindi masyadong seksi. Pikit-mata akong lumabas at winaglit na lamang sa isipin ko ang itsura ko.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...