Chapter 7: Confused

118 36 94
                                    

Nanalo nga kami sa dance competition kahapon. Sobrang daming Junior High students pa ang nagpa-picture sa akin pagktapos ng announcement of winners. Trending din sa school ang bagong Ms. Intramurals. Palagi talagang nagkakaroon ng instant celebrities sa school after Intramurals eh.

Nakapagpaalam na rin kami kay Ate Kora na sasama ako sa bakasyon nila ni Archie. Ang buong akala ko hindi ako papayagan ni ate dahil hindi ko pa naman nasusubukan ang mag-out of town na hindi siya kasama pero ewan ko ba at parang mayroon yatang gayuma ang bawat salita ni Archie dahil napapayag niya ang kapatid ko.

"Tumalab din ba sa iyo ang gayuma, ghurl?" I rolled my eyes after hearing that voice. Lumala na rin ata ang utak ko.

Supportive din itong kapatid ko dahil siya pa mismo ang nag-ayos ng mga damit na dadalhin ko. Pati paglagay sa maleta siya na rin dahil baka marami raw akong makalimutan. Ano ako Grade 1?

Usapan namin ni Archie na seven in the morning kami babyahe kaya maaga pa akong ginising ni ate dahil nakakahiya daw paghintayin si Archie. Pero ilang minuto rin ang tinagal ng bangayan namin dahil sa gusto nitong ipasuot sa akin.

Sa huli siya pa rin ang nasunod. Mukha nga lang akong nagbibinatang bakla sa suot kong kulay mustard yellow na off-shoulder at grandmother jeans. Gusto pa sana nitong paresan ko ng block heels pero nagwagi pa rin ang white loafers ko. Naghabulan pa kami dahil gusto ako nitong lagyan ng hair clip na inaayawan ko naman. I wore my hair into a half messy bun.

"Mag-iingat kayo. Huwag mag-drive nang mabilis. Tsaka bawal mag MOMOL pag kayong dalawa lang!" My nose wrinkled because of what my sister said.

Pinanlakihan ko naman agad ng mata si ate habang tumatawa lang si Archie habang nilalagay sa likod ng dala nitong BMW. Hindi niya kasama ang driver nila ngayon dahil susunod lang si Chantelle sa amin.

Minutes past, I found myself seated at the shotgun seat. I took a glimpse of Archie beside me, seryoso ito sa pagda-drive at naka-focus lang ang atensyon sa daan. My eyes crawled down to his arms gripping the steering wheel, veins were evident.

"Please, stop staring. You're distracting me." He lifted an eyebrow and chuckled.

Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. Why the hell am I checking him out?

"When did you learn how to drive?"

"Oh, when I was in eighth grade, I guess? Kuya Arthur, our driver taught me how, even though my parents were against it. Sa huli wala rin silang nagawa." He glanced at my direction and smiled.

Ang haba ng paliwanag nito sa simple kong tanong lang. Tumango lamang ako kahit hindi naman nito makikita.

"Ahm. We can switch if makaramdam ka ng pagod." I suggested. Syempre alam ko rin mag-drive dahil tinuturuan din ako ni ate pag may free time siya.

His right brow shot up, "Do you have a license, Miss?" He asked amused.

"W-wala. Pero marunong akong mag-drive. Pramis!" Depensa ko at tinaas pa ang kaliwang kamay.

"Sorry. I can't allow you to drive." Umiling-iling ito at tumawa na naman nang mahina.

Yabang! Porket may student license siya! Kukuha din ako pag nag-eighteen na ako! Humanda siya!

"Natahimik ka diyan," puna nito maya-maya.

"Wala!" Pagmamaktol ko at humalukipkip.

He pursed his lips and ruffled my hair not leaving his eyes on the road. Agad ko namang tinabig ang kamay nito at inayos ang buhok kong nagulo na dahil sa ginawa nito.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon