Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumalikod para ilagay sa sasakyan ang gamit, at para rin itago ang nagbabadyang luha.
Don't cry, please. Not now.
Tuluyan akong umupo sa driver's seat bago sarhan ang pintuan. Binaling ko ang tingin sa labas at nakitang titig na titig si Falcon sa pintong kapapasok ko lang.
Matapos pakiusapan ang sariling ayos lang, binuksan ko ang aking bintana para magpaalam sa kaniya. Pwede ko idahilan na marami akong gagawin. Tatanggapin niya 'yon. Ano bang say niya?
"I-im going home," I raised an eyebrow.
A deep sigh escaped his lips before he nodded.
I bit my inner cheek. Nanatili ang seryosong tingin ko.
"Tell Exodus and Sandra that I went home..."
I know I am kind of being rude. But after Falcon's statement... mukhang hindi ko kayang pakiharapan sila. Iniisip niya na hindi ako kailanman nagpakatotoo at hindi ako kailanman naging ako. So ano ako, plastik? Gusto kong maiyak sa inis!
Kung ibang tao ang nagsabi sa akin noon ay baka wala akong pakialam. Pero si Falcon ang nagsabi, eh. I don't know why it gets to me so easily.
"It seems that you're running again."
I contained a straight face. Wala na akong sinabi pa. I drove myself out of the place. Ni hindi ko siya nilingon.
Mahina akong napahikbi habang nag-drive. If I could only be myself... hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. If I'm being true to myself... who will hear me out?
Kinagat ko ang labi ko at hindi napigilan pa ang paghagulhol. Wala akong ibang pwede sisihin kundi ang sarili ko.
I guess lying to myself is my own kind of truth. Ginusto ko kung nasaan ako ngayon. Ako ang pumili nito.
Nang gabing iyon ay nakauwi ako na mabigat ang loob. I stopped myself from sulking by choosing to rest. Dala ng pagod sa nangyari at sa mga isipin, nakatulog agad ako.
Kinabukasan ay walang gana akong bumangon. Pinili kong magpahinga buong araw, tanging ginawa ay magbasa ng libro. Nang hapon ko inayos ang mga gamit for the hike. Pumili rin ng hiking outfit na susuotin.
The next day came, we prepared really early for the hike. By 5:30 am we are instructed about trail. I am somewhat feel lighter because I am surrounded by nature.
"Ay siya, tara na!" aya ni Kuya Roy, ang aming guide matapos bigyan kami ng instruction.
Tumango at ngumiti ako.
"Wait lang po, join ako." Sandra's voice came.
Napabaling ako sa likod para makita siya.
Nanatili akong nakangiti. Nalusaw lang ang ngiti ko nang makita ang nasa likod niya.
"Sasama ako," Falcon announced on everyone while looking at me.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?