Author's Note:
It's cold and windy outside. I hope you are all doing well.💓•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Falcon!"
Napamulat ang mata ko sa narinig na sigaw mula sa labas. Sinamahan pa iyon ng walang katapusang katok.
"May sunog ba?" sigaw ko pabalik.
Mabilis akong bumangon at nagpuntang banyo. Hayaan na iyang si Loren sa labas.
Nang binuksan ko naman ang pinto ay mukha niya agad ang bumungad sa akin. I looked at him from head to toe.
"Alis ka na?" tanong ko kaagad.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"We need to hurry. Tree planting, 'di ba?"
"I thought sa hapon pa tayo magtatanim ng puno?" reklamo ko. Ang aga pa naman kasi. Bago pa lang tumitilaok ang mga manok sa labas.
"I changed my mind."
The hell with that mind. Palaging nagbabago.
"Kaya ka tinatakbuhan, e. Pabago-bago lagi isip mo." I said seriously.
"What?" inosente niyang tanong. Bangag pa siguro. Ang aga pa kasi.
"Wala. Maghahanda na ako. Saglit lang."
Nang makapaghanda ay dumiretso ako sa sasakyan niya. Ayoko muna magdrive.
"Nasaan ang punong itatanim?" kuryoso kong tanong pagkapasok sa sasakyan niya.
"Sa likod," sabi ni Loren.
Napatingin ako doon. Dalawang ang naroon.
I crossed my arms and looked outside. "Bakit dalawa lang?"
"Next time gawin nating one thousand?" he suggested.
I only shrugged at what he said. Unti-unting lumiliwanag ang kapaligiran. Naging maayos ang byahe namin hanggang sa inabot sa maputik na lugar. Sa kasamaang palad ay nabakote ang sasakyan ni Loren.
"Tulak natin, pre."
Lumabas kami ng sasakyan. Pambihira. Huwag naman sana ako buong taon magtutulak ng sasakyan.
Ngunit pagkalabas ko ay may natanaw akong babaeng naglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Sandra ang babaeng iyon.
Nakaputi siyang bestida at may dalang isang tree seedling. Nakatingin at hinahawak niya ang dahon habang siya ay naglalakad. Kaya hindi niya ako nakikitang nakatanaw sa kaniya.
Patakbo akong naglakad papalapit sa kaniya. Buhay siya!
Mayayakap ko na siyang muli!
"Falcon!" rinig kong sigaw ni Loren pero hindi ko iyon pinansin.
Si Sandra ay napatingin sa sumigaw. Sa akin ka tumingin, hindi sa kanya. Gusto ko iyong isigaw.
Yayakapin ko na ng mahigpit si Sandra ng...
"Falcon!" sigaw mula sa kung saan.
Napamulat ang aking mga mata. Tangina, panaginip lang pala. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa naging panaginip.
Buong taon ko ba siya mapapanaginipan kung ganoon?
"Falcon, are you awake? Happy new year, dude! Buksan mo itong pinto," sigaw pa rin ni Loren.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?