02

123 4 0
                                    


"Grow well, baby 2021," bulong ko sa punong katatapos ko lang itanim.


I named it 2021. To resemble this year. An inevitable beginning for the worst and the best that will come.


What we do in life is like tree planting. Those seeds or trees are the decisions we chose to focus our life to. Well, we can also consider that we are the plant ourselves. We grow through sun shines and storms.


"Dapat kang mabuhay, my 2021." Sambit ni Loren na nagpalingon sa akin sa banda nito.


"Hey! Palitan mo ng pangalan ng puno mo. Palitan mo ang 2021, kapangalan ng puno ko. Huwag kang gaya-gaya." Suway ko sa kaniya.


"No, dude. I don't need your damn approval in naming my tree. Kung gusto mo ay palitan mo ang sa iyo." Wika nito na nagtatabon pa rin ng lupa sa kaniyang tinatanim.


"Sorry, 2021. I cursed in front of you. Kasalanan ni Falcon," Loren said to the tree.


Kala mo talaga ay napakabait. Sarap sabuyan ng lupa. I don't want to that, though. New Year pa naman. Baka buong 2021 kami magsabuyan ng lupa. I don't need that kind of stress.


Umalis ako ng hindi nagpapaalam kay Loren. May usapan naman kami kung saan patungo after this tree planting. Huminga ako ng malalim nang matanto kung saan ang tungo.


Sa byahe ay naisipan kong bilhan siya ng bulaklak. Doon na lang sa malapit na flowershop.


I'm going to visit her... in the cemetery.


I choose the arranged white flowers. I don't know exactly what flowers are those. Basta pinili ko ang pinakamaganda sa available sa shop.


"Happy New Year, Sandra." Mapait akong ngumiti sa harap ng puntod niya matapos ibaba roon ang dalang bulaklak.


Napatingala ako, pinipigilan ang sariling maluha. I deeply sighed. Pinili kong maupo sa may gilid. Napatulala ako sa pangalan niyang nakaukit doon sa lapida.


Sandra Wang


Wala ng pumasok pang salita na maaari kong sabihin dito sa puntod. Words... how useless if they were too late to be given.


Pumitas ako ng isang bulaklak sa aking dala at pinaikot-ikot iyo sa daliri. Hindi ko namalayan kung ilang minuto kong ginagawa ang pagkatulala sa bulaklak. Naramdaman ko na lang ang tapik sa aking balikat. Lumingon ako at natagpuan ang pagmumukha ni Loren. May dala ring bulaklak si Loren. Nilapag niya iyon at ginaya ang pagkakaupo ko. Umupo siya sa aking gilid.


"Sorry, Sandra. I wasn't able to meet you when you were alive. Bagal kasi nitong tropa ko," Loren chuckled.


Kakainis talaga ang isang ito. Ang lakas mang-asar.


"Sorry din Sandra. Hindi ko naipakilala si Loren sa iyo. Missing in action 'to lagi, e, noong panahong nagkikita tayo. Masyadong busy sa paghahabol," I glared at Loren as I said those words.


Kala mo ikaw lang ang may pang-asar. Iba ata 'to.


Loren just shook his head repeatedly.


"I would also like to apologize para sa tropa ko. He never confessed his feelings for you, Sandra." Tutok na tutok ang paningin ni Loren sa lapida sa harap.


Napasinghal ako sa sinabi niya. Tumayo ako. Wala ng masabi. Hahayaan ko munang manalo itong si Loren ngayon, makakabawi rin ako. Hindi ngayon sa harap ng puntod ni Sandra.


Sorry, Sandra.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon