Ilang araw na ang lumilipas pagkatapos ng date namin ni Archie. I don't want to be a hypocrite, kaya I labeled it as a date.
Wala namang masama roon, hindi ba? We were exclusive, parang kami na rin naman.
Hindi ko rin maiwasan ang mag-isip eh. Am I ready for this new era of my life?
Honestly, I'm scared but thinking of everything that connect to Archie, I could definitely say that he's worth the risk.
He's actually the risk I am willing to take head on. Subalit, meron pa ring agam-agam sa pinaka-ilalim na parte ng puso ko na hindi ko mawari kung ano.
"Ang haba 'ata ng nilalakbay ng diwa mo, kapatid ko?" Nakangising umupo si Ate Kora sa tabi ko.
Nasa balcony ako ngayon at nilalasap ang malamig na hampas ng hangin. May bagyo kasi kaya dalawang araw nang walang pasok dahil signal number one rin ang lugar namin. Buti na lamang at panaka-nakang ulan lang ang nararanasan namin at hindi kalakasang hangin.
Katatapos lang namin mag-dinner at pagkatapos kong maghugas ng pinggan dito agad ako tumambay. Plano ko sanang magbasa ng fiction book pero hindi ako maka-focus at nanatiling nakasarado ang libro ko dahil nililipad sa iisang tao ang isipan ko.
Iniisip din kaya niya ako?
"Walang sagot? Sing lalim 'ata ng labindalawang talampakang balon ang iyong gunita!"
Nakaunot-noo na naman akong bumaling dito at bahagyang natawa.
"What's with the deep tagalog words?" kantiyaw ko rito at pabirong hinampas ng hawak kong libro.
Mahina lang dahil mas takot akong masira ang libro ko kaysa sa masaktan itong kapatid ko. Pinag-iponan ko pa naman itong mga libro ko.
"Nakuha ko rin atensyon mo. Now, what?" nakataas-kilay na naman nitong untag.
"What?" Pagmamang-maangan ko. Mahinang hinablot nito ang ilang hibla ng aking buhok pero napadaing pa rin ako sa naramdamang hapdi na dumaan sa anit ko.
"Ano ba!"
"You know what, I can't seem to ignore the glow in your eyes this past few days, it gives off an aura of love. Pero di ako sigurado, observation ko lang," makahulugang sambit nito at ngumisi na tila may iba pang ibig iparating bukod sa mga makahulugang salita nito.
"Diretsuhin mo na lang ako, ate. Dami mo pang kuda!" Pang-aalaska ko dito at lumipat sa hanging egg chair para makaharap siya.
"What's the deal between you and Archie?" diretsang tanong nito at nagtaas ng kilay sa direksyon ko. Naramdaman ko namang gumapang ang mainit na sensasyon mula sa sikmura ko papunta sa bunete kong pisngi. Siguradong pulang-pula ako ngayon.
Buti na lang at patay ang ilaw pati na rin ang book light na naka-clip sa libro ko dahil kung nakikita ito ngayon ni ate siguradong babatuhin na naman ako nito ng sandamakmak na pang-aasar.
"We're in a relationship," I said stating the fact.
My sister looked at me like I grew ten folds of horn in my head.
"Yeah, right. Tell that to the marines!" She rolled her eyes at me.
Naguguluhan naman ako sa sinabi nito at natigilan sa sumunod na pinakawalang mga salita.
"Being in a relationship and being in love are two different things, my dear sister," sabi ni ate na parang nakikipag-usap sa isang one-year old kid. "By the glow and radiant I see in you this past few days, I guess, you we're the latter."
BINABASA MO ANG
Love Charade
Teen FictionKaia, a seventeen year old HUMSS student, who is still uncertain of her identity got her heart broken for the very first time. In order to save the love she lost, she made a deal with Archie, the root of her bleeding heart. Archie, a STEM student, w...