Chapter 22: Binibini

43 7 21
                                    


Ilang beses na akong palakad-lakad sa corridor sa labas ng ICT Room na nasa second floor ng SHS building katabi ng library. Kasalukuyang ginaganap ang research proposal defense ng HUMSS.

Paulit-ulit ko nang kinakabisa ang mga sasabihin ko at mga sagot sa posibleng katanungan sa akin mamaya.

Matagal ko nang napaghandaan ito, pero ngayong nangyayari na, kinakabahan pa rin ako dahil sa mga hindi inaasahang panelists namin.

Apat silang teachers ang napiling panel ng aming Research teacher. Dalawa sa kanila ay kilalang terror at nang babagsak na teachers ng Junior High at very promising pa sa larangan ng pananaliksik.

Samantalang ang dalawa naman, ay SHS teachers. Pero isa sa kanila ay hindi kasundo ng HUMSS students dahil sa tuwing nagbibigay ito ng requirements, feeling niya siya lang ang subject teacher namin.

Isang teacher lang ang kasundo namin. Si Maam Oligario. Isa laban sa tatlo.

Nararamdaman ko nang lumakbay ang kumakalabog kong puso paakyat sa lalamunan ko.

"Ate Kai, pinapabigay po ni Ma'am Zamora." Kuha ng isang grade nine student sa atensyon ko.

Lumipad ang tingin ko sa inabot ng estudyante at napangiti ako nang makita ang hydro flask ko at dalawang sandwich.

Nauna kasi akong umalis kanina dahil sa pagkabalisa kaya nakalimutan ko ang mga ito.

"Salamat, Jeko!" Nakangiting kinuha ko ang mga iyon sa estudyante ng kapatid ko. Tumango lang ito at tumalikod na.

Naagaw ng pansin ko ang isang note na nakapatong sa sandwhich kaya kunot-noo ko iyong kinuha at tiningnan.

"Good luck! You can do it." Basa ko sa nakasulat. Masyado namang sweet ngayong araw ang kapatid ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maliit na initials na nakasulat sa lower part ng sticky note.

It says, A.J.

Napailing na lamang ako habang unti-unting gumuguhit ang kinikilig na ngiti sa aking labi.

Malamang siningit lang ni Archie ang note na iyon habang papunta rito si Jeko.

Loko talaga! Ang daming alam!

Pero, okay lang. Nagugustuhan ko naman.

Napabalik ako sa kasalukuyang pangyayari nang niluwa ng ICT room ang mangiyak-ngiyak na grupo ni Kirsty.

Tapos na sila! Nakakainggit dahil makakahinga na sila nang maluwag. Gusto kong matapos na rin ako rito.

Kung hindi lang sana according to draw lots ang pagkasunod-sunod ng presenter, nag-volunteer na ako para natapos na itong kaba ko.

Lumapit ako sa kanila para sana magtanong pero nakaka-ilang hakbang pa lamang ako nang marinig ko na ang bangayan nila.

"Kasalanan mo ito, Kirsty!"

"Sana hindi kami nakinig sa'yo!"

"Bakit pati kami damay sa issue mo?"

Napakunot-noo ako dahil sa mga salitang iyon. Marahang pinunasan ni Kirsty ang mga naglandas na mga luha sa pisngi nito nang makita ako.

Gusto ko sana silang kamustahin pero mas pinili ko na lang ang manahimik at nagdesisyong pumasok na lang sa ICT room, dalawang presenters na lang at ako na ang susunod na ihahain sa mainit na baga.

"K-Kaia!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at naguguluhang napatingin sa kamay nitong nakahawak sa braso ko.

"Kaia, groupmates tayo ulit, please!" Nagmamakaawang boses ni Lyka ang sumalubong sa akin.

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon