"Hoy, tumigil ka na sa pag-iyak d'yan!" Saway ng kapatid ko habang busy sa pag-check ng mga test papers ng mga estudyante nito.
Guro sa pinapasukan kong school si Ate Kora at Junior High ang tinuturan niya. Kaya kailangan ko pang maglakad ng ilang metro mula sa Senior High Building papuntang Junior High building sa tuwing pupuntahan ko siya.
"Ate naman kasi!" Ngawa ko sa tabi nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinagpalit ako ni Kirsty sa isang lalaki.
"Umayos ka nga! Daig mo pa ang batang inagawan ng kendi!" Natatawang saway nito.
Inagawan naman talaga ako!
"Pinagsabihan na kita dati pa. Pero kahit ganu'n ang sitwasyon mo supurtado pa rin kita syempre dahil aside sa pinaniniwalaan kong identity crisis pa rin iyang pinagdadaanan mo kahit seventeen years old ka na, mahal pa rin kita at tanggap kita kung ano ka man." Pag-aalo nito sa akin pero hindi pa rin inaalis ang atensyon sa ginagawa.
"Pero ate, mahal ko eh!" Pamimilit ko pa rin. "Ate ano na gagawin ko ngayon?"
No matter how long or how nerve-wracking her advices may be, it will always boil down to, 'Pero mahal ko eh!'
Agad itong tumigil sa ginagawa at binaling ang atensyon sa akin.
"Alam mo, sarap mong sapakin sa puwet! Iyon ang desisyon ni Kirsty. Wala ka nang magagawa du'n. Ang tanging magagawa mo ay ang mag move-on!"
"Hindi naman ganu'n kadali!" Kontra ko. "Palibhasa kasi wala kang alam sa pag-ibig!" Kantiyaw ko sabay pahid ng ng mga luha ko.
No boyfriend since birth si Ate Kora at hindi ito nagpakita ng interes sa lalaki man o babae kahit ngayong may trabaho na. Kung ano man ang dahilan, iyon ay hindi ko alam.
"Hoy! Judger ka, Cyst? Hindi ba pwedeng allergic lang ako sa pag-ibig na 'yan? It will never do me good!" Depensa nito.
"Ate! Ano na ang gagawin ko?" mangiyak-ngiyak na namang tanong ko dito.
"Isa pa talaga, makakatikim ka na sa akin, Kaia Antonette! Kagabi ka pa ah." Banta nito at sinambit pa ang buo kong pangalan. Agad naman akong pumalatak at napatakip sa tainga ko nang marinig ang pangalan kong buo.
"Ate! Kirby, okay! Kirby ang itawag mo sa akin!" Saway ko dito at pinanlakihan ng mata. Buti na lang at vacant time ngayon kaya walang mga estudyante sa room nito.
"Kirby ka diyan! Kaia Antonette Zamora ang nakasaulat sa birth ceritificate mo!" natatawang kantiyaw nito at benelatan ako. Minsan talaga napapaisip ako kung teacher ba itong kaharap ko eh.
Maya-maya ay humugot ito ng malalim na hininga at tumigil sa ginagawa bago ako binalingan.
"Honestly, you are more beautiful than Kirsty. Kung pagsamahin kayong dalawa, ikaw ang unang mapapansin ng mga lalaki. It's just that she's more feminine than you," she said in matter-of-fact tone.
Marahas akong napailing at tinaas ang isa kong palad para pigilan itong pagsalita pa.
"Don't go there!" sansala ko. Alam ko na ang patutunguhan ng topic nito.
Lalaki akong gumalaw pero babaeng-babae pa rin ang hubog ng katawan ko and I hate it.
"I'm just stating facts Kai. Look at you, you stand like you're being cut out from a fashion magazine. Your waist shaped like that of a top model." Puna nito at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Kinikilabutang napanguso ako dito. Ayokong marinig ang mga ganitong usapan!
"Biniyayaan ka rin ng mayayamang dibdib. Sana all! Bakit sa akin hindi?" Dugtong nito at sinilip ang sariling dibdib mula sa uniform nito.
Napailing na lang ako sa ginawa nito. Buti na lang at kaming dalawa pa lang ang nandito sa classroom niya.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...