13

34 1 0
                                    


Nawala ang lahat ng nasa paligid ko. Pumikit lang ako at nagkukunwaring nahimatay. Saktong tumunog na rin ang timer. Ibig-sabihin ay tapos na ang laban.


Itinihaya ako ni Pochi. Pigil-pigil ko ang sariling magmulat.


"Falcon, are you still alive?" marahang tapik ni Pochi sa aking pisngi.


Aray. Mas nasaktan pa ako sa sinabi niya kaysa sa pagkakatama ng kung anong bagay sa ulo ko.


Narinig ko ang mga yabag ng kung sino. Palagay ko ay si Loren.


"Patay na ata siya," malungkot na sabi ni Pochi kay Renz.


Gusto kong sabihin sa kaniyang...Ang OA mo, Pochi. Huwag mo ako patayin. Hindi pa nga tayo nakakadate kahit isang beses man lang.


Pero patay malisya pa rin ako.


I was surprised when I felt I was being tickled on my tummy. Hindi ko napigilang mapaigtad at mapangisi.


"HAHAHAHA!"


Damn, both of them are laughing out loud. Bakit ba kasi ako may kiliti sa tiyan? Ugh, epic fail.


"Niyog lang pala katapat mo." Ngising bati ni Loren pagkamulat ko ng aking mata. Hindi pa rin nila tinitigilan ang pangingiliti. Pati ako ay napatawa na rin.


"Ang bundok ko? Hahahaha" angal ko sa kaniya. Iniiba ang mapapag-usapan. Kakahiya kay Pochi. Para akong kiti-kiti na walang tigil sa paggalaw.


Ang buong mukha ni Pochi ay pulang-pula na katatawa.


"Stop it! Hahahaha!" angal ko sa dalawa.


Halos gumulong na ako para lang patigilin silang dalawa pero hindi nila ako tinigilan.


"Hahahaha! Please, tigil na!  Hahahaha!"


"Hahahaha," tawa ko pa rin kahit tinigilan na nila ako. Nakakabaliw ang magkaroon ng kiliti.


Hindi muna ako tumayo. Sa halip ay nagpahinga saglit. Thank goodness at wala akong nadaramang hilo. Pumikit muli ako at marahang dinama ang parteng likod ng aking ulo. Hindi naman siguro nakakabawas ng kagwapuhan ang bukol, 'di ba?


Nang magmulat ako ng aking mata ay umupo na ako. Naka-indian sit si Pochi sa aking harapan.


My eyes went Pochi's face. Namumula pa rin at may malaking ngiti. Napansin ko rin ang mumunting luha sa gilid ng kaniyang mga mata.


"Sorry, I made you cry," my voice strained, I shyly smiled at her.


"These are happy tears," she smiled brightly.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon