31

20 1 0
                                    

Inabutan ko ang dalawa sa may parking area ng café.


"What's the problem?" mahinahong tanong ng lalaki.


"Mag-break na tayo," mahinang tugon ng babae sa kaniya.


I crossed my arms while watching them. Ang chismoso ko.


Agad na lumapit ang lalaki at niyakap siya. She pushed him immediately.


"Kasasagot mo lang sa akin, Love. Wala pa pa tayong 24 hours magkarelasyon tapos hiwalayan agad?" alma ng lalaki.


"Ayoko na. Matatapos din naman 'to," paliwanag ng babae.


I chuckled slightly at her reason. Bakit hindi niya na lang diretsuhin na cheater ang lalaki?


"Alright, let's just go. Ihahatid na kita." He sighed at her.


Umiling ang babae at naglakad papalapit sa akin.


"Umuwi ka mag-isa mo... Salamat sa lahat."


Kumunot ang noo ng lalaki sa akin. I smirked at him. Nagulat ako nang hilahin ng babae ang aking kanang kamay papaalis doon.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon