Chapter 15: T-Bird

29 7 14
                                    

After my morning class, napagdesisyunan kong kumain sa cafeteria. Matagal-tagal na ring hindi ako naka-punta dito. Usually kasi, may dala akong snacks or si Archie ang bumibili ng kakainin namin tapos doon kami tatambay sa bench ng Cookery.

Maingay naman kasi sa cafeteria dahil sabay ang Recess schedule ng lahat ng grade level.

Hindi ko lang talaga makayanan ang katahimikan doon ngayon sa bench lalo na't mag-isa lang ako. Magkakaroon lang ako ng pagkakataon para mag-isip ng malalim, kahit 'yong mga hindi ko dapat iniisip, sumasagi sa utak kong mapanukso.

Bumili lang ako ng burger and fresh pineapple juice. Umupo na rin ako sa table malapit sa glass wall. Tahimik doon at may konting privacy.

I texted Vince to eat snacks with me but she's busy. Ipinagwalang bahala ko na lamang ang pagtanggi nito. Masyado itong seryoso sa girlfriend niya ngayon.

I took a small bite from my burger and sipped my juice before I scanned my fiction book. Buti na lang at naisipan kong magdala ng librong pwedeng basahin ngayon.

Somehow, may mapagtuunan ako ng pansin.

"Oh! She's alone this time." Mapanuyang tinig ni Kirsty ang nakapagpatigil sa  pagbabasa ko.

Hindi na ako nag-angat ng tingin pero naramdman ko itong umupo sa bakanteng upuang kaharap ko.

I heaved a deep irritated sigh before I closed my book. What is it this time?

I looked at her poker-faced. Sinigurado kong kahit butil ng emosyon ay walang makikita sa mga mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"I knew," makahulugan na namang sambit nito at umismid sa akin.

Napailing na lamang ako dahil wala talaga akong balak na kausapin siya. I'll only get a negative energy from her and I don't need another negative energy dahil purgang-purga na ako nito noong isang araw pa.

Nahimigan siguro ni Kirsty na wala akong planong magsalita kaya nagpatuloy siya, "Alam kong hindi kayo totoong mag-jowa, Kaia!" Matalim ang mga titig ang binabato nito sa direksyon ko.

I gasped a little good thing I was was enough to suppress it. Ayokong magpahuli dito kahit parang nahuli na nga ako.

Oh! This issue again. Kailan kaya ako nito titigilan? Hindi pa ba ito napapagod?
"I don't know wha—"

"You're not capable of loving men, Kaia! That's why I knew to myself na hindi mo talaga gusto si Archie! Spare him the drama, please!"

Hindi ko napigilan ang nakakainsultong tawa na tumakas sa bibig ko. Akala ko kung totoo nang alam nito, iyon pala puro pang-iinsulto pa rin ang lumabas sa bibig nito.

Nagustuhan ko ba talaga ang babaeng ito? Hindi ako makapaniwala na minsan akong nabaliw rito.

Oo! Tama! Minsan lang dahil ngayon sigurado akong burado na ang kung ano mang infatuation o paghangang nararamdaman ko para sa kanya.

Kung meron pa mang natira sa nararamdaman ko, iyon ay tanging awa na lamang... at konting guilt din.

"Kung ano man ang meron kayo ni Archie. I knew that there's nothing real about it. You are being unfair to him, Kaia... don't you think?"

Natigilan ako sa mga sinabi ni Kirsty. It's true I am being unfair to Archie. I did not consider his own feelings. Paano kung may napupusuan pala ito rito sa school pero dahil tinali ko siya sa isang walang kwentang 'kasunduan' namin na ako lang ata ang nagbe-benefit, hindi na siya nagkaroon pa ng chance na ligawan ang babaeng gusto nito.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon