Chapter 35: Dead

22 3 0
                                    

Weeks past but those coffee brown eyes stayed with me like a phantom in the night. Those eyes haunted me from the day I rise to the night I ease and even to the depth of my dreams. 

I really wanted to know what really happened. Why did they vanish like a thin smoke of air?

Oh, good heavens! It has been twelve years but I was still a prisoner of endless questions swirling inside my head.

Kung sa bagay, sabi nga nila, magbago man ang panahon o ang ikot ng mundo, ang tibok ng puso at ang totoong pag-ibig ay mananatili. Kaya siguro ang bilis kong maniwala sa mga nakikita kong nagpapaalala sa akin kay Archie dahil magpahangang ngayon siya at siya pa rin ang nasa puso ko.

Or maybe… I refused to accept the fact that he’s been long gone and I needed closure.

Ang hirap naman kasing tanggapin ang katotohanang ito. Hindi ko na alam!

Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na hanging dumampi sa katawan ko. Hinigpitan ko rin ang kapit sa plastic cup na naglalaman ng aking kape na parang doon nakasalalay ang buhay ko ngayon.

Katatapos lang ng rounds ko, may tatlong oras ako na pahinga pero mas pinili ko ang tumambay ngayon dito sa rooftop para makapag-isip.

“Ang lalim yata ng mga buntong-hininga mo?” Hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin para makilala ang boses na iyon. Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.

At some point I felt comforted by Rio’s mere presence beside me. I couldn’t help but lay my head on his broad shoulder.

“Pagod lang siguro,” wala sa sariling sambit ko at siniksik pa ang sarili sa kanya. Ang ginaw lang talaga, dulot ng panahon o dulot ng puso kong dinurog ng kawalan.

“Rest, then. You can have my shoulders, I don’t mind.” Naramdaman ko ang paglakbay ng kanyang daliri sa noo ko pababa sa aking taenga at inipit doon ang mga nakawala kong buhok.

‘Rio… kung kaya ko lang sanang turuan ang puso ko. Pero ayokong maging unfair dahil sa ating dalawa ikaw ang pinakamasasaktan. You don’t deserve a woman who is a prisoner of her past.’

Pinikit ko ang aking mga mata at agad akong sinalubong ng nakangiting mga mata ni Archie… what the hell.

“Why can’t I take him off my memory?” hindi ko maiwasang isatinig. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat ni Rio.

“Because you have been refusing to forget him…”

Nasapol ako sa sinabi ni Rio. Tama siya. Pinipigilan ko nga ang sarili kong kalimutan at bumitiw sa aking nakaraan.

“Sana kahit ngayon gabi lang!”

“I can help you with that.” a hint of wry smile was evident in his voice.

Kunot-noo akong napaangat ng tingin sa kanya. Nakangiti lamang siya sa akin.

“Anong pinagsasabi mo diyan?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Tumawa lamang si Rio at tumayo bago ako binalingan.

“Sayaw tayo?” Nilahad niya ang kanang kamay sa akin.

“Ginagawa mo?” tinawanan ko lamang siya at umiling. Siraulo talaga.

“C’mon. the night is so beautiful and I am with the most beautiful lady. Please grant me just one dance!” pumalatak ito at hinatak ako patayo.

“Ang dami mo talagang alam!” Then a memory crashed inside my head like mad angry waves.

Thirty-five hours na akong gising dahil sa on-call duty ko at sunod-sunod na urgent surgery. Buti na lamang at sanay na ang katawan ko. Pagkatapos ng munting eksena namin kagabi ni Rio sa rooftop hindi na ulit kami nagkita.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon