Chapter 32: Overdosed Pain

24 4 0
                                    

In this lifetime, as of the moment, I only wanted three things. One, I wanted Aladdin’s Genie and wish for Archie’s life. Two, I wanted Hermoine’s time turner necklace and just turn back time where I could say everything that I want to Archie. Three, I wanted to wake up from this nightmare.

If only life was easy but no matter what we do, everything boils down to ‘if only’s’.

Why are people vulnerable and weak?

Ngayon ang lipad ko patungong Singapore. Mamayang alas otso ng gabi, kaya nakiusap ako sa coach ko kung puwede muna kaming dumaan sa ospital. Mabuti na lang at mabait si Ma’am Alejandro kaya napagbigyan ang hiling kong makita muna si Archie kahit saglit lang.

Mabigat ang dibdib ko dahil nakatakda ang surgery ni Archie sa araw din ng competition ko. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Daig ko pa ang mga miserableng bida sa play ni Shakespeare.

Agad akong pumasok sa ICU at sinulit ang bawat segundong nasa tabi ng taong mahal ko. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kanang kamay at nilapat iyon sa aking noo.

Ang tatlong araw niyang pagtulog ay naging isang lingo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

He was peacefully sleeping but the knot on his forehead told me otherwise. Alam kong lumalaban din siya pero hindi mawala sa isip kong nahihirapan na siya.

“Archie… I’ll be competing and it’s for you. Wake up… and wait for me. I promise to come back soon.” I kissed his hand and smiled as if he could see me.

Saglit akong bumitaw sa kanyang kamay at kinapa ang aking leeg. Biglang gumapang ang ginaw sa balat ko nang maramdaman ang aking mga daliri. Agad kong hinubad ang kwentas na binigay niya sa akin.

Tumayo ako at mas lalo pang lumapit sa kanya. Bahagya akong naupo at pinagkatitigan ang larawan sa loob ng locket. Pareho kaming nakangiti roon. Si Archie, nakangiti at walang iniindang sakit. Masyado talagang mapaglinlang ang ngiti niya dahil alam kong sa mga panahong iyon, may nilalabanan pala siyang karamdaman at wala akong kalam-alam.

Inilapit ko iyon sa kanyang leeg at tuluyang sinuot.

“Pansamantalang isasauli ko muna ito sa’yo. Para at least maramdaman mo ang presensya ko.” Ngumiti ako at inayos ang nagulo niyang buhok.

“Please wake up…” bulong ko at niyakap siya. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso habang hinahayaan ang malayang pagdaloy ng aking mga luha. “You need to return this necklace to me.”

Sana bigla na lang siyang magising. Sana maramdaman niya ang init ng pagmamahal ko. Umaasa akong yayakapin niya ako pabalik ngayon. Pero ilang minuto na ang lumilipas at wala pa rin akong natanggap na response mula kay Archie.

“Wait for me, my love. Mahal na mahal kita, baba. Huwag kang bibitaw, ihigpitan ko ang kapit.”

Archie, we will have our future, we will pursue our dreams. It may not be with each other but as long as both of us are in that future then I’ll settle for it.

֎֎֎

I arrived in Singapore with a heavy heart. No, I actually arrived in Singapore leaving my heart behind. I couldn’t feel the excitement nor the nervousness. I felt numb.

Ate Kora promised to give me an update about the surgery every second. My coach couldn’t express her happiness because of my gloomy aura.

We decided to immediately check in our hotel and explore the venue of the event so I could get myself accustomed to the environment.

Pero tila ako isang lumulutang na esperitu na hatak-hatak ng aking guro.

‘Get a grip, Kaia. Mag-focus ka. You are doing this for Archie, after all!’

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon