Hell week! Kabi-kabila na ang pasahan ng outputs and requirements dahil Midterm Week na. May mga estudyante at teachers din na naghahabulan.
Normal na eksena lamang ito sa tuwing paparating na ang exam. Kung sa ibang paaralan, exam muna bago pasahan ng outputs, dito sa school namin baliktad. Mahigpit at number one rule iyon, ang kailangang makapasa ng outputs para makakuha ng exam.
Pero nasanay na rin naman ang mga estuyante rito, meron nga lang ibang pasaway na hindi nag-co-comply ng outputs.
Archie texted me that he would also be busy for his outputs kaya hindi niya daw muna ako masasamahan sa bench at magkikita na lang kami mamayang hapon dahil ihahatid niya daw ako pauwi.
I looked like a needy and clingy girlfriend. Damn.
'Girlfriend...' Ilang beses kong nilaro ang salitang iyon sa aking labi. It tasted sweet inside my tongue. Nagugustuhan ko na bang tawaging girlfriend?
'Hoy! Wala pa ngang label diba?'
"Hello? Earth to Kaia Antonette!"
"Huh?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang kamay ni Kayla, ang aming classroom president.
"Hakdog!" Pumalatak naman si Crissa. Kaibigan ko rin.
Magkakaklase kami ng dalawang ito at si Vince noong Grade ten. Kami rin ang palaging magkakasama dahil na rin sa pareho naming hilig ang pagsasayaw pero nalihis ang landas namin ni Vince nang mag-girlfriend kami ng mga 'di nila gusto.
Sa aming apat, si Vince lang ang nag-iba ng strand. Kaming tatlo pinili ang HUMSS.
Ngayong wala na kami ni Kirsty, naging magkalapit ulit kami. Noon kasi ayaw ni Kirsty na kinakasama ko sila. Masyado kasi 'yong selosa.
"Lakas ng tama mo kay lover boy ah!"
I rolled my eyes at them. Lakas din ng dalawang 'tong mang-asar eh.
"Pinagsasabi niyo diyan!"
Ang sabi nila magkikita raw kami sa Library dahil mag-a-advance work kami sa chapter 3 ng kanya-kanya naming Research. Advantage na rin para sa akin iyon dahil may pagtatanongan na ako, may magbibigay pa ng posibleng suggestions.
Hindi naman ako gano'n ka-selfish at ka self-proclaimed intelligent student. May mga bagay pa ring hindi sakop ng kaalaman ko. Mahirap kayang ma-isa sa Research!
Mag-a-advance study rin daw kami para sa exam this coming Thursday and Friday pero na-uwi naman sa chismisan itong ginagawa namin.
"Iba ang glow ngayon ni Kaia, no, Kayla? Pansin mo?" Nakangising puna ni Crissa at sinilip-silip pa ang mukha ko.
"Naman! Akalain mong may i-gaganda pa pala siya. Iba mag-alaga si lover boy!" natatawang kantiyaw ni Kayla.
"Positive energy ang binibigay ni lover boy, Ghorl! 'Di gaya no'ng nauna, nanghihigop ng positive energy ni Kaia!"
Umiling na lang ako at inambahan sila ng suntok. Kanya-kanya naman sila sa pag-iwas. Hindi pa kasi dumadating si Vince kaya hindi muna kami nagsimula. Mahirap na at baka sumama na naman ang loob no'n.
"Ang swerte mo talaga sa lalaking 'yon, ghorl! Isipin mo ganoon ka-gwapo tapos sa isang tibo nag kagusto. Uy, 'di sa ininsulto kita, ah!" Mayamaya ay sambit ni Kayla habang nasa cellphone nito ang buong atensyon.
Napangisi ako dahil sa sinabi ni Kayla. Kung alam mo lang ang pinagsimulan nito. Hindi naman ako na-insulto sa mga sinabi niya siguro ay dahil sanay na kami sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love Charade
Ficção AdolescenteKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...