Tama nga ang hinala ko. Malaking gulo ang pinasok ko. Naku, hindi pa nga ako tapos sa isa, meron na namang bago.
Nagreklamo sa barangay ang magulang ng lalaking binugbog ko kaya hinarap namin ni ate kasama ang Principal namin na kababata din ni ate kaya medyo may kapit ako.
Alam kong napasobra ang ginawa ko pero pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko sa paraang alam ko.
Impulsive ako, inaamin ko naman iyon. Pero sa pagkakataong ito, walang masama sa ginawa ko.
Sa huli, nakipag-ayos din ang ina ng lalaki dahil ayaw nga naman niyang makulong ang anak niya n'ong sinabi ni ate na magpapa-blotter siya sa pulis.
Alam kasi ng ina na makukulong talaga ang anak niya dahil aside sa pambabastos, may mga records na ito sa pulisya.
Sinigurado lang ni ate na hindi na ako gagalawin o higantihan ng lalaki. Ang kinakatakot daw kasi ni ate, eh baka magdala ito ng grupo sa school at abangan ako.
Pagkatapos namin sa barangay, kinausap din ako ng Principal. Akala ko may kapit na ako, akala ko lang pala. Bibigyan ako ng disciplinary action dahil kahit nasa labas nangyari ang gulo, suot ko pa rin ang uniform ko at classs hours pa.
Gusto ko sanang sabihin na kasalanan ng school dahil class hours pa nga pero open-gate na, syempre lalabas talaga ang mga estudyante. Pero tumahimik na lang ako at hinayaang ang ate ko ang sumagot sa Principal.
Baka kung anu-ano pa ang masagot ko eh. Mahirap na at baka lumaki pa ang consequence ko.
May isa pang rason kung bakit tumahimik na lang ako. Alam ko kasing may third wave pa ito. Wala pa akong narinig sa ate ko. Alam ko ring kumukuha lang ito ng buwelo.
Masayahing tao si Ate Kora. Halos hindi nga marunong magalit eh pero alam ko rin namang bawat pasensya may dulo at hangganan. Kaya hinanda ko na sarili ko.
Ang akala ko talaga papagalitan ako ni ate pero kasalungat n'on ang nangyari. Pagdating namin sa classroom nito, tumawa ito nang malakas at halos naluluha na.
Naguguluhan ako sa inaakto nito kaya tahimik lang akong nakamasid dito.
"Sorry po," nakayukong sambit ko. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko anticipating for the worst.
"Bigla kang naging maamong tupa diyan!" Natatawa pa ring puna nito at umupo sa kanyang teacher's table. Naguguluhang tinapunan ko ito ng tingin.
"At least alam mong mali ka. It's settled so what's with that face?"
Bumuntong hininga ako bago kumuha ng upuan at hinarap ito.
"Ano ang disciplinary action ko?" Mahinang tanong ko kay ate. Huwag naman sanang mabigat.
"You're not allowed to attend the night affair this intrams..." Pagsisimula ni ate at pinagsiklop ang dalawang kamay at nag-isip pa.
Ibig sabihin meron pa? Okay lang din naman sa akin na hindi makapunta sa night affair. Pageant lang naman ang activity. Mabo-bore lang ako. Buti na lang at afternoon affair ang dance competition.
"Iyon lang?" Curious na tanong ko pero kinakabahan na rin lalo na't mahina itong umiling.
"You are going to be suspended for 3 days next week." Nagkibit balikat ito at binuksan ang laptop.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Ano? Suspended agad? Ganoon kalaki ang nagawa kong kasalanan? Paano na ang quizzes at reports ko!
"Ate naman!" Pagmamaktol ko at nagwala sa upuan ko na parang batang ayaw nagta-tantrums.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...