Napakamot ako sa aking batok habang tinitingnan mariin ang nagriring na phone. Ano ba naman 'tong pinasok mong kalokohan, Falcon? I groaned when the call ended.
"Ugh!" I groaned again because she called me for the second time. Mabilis akong suminghap bago sinagot iyon.
"Hello, Ms..." hindi ko natuloy ang sasabihin. Paano ba 'to? Hindi ko alam kahit first name niya.
"Kuya, sorry," mahinhin ang pagkakasambit ng nasa kabilang linya.
Bakit kaya siya nagsosory?
"Ako dapat ang magsorry. I wasn't able to answer your first call," pahabol ko kaagad.
Pero dapat talaga akong magsorry dahil sa pagpapanggap ko.
"Pwede po bang magpabili na rin sa inyo ng gamot bago kayo pumunta dito sa bahay?" namamaos ang boses niya.
"Are you okay?" Ooops. Damn my tongue.
"Okay, ibibili po kita. Pero saan nga exactly ang sa inyo? Pasensya na bago lang kasi akong nagdedeliver," bigla kong pahabol bago pa siya makasagot.
"I'm kind of sick." She managed to chuckle weakly before continuing to talk. "Can you ask the guard of the Pueblo Plades for the exact direction bago makapunta dito sa Daisy Street, Block 35? If sa North gate ang way mo. Pero if sa South ay you can go straight ahead and then turn right--"
"Okay na po, Miss. Alam ko na pala papunta diyan," putol ko sa sinasabi niya.
Napangiti ako. This is my lucky day! Katabi ng street ko ang Daisy Street.
"Okay," she said gently.
"Okay. See you," hindi ko pa rin matanggal ang ngiti ko habang binabanggit iyon.
Naibaba na niya ang tawag pero nakangiti pa rin ako. This is my chance. I won't waste this one.
Tahimik kong pinasasalamatan si Loren. Ang lupit ng isang 'yon. May nagawang maganda para sa akin.
On the other hand, magiging legit na delivery boy ako. Siyempre, gamot ang dadalhin ko. I don't have any of her parcel from online shopping but I have her meds. Pwede na sigurong palusot iyon sa kaniya. Paano ba ako magpapaliwanag? Just go for it, delivery boy.
Pinuntahan ko ang isang drawer kung nasaan ang mga gamot. Meron akong nakastore na ganoon para hindi hassle sa part ko, in case na magkasakit. Nang nabuksan ko ang drawer ay naisip ang gamot na kukuhanin. Teka, walang siyang nabanggit kung anong gamot ang dadalhin ko sa kaniya.
I immediately called her. She answered it right away.
"Naliligaw ka po?"
"Hindi ako naliligaw pero nais kong manligaw," humalakhak ako sa aking nasabi.
Kapal ng mukha.
Tinawanan niya naman ako. Mukhang pasado ang hirit ko. "You're so funny, why did you call?" She added.
I cleared my throat before answering her. "Anong gamot pala ang dadalhin ko? I mean, ang bibilhin?"
"Oh, sorry. I forgot to mention it pala. Mag-asawang gamot," namamaos at nanghihina niyang sagot.
"Sige, Miss." Mabilis kong pinatay ang tawag.
Kailangan kong magmadali. Matapos kuhanin ang mga gamot ay lumabas agad ako. Iniisip ko pa kung momotorin ko pa ba. Pero naglakad na lang ako. Malapit lang naman. Bawas na rin sa air pollution.
Bumuntong hininga ako nang madaanan ang bahay ni Sandra noon. Cheer for me up there, Sandra. Pagkatapos ng bahay ni Sandra ay bahay na ni Ms. Chicken. Bigla akong kinabahan. Pambihira 'tong ginagawa mo, Falcon.
Nagdoorbell din agad ako. Hindi na inisip pa ang sasabihin sa akin ni Miss... Bumulaga sa akin ang kaniyang mukha pagkabukas ng gate. With her short hair, the brown eyes and those lips, maputla iyon. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa kaniyang mga matang tila namumungay. Nakakunot ang noo niya.
I was about to speak when she collapsed in my arms.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?